Chapter 17

1785 Words
Kabanata 17 ROXIE Nakauwi na kami sa condo ni Tita. Nai-report ko na rin ito kay Jewel. Oh yes naman! Kung nasan si Kaiya kailangang ireport sa kanyang loving ate! Haha. Kulang na nga lang pati pag-inom ng tubig at bilang ng paghinga niya irereport ko e. Hayun nga at tulog na siya sa kwarto kasama si Tita Z. Kami ni Tita Rid? Kaya naming gising ng 24 hours! Haha. Ito nga at nagkakape na kami sa balcony. Kumpleto with tinapay pa. Hihintayin na naman naming ang umaga. Ganito kami kasabog ni Tita. Nasa dugo lang ang pagpupuyat. Sana hindi kami magsisi kung sakaling sabog kami bukas. Ha ha! “Ayos ano? Sabog tayo mamaya nito.” Biro ko sa kanya. Ganito talaga kami mag-usap parang tropa nga. “Grabe wala na akong pahinga. Pero oks lang may pera naman. Haha!” “Bakit ba mukha kang pera?” Sinawsaw ko ang pandesal sa kape saka ito kinain. Hoohh! Mainit! Haha! Nguya-ihip tuloy ako. Hooh! “Tita, naniniwala ka ba na Money can’t buy happiness?” Tumango siya. “Bakit?” “E kung totoo `yon, bakit malungkot ang tao kung walang pera? Hahaha!” Itsura ni Tita! Haha! Loading pa e! haha. “Baliw! Nagdo-droga ka ba? Gusto mo ipa-rehab na kita?” “Grabe sa droga. Naglagi ka lang sa Europe wala ka nang sense of humor.” Tinaas ko ang kanang paa ko saka pinatong ang baba ko sa tuhod ko. “Tita, ano pala ung dashcam ng kotse. May scandal haha! Baka naman pwedeng idelete?” “Why should I?” “Ah kasi ano. May kababalaghan. Hahaha! Landi kasi ni Celeste.” Naalala ko na naman ang kapusukan niya kanina. Uminom na lang ako ng kape. Init ng kape na lang muna ang i-enjoyin ko! Haha. “Potek, Tita. Nagising ang katawang lupa ko sa landi ng boses ni Celeste. Very light na lang mababading na ako! Haha! Char! Magsulat nga ulit ako. Celeste’s Seduction. Haha! Lakas maka-nobela ng title.” “Tigil-tigilan mo na ang pagpa-publish ng mga ganoong write-ups. Hindi mo `yon ikakaasenso.” “Luh. Marami nga ako nabudol dahil doon e. Saka last na talaga `yong kay Celeste.” Kahit marami pa akong balang articles. Haha! Mga dark secrets ng ilang peymus people of the Philippines. Ipapaubaya ko na lang sa iba ang pagkakataong kumita ng pera nang walang tax. “Pogi `yong Yael. What do you think? Piratahin ko kaya?” “Luh, bad `yan. Pipiratahin mo e wala pang napatunayan. Pogi lang siya. Duh. Marketing.” Tinuktok ko nang tatlong beses ang sentido ko. “Hintayin mo munang magkaroon siya ng impact sa Celestial bago mo siya piratahin `no.” “I’ll get him. By hook or by crook.” Diyos ko po! Bakit may Tita ako na hindi marunong makinig sa suggestion. Inubos ko na ang kape. Sana mahimasmasan din siya. Hahaha! Compulsive masyado. Ah babanggitin ko na lang kay Tita Z para sila na lang ang mag-aaway. Hihi. Pumasok na siya sa kwarto. Ako naman ito pa talagang hihintayin ko ang umaga. 4:00 na. Ngayon lang ako nagpaumaga na hindi nagdutdot ng cellphone. Wala naman ako ka-babytime. Anong idudutdot ko nga naman sa phone ko. Tamang tunganga lang at isip ng mga bagay-bagay. Mauubos ko na ang tinapay. Sosyalan tong upuan ni Tita pwedeng i-incline. Hay! Relak-relak na muna. --- Shit naman! Nabalikwat ako sa lakas ng patugtog. Angjologs talaga ni Tita! “Oh Ang” ba naman ang kanta! Umagang-umaga maririnig mo ang “OH anggaling-galing mong sumayaw..galing mong gumalaw…” Grabe lang! Sisinghot-singhot akong pumasok. Nagluluto na si Tita Rid. Naamoy ko na ang sibuyas. 8:00 na pala. Binilang ko ang oras sa daliri ko. Halos apat na oras din akong natulog. s**t. Nakatatlong bahin pa ako. “Angsama mo, Tita. Kinumutan mo man lang sana ako ano? Tanginang sipon `to.” “Sino bang nagsabi sa`yo na sa balcony ka matulog? Saka kakagising ko lang din.” “Angsama mo. Dapat i-check moa ko kasi tayo huling magkasama. Ganun sa mga movies.” “You’re not in any movie.” Mataray na sagot ni Tita. Walang pagmamahal sa pamangkin! Haha! Bumahin na naman ako. Nanakit ang ulo ko. Hooh! Minsan na nga lang magre-relax sisipunin pa. Tinulungan ko na siya. Nagbalat ako ng hotdog. Hiniwa-hiwa ko ang ilan para sa sinangag. “Wala bang balak gumising sina Tita Z?” “Gisingin mo kung gusto mo.” “Ekis!” dalawang beses kong pinag-krus ang mga braso ko. “Gusto ko pang mabuhay. Ikaw na lang. haha!” Ayoko nga gisingin si Tita Z. Baka Dragon Lord din `yon kung nagising nang wala sa oras e. Magilitan pa ako sa leeg bigla haha! O tumatawag si Jewel. Ang-aga namang attendance nito. “Hello. Good morning Eic! Wazzup ketchup?” Masigla ang bati ko kahit bangag ako. “You have an interview with Celeste Diamante. Ife-feature natin siya.” Napakapangit namang bungad nito! Kagabi lang nilalandi ako tapos ngayon iinterviewhin ko na. Anggara ng plot twist naman! “Ha? Bakit siya? Anong mga interesting things naman ang kailangan pang malaman ng tao?” “You discover. `Yon ang trabaho mo bilang columnist. Sige na. I need to hang up.” Naiiling kong nilapag ang phone ko. “Tita, kapag may nangyari sa aking hindi maganda. Kung natagpuan man akong bangkay at nadiskubreng pinagsamantalahan ako, si Celeste ang suspect ha?” OA kong sabi kay Tita. “Potek naman. Bakit ako pa ang mag-iinterview sa taong nilaglag ko sa social media. Haha! Lord naman!” “Karma `yan.” Walang emosyon na tugon niya. Tumunog ulit ang phone ko. Text naman galing kay Suzette. “Kita tayo. I miss you, Dear.” Hindi ko nireply. Napahilamos na lang ako. Aminado naman akong pogi ako at malakas ang appeal pero iba naman kapag mga aggressive na tao ang nagpaparamdam. Ayoko ng ganito. Gusto ko ako ang naghahabol naman. Magpakipot naman sila kahit konti. “Oh anong problema niyan. Bakit parang malalim ang iniisip.” Si Tita Z `yan. Naks! Bagong ligo! Naka-towel pa ang buhok. “1:00 `yung meeting mo mamaya. Baka gusto mong bilisan ang kilos diyan.” Hahaha! Anglupit kapag ganito ang secretary mo. “Tita, gising na ba si Kaiya?” Tumango siya. “Aba sa bathtub natulog. Parang ikaw. Ano bang meron sa bathtub?” “Comfort, Tita. Comfort! Haha!” Saktong lumabas na rin siya ng kwarto. Hihikab-hikab pa at nag-iinat. “Hoy, trending ka. First time trending na hindi ako involve.” “Ha? Wait. Hulaan ko. Celeste?” Tumango siya saka binigay ang phone niya sa akin. “Nagki-kiss daw kayo. Perfect blocking. Galing ng paparazzi diyan. My fans felt attacked.” “So tingin talaga nila may tayo?” nagpop-up ang chathead ni Yael. “Uy good morning daw sabi ni Yael. Hindi ko pa inopen ah. Kita ko lang sa preview.” “Reply mo.” Hahaha! Replyan ko daw e! De nagselfie ako! Hahaha! Saka ko sinend. “Good morning Broh! Biri early naman mag-chat. Haha!” Sent! Sinundan ko pa ng groufie namin saka ko ulit sinend bago ko binalik kay Kaiya ang phone niya. --- “Nice, Roxie. Half day lang papasok. Hindi mo kailangan ng pera?” natatawang bungad sa akin ni Bernard. “Langya ka. Sikat ka na naman!” Isinangga ko ang kanang braso ko sa akmang pagpalo niya sa akin ng hawak niyang folder. “Well. Dude, iba ang karisma. Haha! Joke lang. Hindi naman totoo `yon. Frame `yon. Frame up.” “Naku! Daig mo pa ang artista. Halos araw-araw kang laman ng social media. Baka magkaroon ka na ng endorsement niya. Balato ha?” Pabiro ko siyang tinulak. “Baliw. Sige, kapag malaki ang talent fee. Libre kita.” Lumapit ako sa table ni Miss Sol. Abala din siya sa kakatipa sa keyboard. “High blood ba si Ma`am?” Mahina kong tanong. “Nag-dragong Lord ba kanina?” Umiling siya. Inabot niya sa akin ang isang folder. “Pa-review. Kumusta ang mga photos nina Suzette? Ready na ba?” Deads! Hindi pa! Natampal ko ang noo ko. “Teka. I’ll do it now.” “Inuuna kasi ang landi, ano?” Natatawa niyang sabi. “Magtrabaho ka na. Need na ni Jewel ang mga pictures. Bawas-bawasan mo ang paglalandi sa models, Roxie. Hindi ikakabuti ng work mo `yan.” “Uy, based on experience! Haha!” Pabiro kong sagot din. “Joke. Oh siya. Ako ay magpapakabuting empleyado na muna.” Bumalik ako sa cubicle ko para i-render ang mga pictures nina Suzette. Mas magaganda ang mga kasama niya sadyang malakas lang ang confidence ni Suzette kaya nasasapawan niya ang mga ito. hay! Too much for side comments. I’ll just pick the best pictures na lang. Nag-selfie ako. Background ko itong monitor ko. Pero nilagyan ko ng smiley sa ipopost ko. Haha! Nilagyan ko ng caption na. “Nagtatrabaho ako. Lakompake sa mga isyu niyo. Harhar!” Alright. Then ipopost ko ang picture na naming nina Kaiya at Tita. Lagyan naman natin ng caption ito na nakakatuwa. “Faces of Persona. @SuperKaiyaN” Tama na ang ganyang caption. Nakakatuwa ang username niya. Nakinig naman kasi sa akin na palitan e. Bagay naman kasi niya. Sounds like sa cartoons! Lalo pag nagsusungit na siya. Super Saiyan 4 na agad-agad! Hahaha! Tingnan kung alin ang mas magva-viral naman. Kung nakakadagdag lang sa keparahan ang mga RT at hearts ng followers dadalasan ko ang pagpopost e. Nag-ring ang phone ko. Angbilis ng pagpapawis ko nang malamig. Image caller ni Suzette ang nagpa-flash sa screen ng phone ko. “Hello.” Kunwari hindi kabado kong pagsagot sa call niya. “Hi! Musta?” “Musta? `Yon lang ang sasabihin mo? Hindi mo ako nireply magdamag tapos `yon lang?” “Teka. Bakit ka galit? Inaano kita?” Bumukas ang pinto ng office ni Jewel. Halos lahat kami ay napatingin sa dako niya pero sa akin siya napatingin. Iginuguhit niya sa hangin ang parihaba at Sinenyasan niya akong pumasok sa office niya. Ang mga pictures sa shoot! Lagot na! “Wait. May meeting. Tawag ako mamaya.” Pagkakataon na sana para lumandi nang konti, naudlot pa! Hay naku! Di bale. Isaisip mo Roxie, Landi is important but money is importanter. Binaba ko agad ang tawag saka nagmamadaling pumunta sa office ni Jewel dala-dala ang laptop ko. Madadaanan ko ang table ni Miss Sol. Natatawa siyang iginuhit ang hintuturo sa leeg niya. Naku po! Bakit nga kasi inuna ko ang girls kasya trabaho! Haha. Nag-sign of the cross muna ako bago tuluyang pumasok sa office niya.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD