Kabanata 16
ROXIE
Tinawag ng emcee ang attention ng mga bisita. Bumalik na rin sa table namin sina Tita. Ah magkakaroon pala ng Wellness and Rejuvenation Clinic ang Celestial. Isinabay ang launching. I am so disappointed! Bakit sinabay? Dapat ibang event `yon. Akala ko ba mayaman ang mga Diamante? The audacity! Charot lang. Gusto ko lang mag-rant kasi nakita ko na naman si Celeste na panay ngiti sa direksyon ni Therese. Haha! Angberde ng isip mo talaga Roxie! Kapag inggit pikit! Haha!
Nakatuon kami sa led screen dahil may ads daw na ipe-present.
Wait. What? First three seconds, side profile ni Yael ang pinakita. Wow! Isa siya sa tatlong faces of Celestial WRC! Nice ng mga angles niya. Anggaling ng gumawa ng ads. Nabigyan ng justice ang kapogian ng mga endorsers.
Swabe! Formal na pinakilala ang tatlong endorsers. For sure may mga plans pa `yan para sa kanila. Bilib na ako talaga dito kay Mrs. Diamante. Perang-pera na siguro siya. Haha! Invest kung invest pati ads, quality din! Daig ang mga matagal na sa wellness industry. Ayaw pakabog ng mga Diamante talaga!
Chill time na ulit. Tapos na ang pagpapabida ng bagong negosyo. Lumapit sa amin si Yael. Binati namin siya ni Kaiya. Namumula ang loko. Napaghahalataan. Haha! Pinakilala ko din siya kay Tita.
“Angkinis ng face. Naalagaan maigi.” Natatawa kong puri sa kanya. “Nice one. Exclusive contract?”
Tumango si Yael. “Pandagdag ipon din.” Bumaling siya kay Kaiya. “Uhh. Pwede ba kitang maisayaw?”
Pinagbigyan naman siya ni Kaiya. Naku Boi! Buti wala si Gael ditto. Haha! Walang nambabara sa`yo.
“Kaibigan niyo si Yael?” asked Tita Rid.
Umiling ako. “Bale kakilala lang. Pinsan siya ng ex ni Kaiya. Nice naman siya.”
“Ah okay. He got the looks. Bagay sa Celestial ang kinis ng mukha niya.” Puri ni Tita. “Konting palaki lang ng katawan. Patpatin e.”
“Ano nga pala ang pinag-usapan niyo ni Mrs. Diamante kanina? Saka angdaming businessmen dito Tita. Nakakalula. Anong meron?”
“Gustong mag-invest. And some are interested. Maraming nagco-convince sa kanya na company.”
“Ikaw? Anong card ang nilatag mo Tita?”
Umiling siya. “Wala. If she wants to invest, I will let her. Hindi ako makikipagcompete.”
“Weh? Sure ka? Wow ha. Taas ng pride mo Tita. Investor na `yan. Ikaw pa ang tatanggi?”
“It’s not about pride. It’s about management din. Look, angdami niyang gustong buksan na negosyo. Celeste have vice issues. Madadamay ang Persona sa hindi magandang image niya.”
“Wait. Saan mo narinig ang mga tsismis na `yan?”
“I did some research.” Sabad ni Tita Z. “Marami din naman akong sources gaya mo. Ang pinagtataka ko lang Roxie, bakit laging involve ang pangalan mo? Anong pinagkakaabalahan mo ba, ha?”
Napakamot ako sa ulo ko. Parang may kuto na ako lagi ah. Haha! “Sshhh. Wala naman. Marami lang din akong mga sources. Haha! Pero kuwan, hindi ko pinopost ang mga articles, nagbagong buhay na ko `no.”
Parang diskumpiyado pa ang tingin sa akin ni Tita. “`Recent article sa restricted site was posted last month and it’s under your username. I have my ways to know those things. Anong nagbago na ang sinasabi mo?”
“Tita naman. Haha! Oo na! Nagpost ulit ako last month. Sayang kasi ung pera! Haha! Saka may evidence naman ako `no. Marami kaya akong mata sa publiko. Kumita rin ako ng 20000 sa mga nagvisit nung article. Celeste, unwated Heiress.” Pagyayabang ko pa sa titulo ng article. Puro facts lang naman ang sinulat ko.
“Mag-iingat ka sa mga sinusulat mo. Baka ikapahamak mo pa `yan.”
Last article na nga `yon. Verified naman ang sources ko. With pictures pa. Hehe. Atleast kumita ng monmon!
So kaya siguro parang trip din ako ni Celeste kanina dahil alam na niyang ako ang nagpost ng mga articles! Hahaha! Lagot yata ako. Makapag-chill nga muna sa labas. Pinuno ko muna ng wine ang glass ko bago pumunta sa parking space. Mas peaceful dito. Escape muna sa pagpapapogi. Mamaya na lang ulit kapag kailangan pa ng serbisyo ko. Hehe. Nakita na ng marami ang faces of Persona. Dapat pala dumikwat ako ng isang bote ng wine. Bitin `tong nadala ko. Tinanggal ko muna ang coat ko para naman umalwan-alwan ang pakiramdam.
Naupo ako sa bumper ng kotse. Anong oras kaya nila gustong umuwi. Inaantok na rin ako. Last drop of wine! Sarap.
“Hindi mo ba nae-enjoy ang party? Why are you here, Miss Ico?” Si Celeste may dala pa siyang isang bote ng wine. “Baka bitin.”
Sinalinan niya ang wineglass ko. Nag-toss kami saka nag-bottoms up ng kanya-kanyang inumin.
“Bored ka rin sa sarili niyong party?” pang-aasar ko sa kanya. “Or na-bored ka na sa pagfeflex ng cleavage mo?”
Natawa siya sa saka mas inililis ang collar ng pang-ilalim niya. Ay baliw! Feeling attractive. Haha!
“Know what? Hindi kita ma-spelling.” Nagsalin ulit siya sa wineglass niya. “Ilang beses kitang nahuling nakatingin sa akin kanina. Checking me out?”
“Hindi naman ako quiz para i-spell mo. Anong trip mo sa buhay?”
Nagkibit-balikat siya. “Fun? I don’t know. Boring ang party ni Mom.”
“Ah. Okay. Nag-e-enjoy naman ang Mom mo. Hindi naman siguro boring.”
Sinalinan niya ulit ang glass ko. “I had lots of experiences with men but I don’t know. I’d easily get attracted to your kind.”
Wala sa oras kong na-bottoms up ang iniinom ko. Anong gusto niyang iparating? Gagi! Na-imagine ko na naman `yong ‘c*m you dance with me!’ Angsexy pa ng boses niya. Bigla siyang pumunta sa harapan ko sa hinawi ang buhok niya. Nagpabalik-balik sa mukha niya at sa cleavage niya ang tingin ko. Diyos ko po! Ngumisi siya sabay salin na naman ng wine sa glass ko. Wala naman siguro itong pampatulog ano? Iginiya niya ang kamay ko na may hawak sa wineglass papunta sa bibig ko. Para akong nahipnotismo na ininom nga ang wine.
“Hmm. Good girl…”
Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng wine na humalo sa pabango niya. May spray na pang gayuma ngayon? c*m your horses. Ah ibig ko sabihin,Roxie, kalma! Si Celeste lang `yan! Naiharang ko ang dalawang kamay ko. Bahagya ko siyang naitulak sa may balikat saka ako lumayo agad.
Tatawa-tawa siyang ininom ang wine directly sa bote. “Hmmm. You know what? Parehong-pareho kayo ni Yohan. Palay na nga ang lalapit hindi niyo pa tukain. Ano bang meron sa Kaiya na `yan? Gold pa ang c**t niya at hindi niyo mabitawan?”
Aba! Putangina! Napakabastos ng bibig din naman nito. Siguro may fungi na ang dila e. Dapat binubudburan ng foot deodorant e.
“Pakialam mo ba kung gold, silver o bronze? Diyan ka na nga. Tigang!”
Hahaha! Binilisan ko ang lakad ko pabalik sa event’s hall. Nagpunas ako ng pawis at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Medyo tipsy na rin ako kaya malamang panay ang ngiti ko sa mga nakakasalubong ko. Haha! Tipsy lang pero hindi lasing na lasing.
“Where are you from?” Tanong agad ni Tita.
Pinatong ko sa mesa ang wineglass. Tangina. Sabi na hindi ako lasing. Hindi ko ito nawala e! Inakit na ako at lahat hawak-hawak ko pa rin! Haha!
“Sa kotse. Nagpahangin lang.” Bumaling ako kay Kaiya na kunot ang noo. “Bakit ganyan ka makatingin sa’kin? Parang nakakita ka ng pogi.”
Hayan na naman `yung bibig niya kapag naiinis. Napapataas ang tas iirap. Tumabi na ako sa kanya. Magbe-behave na ako. Nakita ko kasi si Celeste na papunta sa table nila.
So base sa sinabi niya kanina, insecure siya kay Kaiya? Grabe! E mas Malaki ang dibdib niya dito sa katabi ko. Haha!
“Anong nakakatawa?”
“Ha? Hakdog. Haha! Wala! May naalala lang.”
Oh bakit ganito siya makatingin sa akin. Para akong inuusig e. “Why do have the scent of Celeste?”
Napalingon si Tita Ingrid sa akin.
Grabe ang ilong nitong si Kaiya! Hindi pa nakontento hinila ako sa kwelyo para maamoy ang balikat ko e. Nang maconfirm niya ay natatawa niya akong tinulak.
“Kadiri ka! Huwag kang lalapit sa akin.”
Haha! Gaga! Anong naisip niya? Nakichukchakan ako kay Celeste? Kung hindi lang marami ang tao talaga kanina ko pa to na-headlock e.
“Feeling! Check mo pa sa dashcam ng kotse!”
“Anglandi mo.” Inispray-han niya ako ng pabango. “Kadiri ka, Roxie. Oh baka kailangan mo ng alcohol. Maghugas ka na lang sa CR.”
Hahaha! Inisip talaga niya na may nangyari? Hahaha! Grabe! “Wild mo mag-isip. Seryoso? Sa parking lot?”
“Malay ko ba sa inyo.”
“Baliw.”
May ilang models and businessmen ang nag-ayang isayaw siya pero tinanggihan niya ang mga ito. Ako rin naman ay hindi na nagsayaw kasi wala siyang kasama. Naging abala na naman kasi sina Tita Rid sa pakikipagkwentuhan sa ibang bisita. Na-enjoy na ng mga Shonda ang gabi.
Kain na lang kami dito sa table kasama si Yael. Nahihikab-hikab na ako hindi pa mag-ayang umuwi sina Tita.
“Roxie, mukhang may gusto sa`yo si Miss Celeste. Ilang beses ka niyang tinanong sa akin e.”
“Huh? Hindi ako papatol sa halos ka-edad ni Tita.” Sumubo ako ng grapes. Mabilis ko itong nginuya. “Dude, Paano na lang pag nagse-s*x kami? Matawag ko pa siyang Tita. Haha! Tita faster! Ganun? Haha!”
“Bibig mo!” Mabilis na dumapo sa bibig ko ang mahinang tampal ni Kaiya. “Can you please watch your words? Sa public pa mismo?”
Napataas ako ng kilay. “Duh. Konti na lang ang tao. Walang nakarinig. Saka totoo naman.” Teka! Bumaling ako kay Yeal. “Hoy, Proud bisexual si Celeste. Baka naman…”
Hahaha! Namutla e! “Baliw. Hindi mangyayari `yang iniisip mo.”
Hindi ko na pinansin ang sagot niya. Binibiro ko lang naman. Saka ano naman ang pakialam kung may other business sila.
Naalala ko na naman ang kapangahasan niya kanina. Nag-a-adrenaline rush ang mga hormones ko! Tsk! Tinawag ni Mrs. Diamante si Yael kaya kami na lang ni Kaiya ang uubos nitong mga prutas.
“She likes you.” Biglang sabi ni Kaiya. “Nung isinayaw niya ako kanina, she warned me that she’ll definitely have you in her bed.”
“Oh? Kupal ah. Hindi niya kasi nakuha si Yohan kaya ako naman. Kasora naman. Second na naman ako. Kaya lalong hinding-hindi niya ako matitikman! Saka sinong maysabi na gusto ko sa bed? Gusto ko pa-walling! Hahaha!”