Chapter 15

2000 Words
Kabanata 15 ROXIE Kailangan confident pagdating sa The Grand View. Matagal na rin n`ong huling ni-represent ko ang Persona sa isang biglaang event. Nene pa ang itsura ko noon. Medyo excited din ako na makakita ng mga sikat sa fashion industry. Baka makasagap ako ng mga exlusives ditto. Pera na naman for sure! Hihi. “Roxie, prim and proper ka dapat mamaya.” Paalala sa akin ni Tita pagkababa namin ng kotse. “You’re representing Persona. Just a reminder.” “Opkors Tita. Buti na lang talaga pogi at maganda ang pamangkin mo ano? Kahit biglaang party walang tapon sa kagandahang pisikal ko.” Nagpogi sign pa ako. Inismiran lang niya ako e. Dumating na rin ang kotse na lulan sina Tita Z at Kaiya. May kalayuan sa kinaroroonan namin ang pinagparkingan nila. Umibis na ang dalawa sa kotse. Suot-suot nila ang dinesenyong evening gown ni Tita. Anggaling talaga. Parang itinadhana para sa kanila ang mga gowns. `Yung curved ni Tita Z walang kupas. Hayaan na si Kaiya at mapayat naman siya at laging maintain ang BMI. “Tsk tsk. Anglakas ng dating ni Tita Z. Parang hindi Shonda ano? Lakas maka-backless ng design mo Tita. Pulmonyahin `yan. Haha!” Halla! Tulala ang Shonda! Haha. Pabiro kong itinulak pataas ang baba niya. “Tulo laway. Kadiri. Haha!” Shit s**t! Kinurot niya ako sa braso! Ang sensitive skin ko! “Tita! Awat na! Naman!” binitawan naman niya ako. Hinaplos-haplos ko ang bahagi n kinurot niya. “Sakit ah. Bakit kasi nakatulala. Napaghahalataan tuloy.” Malapit na sila sa amin. Umayos na ako ng pagtayo. Prim and proper nga e. Pareho kaming naka-suit ni Tita. Feminine pa rin naman `no. Mas pogi lang ako kay dahil mas maikli ang buhok ko at wala pa akong wrinkles. Haha! Gagi! Partner na partner sa evening gown ni Tita Z ang suit ng aking masungit na tiger Tita. Haha! “Lakas. Kapol na kapol.” Kantyaw ko sa kanila. Nasa entrance na kami. Red carpet din ang drama. Iba talaga kapag yayamanin ang magbi-birthday parang laging awards’ night. Marami ring media ang present. May mga familiar faces akong nakita. Parang nagtaka pa sila na kasama ako sa bisita. Well, iba kapag may Tita kang malapit sa biyaya! Haha. “Approved ba ng manager mo `to? Baka may existing contract ka sa ibang clothing.” Sabi ko kay Kaiya habang papalapit kami sa red carpet. “Tapos na ang mga kontrata ko last month pa. Technically free-lance model ako.” “Buti naman. Uy, ganda mo ngayon. Bagay sa`yo `yang dress.” “Kailangan din ba kitang purihin?” “Hahaha! Oo naman! Pogi ko kaya ngayon.” Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. “Start na ng pag-acting. Smile, Best actress.” Alright! Tumigil kami para sa photo opp sa red carpet. Nangangawit na ang labi ko sa kakangiti. Sanay na sanay naman `tong katabi ko. Parang lahat ng angle e best angle niya. Hoooh! Natapos din. Iginiya kami ng usherettes sa aming table. Maraming celebrities din ang present. At duh, may mga nakataas ang kilay pagkakita sa amin. Anghanash naman ng mga `to! My gosh! Hindi porke pogi ako e pakatitigan na nila ako nang ganyan. “Kaiya, you can handle this pressure naman `di ba?” Tanong ni Tita. “Sorry. I dragged you in this mess.” “No worries. I love to see those jealous eyes, Miss Ingrid.” Hahaha! b***h mode! Siguradong mata-tag ang Persona sa LGBT issues dahil isang proud lesbian at isang na-link naman sa lesbian ang representative sa event. Gosh! The chaos na pwedeng mangyari. In-approach na ni Tita si Mrs. Diamante kasama si Tita Z. Kami naman ni Kaiya ay nanatili sa aming mesa at kunwari enjoy sa mga kaganapan. May kumakanta kasi ng old songs. Grrr! Parang Sunday habit lang sa radio ang tugtugan. Lumapit sa amin ang isa mga photographers. “Excuse me. Can we hava some photo op there?” Tinuro niya ang Celstial Cosmetics backdrop. Free endorsement ang datingan! Pose dito. Pose diyan. Couple na couple ang datingan namin ni Kaiya, the b***h. Haha. Minsan awkward din na ako ang kinukuhaan ng pictures since photographer din ako. “Patingin ng preview.” Kako agad sa phographer pagkatapos ng ilang shots. Pogi ko naman! Ilang pictures din `yon. “Nice naman. Sendan mo ako ng copy ha?” Binigay ko ang email ko sa kanya. Kumuha ako ng drinks sa waiter na dumaan. Inabot ko kay Kaiya ang isa. “Iba din si Mrs. Diamante ano? Yayamanin. Bigatin ang mga bisita.” May mga politicians din akong nakikita oh. “Ano kaya ang plano niya? Magnegosyo o pumasok sa pulitika? Baka both kasi may negosyo sa politics. Haha!” Wala na ako nagawa dito puro daldal. Bored na ako! “Pakihinaan ang boses mo. Pwede? May makarinig sa`yo.” Uminom na lang ako nitong wine. “Hmm. Nice din ng wine nila. Doon tayo.” May nakita kasi akong kakilala. Alangan naman mag-steady lang kami sa upuan. De iinit ang wetpaks ko noon. Bilang representative kuno ng Persona dapat makihalubilo din kami sa ibang bisita. Nakita ako agad ni Shonti. Isa rin siya sa mga napitikan ko na. Model siya ng Plum Clothing. “Miss Rox!” Sarap dagukan ng lalaking `to talaga! Angpogi-pogi ko Miss pa ang tawag sa akin. “Hi! Kumusta po?” napunta agad kay Kaiya ang atensyon niya. “Good evening Miss Kaiya.” “Walanghiya ka. N`ong ako ang nakita mo parang gusto mo maki-high five. Tas nang si Kaiya naging angbait-bait mo. Ilaglag kaya kita ano?” Naging apologetic naman siya bigla. Toyo nito. Hindi ma-joke. Pinakilala niya kami sa mga kakwentuhan niya. Kapwa rin niya model. “Model ka na rin pala, Miss Rox.” Sabi ng isa. “Angpogi mo sa suit. Nakaka-insecure na rin minsan talaga.” “Baliw. Pogi din naman kayo.” Tukoy ko sa mga kasama din niyang lalaking model. “Iba-ibang kapogian lang talaga tayo.” “Guys, Miss Celeste is coming.” Parang nagbibigay naman ng SOS tong si Shonti. Parang sumabay pa sa paglapit niya ang tugtog e. Miss Independent ang music kasi. Angbaba ng neckline ng suit niya. Pabida ng cleavage si ati! Haha. “Tangina, Shonti. Hindi naman sinabing pakitaan ng cleavage ang labanan dito.” Mahina at natatawa kong sabi sa kanya. Siniko ako ni Kaiya. Anghina na nga ng pagkakasabi ko narinig pa rin niya? Bionic ears din ang b***h e. “I hope your enjoying the party.” Bungad sa amin ni Miss Celeste. “Nice to see you here.” Baling niya sa akin. “Looking good.” “Salamat. Mas looking good ka.” Ngumiti siya nang nakakaloko. Grabe! Feeling niya naman type ko siya. Sinabihan lang ng looking good e. At ito na siya nagbibida na ng mga products nila. Ganun naman talaga dapat ang gawin ng heiress. Isa itong business opportunity naman talaga kung tutuusin. Nag-shift ang music sa tango. Nasa dance floor na ang ilang bisita. Walang gusto magpatalo sa mga sumasayaw! Parang may mga baon din silang D.I. e.   “Pwede ba tayong sumayaw?” Tanong nito kay Kaiya. “Or ipagpapaalam pa kita kay Roxie?” Nagkatinginan kami ni Kaiya. Kinuha ko ang bag niya. Minsan niyang pinagselosan `tong si Miss Cleavage, malay mo naman magkaroon sila ng spark. Haha! Patay ako kay Gael nito `pag makita niya ang ilang snapshots ng mga photographers at mga chismosang kapitbahay. Kami na lang ni Shonti ang naiwan dahil nagsipuntahan na sa mga boss nila ang ibang models. “Hinayaan mo talaga?” “Luh. Bakit hindi?” “Well. Ka-date mo si Kaiya. Bakit mo siya hahayaang makipagsayaw sa kilalang womanizer?” Ramdam ko naman na concern lang din siya since `yon ang image ni Celeste pero hindi ko naman jowa si Kaiya para pigilan siyang makipaghalubilo sa iba. Baka naman ito na `yong mga biglaan may spark tapos magkakagustuhan sila. `Di ba? Just another love story. Haha. Pero kung iisipin mong maigi. Hindi ko siya jowa pero ate niya ang EIC ko, hipag niya ang mayabang at protective na si Gael, pinagkakatiwalaan ako ng daddy niya at higit sa lahat lagot ako sa mga tingin ni Tita! Nag-sign of the cross ako bago lumapit sa kanila. Tangina kahit hindi ako marunong sa tango sasayawin ko na lang `to. “Hawakan mo `to.” Inabot ko kay Shonti ang bag ni Kaiya. “Asan `yong partner mo Shon?” Tinuro niya ang isang babae na nagmamasid din sa mga sumasayaw. Nice. Pretty din. “Hindi naman `yan homophobic?” Natatawang umiling si Shonti. “Broken. Huwag mong masyadong ngitian. Huwag kang pa-fall.” Alright! Nilapitan ko siya at inayang sumayaw. Ni-rerebyu ko sa isip ko ang mga steps na alam ko sa tango. Haha! Kinakabahan ako tuloy. Nasa dance floor na kami. `Yung kaba ko nawala dahil gina-guide ako ni Therese. Nice! Dancerist! “Kailangan kong makipagpalit ng partner kay Miss Celeste.” Malakas na sabi ko ditto. Nakikipagkompetensya kasi ako sa volume ng music. “Can you help me?” Ngumiti siya at parang walang nangyari ay ilang steps lang nakalapit na kami sa spot nina Kaiya. Siya na rin mismo ang automatik na nakipagpalit ng partner. “c*m you dance with me?” What? Tama ba `yong narinig kong sinabi ni Therese? As in? Palaban ampotek! Iba ang epekto ng brokenhearted! Anglapad ng ngiti ni Celeste e. Mabilis niyang hinapit si Therese. Ako naman parang natulala sa narinig ko nang hinigit ako ni Kaiya. Ilang steps pa ay wala na kami sa dance floor. Buti naman! Baka maapak-apakan ko pa ang paa niya e. Humingi ako agad ng tubig sa isang waiter. Hingal ako sa tango na hula-hula lang ang steps ko! Haha. “Tama ba `yong narinig ko kanina?” Hinihingal ko pang tanong sa kanya. “I don’t know. Wala naman akong narinig.” “Bingi mo. Sabi ni Therese…” Tinakpan niya ang bibig ko. “You don’t have to say a word please. May makarinig sa`yo. It’s not a big deal.” So tama nga ang narinig ko! c*m nga `yon! Naol c*****g. Naupo na lang ulit kami. Napagod ako sa kakahula ng steps e. Palingon-lingon ako habang umiinom pakonti-konti ng wine. “May hinahanap ka?” Confused na tanong ni Tita. “Parang humaba na ang leeg mo.” Bale hinahagilap ng mga mata ko sina Celeste at Therese! Haha! Bakit angtsismosa ko bigla? Grabe naman Roxie! Model ka ngayon hindi columnist. Saka anong isusulat ko naman? Halla. Hindi ka naiinggit lang ako sa c*m with me? Kailan ba `yong huli? Haha! Char. “Aray naman!” napahawak ako sa tainga ko dahil anglakas ng pagkakapitik ni Kaiya. “Grabe! Inaano ka?” “Parang kang tanga. Ngumingiti ka mag-isa.” “Huh? Hindi ah. Dalawa kami ng kambal diwa kong ngumingiti.” Hinaplos-haplos ko ang tainga ko. “Grabe. Kapag ako nagka-cancer sa tainga. Kasalanan mo. Kayong dalawa ni Jewel. Panay pingot niyo sa akin.” Sakto nagawin ang tingin ko sa table nina Therese. Kakaupo lang din niya. Inaayos niya ang kanyang buhok at nagre-retouch. Hahaha! Pinigilan ko na lang ang tawa ko. Pagod ka ghorl? Hahaha! Alright doon tayo sa isa. Hanapin natin sa radar. Lilingon sana ako sa kanan pero nahawakan ni Kaiya ang kanang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya. Napatingin ako sa kanya. Isang malamig na tingin ang binigay niya sa akin. Tinaasan pa niya ako ng kilay. “You’re so bothered with what you heard. Can you please leave them alone?” Ngumiti ako. `Yong pinaka-cute kong ngiti saka ko tinapik-tapik ang kamay niyang nakahawak pa rin sa pisngi ko. “Uy, iniisip niya din. Hahaha!” Shit. Nasampal tuloy ako nang very light! Haha! Erase-erase Roxie! Huwag bad thoughts! Pero hindi ko pa rin maiwasang matawa sa isip ko talaga. Mukhang nakaisa si Celeste e! haha.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD