--11—
KAIYA
May guesting kami ni Gael sa isang romantic comedy series. Kasumpa-sumpa talaga kapag siya ang kasama. Napakapabida. Feeling niya lahat ng staffs kilala niya.
“My dear hipag. Romcom itong isho-shoot natin. Bakit ganyan ang mood mo? Dapat nag-i-internalize ka na.” sabi nito matapos maupo sa tabi ko. Sinuklay-suklay pa niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri. “Hay! Napopogian na naman sila sa akin.”
“Anglakas talaga ng bilib mo sa sarili mo. Minsan bawas naman ng kapal ng mukha ano?”
“Ako pa ba? Haha!” Nag-pogi sign pa talaga siya. “Hay! Gagu `yong si Roxie. Enjoy na enjoy siguro sa project niya ngayon.”
“Oh bakit? Trip mo din? Sumbong kita kay Ate.” Birong pagbabanta ko sa kanya.
“Judgemental.” She acted like she’ll hit my forehead. “Mati-trigger na naman ang katomboyan niya. Haha! Sino kaya ang jojowain niya do`n. Mukhang ng chics si Roxie hahaha!”
Si Suzette. Sabi ko sa isip ko. Nilalandi na niya `yong sigurado. Buti pa siya e madaling naka-move on.
“Alam mo bang angdami kong nilandi noong umalis si Jewel? Grabe. Naubusan ako ng Teknik sa paglandi! Haha!” Ngingiti-ngiti niyang kwento. Sikat nga kasi si Gael noong high school. Kahit sa ibang schools pinag-uusapan siya.
“Oh tapos? Miss mo na lumandi?”
“Hindi `no! Naalala ko lang naman. Hindi kasi kami nagkakalayo ng kapogian ni Roxie. Baka pag single pa ako e makipag-contest pa ako sa kanya.”
Pinalo ko siya sa braso. “Malandi ka talaga! Isusumbong kita kay Ate. Makikita mo talaga.”
Tinawanan lang niya ako. Ang babaeng `to talaga. Kung ano`ng yabang ni Roxie mas mayabang siya. Come to think of it, pareho silang bagyo sa kayabangan. Saktong tinawag na siya ni Direk para sa eksena niya. Matatahimik nang ilang minuto ang buhay ko.
“Hi.” Bati sa akin ng isa sa mga main stay ng programa, si Aldrich.” Matagal pa ang eksena mo?”
“Susunod na rin.” I’m in my b***h mode since I don’t really like this person. Heard lots of rumors about him and I am trying to be cautious.
“Buti napapayag ka nilang mag-guest sa show namin. Can we have a picture?” He brought out his phone.
God! Wala ako sa mood makipag-usap. And I’m not comfortable with him. Masyado siyang malapit sa picture. Kaya medyo lumalayo ako.
After taking some pictures, he browses the previews in his gallery. “You’re pretty. Bakit mo inaksaya ang oras mo sa tomboy?”
God! That shitty question again and again! I can’t believe it! I’ll deal with this kind of person talaga this day?
“Sayang ka.” He says while scrolling the pictures. “Angganda mo pa naman.”
Give me patience, God. Nasa work ako. Be professional, Kaiya. Please calm down. Thank God, tinawag na rin ako for my scene. Makakasalubong ko si Gael.
“Okay ka lang? Namumutla ka.”
Tumango ako. “Okay lang.”
Lalampasan ko na sana siya pero nahawakan niya ako sa braso. “Okay ka ba talaga?”
Naluluha akong umiling. “Yaan mo na. I’ll be okay.”
Being a professional actress as I should be, nairaos ko nang maayos ang mga eksena. Buti at wala kaming eksena ni Aldrich. Kung hindi ay siguradong hindi ko maide-deliver nang maayos ang mga linya ko dahil mas gusto ko siyang bigyan ng mag-asawang sampal.
Direct will treat us dinner because it’s his birthday but I don’t want to join. I already told him the reason and he understand. Siya pa ang humingi ng patawad sa kawalang respeto ni Aldrich. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
---
Gael and I are having our dinner in a resto near the location. It’s her treat. She probably felt that I’m emotionally disturbed. Hindi nga siya nagyayabang like she used to. Walang nagsasalita sa amin. I’m still upset like hell dahil kay Aldrich. How dare he be so arrogant. We’re not even acquaintance to begin with. He even tagged me in his post.
“Kita ko kayo kanina. Uncomfortable ka. Ano`ng nangyari?”
I told her every detail of our short but annoying convo. “Alam mo `yon? Sayang ako for what? Dahil naloloko ako sa lesbian? God! Angkitid ng utak!”
Natawa siya then poured soju in my glass. “Gan`on talaga ang maraming lalaki. Just to feed their ego sasabihin nilang sayang ang mga babaeng naiinlab sa kapwa babae. Lumiliit siguro bayag nila. Haha!”
“Homophobic.” Inis kong sabi pagkainom ng soju. “He’s not even pogi. Napakarami niyang pimple marks, bad breat”
Mas lumakas ang tawa ni Gael. Totoo naman ang sinabi ko. Hindi pogi si Aldrich kaya siguro insecure.
“Or manyak. Most of the straights `pag sinabi mong nagkakagusto ka sa kapwa mo babae o kapwa lalaki ang madalas una nilang itatanong ay how do you do it.” She casually said like it’s the normal thing laging tinatanong sa kanya. “Parang anglaki ng problema ng mga straight kung paano magtalik ang parehong kasarian. Parang tanga lang talaga sila madalas.”
Hay! Exactly! Ganun sila kadalasan. Napatingin ako sa entrance. Whattaheck? Ano`ng ginagawa nila dito? Aldrich and some staffs ng programs. Agad nila kaming nakita. Napakamot ako sa noo ko. God! Until when should I extend my patience?
Gael is talking to someone sa phone niya. As what I’ve heard may pupunta dito. She gave the address. Siya pa talaga ang tumawag sa grupo nina Aldrich para maki-join sa table namin. Eight silang magkakasama kabilang ang tatlong babaeng gumaganap na kapitbahay sa programa.
“Order na kayo ng kahit ano. It’s on me.” Sabi ni Gael. Siniko ko siya. “Hmm? Nakakaluwag-luwag tayo. Hindi ko ba nasabi sa`yo na may Thailand concert ako next month?”
Parang hindi totoo. Niyayabangan lang niya `tong si Aldrich malamang. Sige. Ride ako sa trip mo. The staffs are choosing their orders. Same with Aldrich na panay ang tingin sa akin.
“Hindi kayo sumama sa team dinner may bonding pala kayo.” Makahulugan nitong sabi.
“Ahuh.” Sagot ni Gael. “Alam naman ni Direk. I need to treat my sister-in-law since stress yata siya sa taping kanina.”
Tumunog ang phone niya. Isang text ang dumating. Nangiti ito pagkabasa sa text. “She’s here. Buti nakaabot ang Mokong na `to.”
Pare-pareho kaming napatingin sa may entrance. It’s Roxie! Nagmadali siyang lumapit sa amin. Naupo siya sa tabi ko. Naka-long-sleeves siya at shorts. Sukbit-sukbit niya ang bag ng camera niya.
“Gagi ka, Gael. Hindi mo sinabing maraming kasama. Hi sa inyo.” Bati niya sa mga kasama namin. “Sorry medyo gusgusin na galing pa sa shoot e. Buti malapit lang `to sa location.”
Nakatingin sa kanya `yong tatlong babae.
“Grabe. Mas maganda ka pala sa personal.” Said the woman with short hair.
“Bakit ka photographer kung parang model ka naman?” Sabi pa ng isa.
“Sana lahat walang pores.” Dagdag pa nung kulot.
Napakamot na lang itong si Roxie. As if hindi siya natuwa sa mga narinig niya. Parang nagbago ang mood ni Aldrich at mga kasama nilang lalaki. Hindi ko sila kilala kasi ngayon ko lang sila nakatrabaho.
“Here.” Roxie handed me a gift box. “Nakita ko kanina sa shop. Mamaya mo na lang buksan.”
“Thanks.” Nilagay ko ang gift box sa bag ko.
Mabilis nag-click si Roxie sa kanila. She and Gael got the conversation going. They even joke around how showbiz works.
“Why don’t you try auditioning?” said Aldrich. “Marami na ring mga tulad niyo ni Gael sa industry.”
Napatingin ako kay Aldrich. I don’t really see the sincerity in him.
“Oo nga.” Sang-ayon pa ng isang lalaki na kasama nila. “Why not try?”
Umiling-iling si Roxie. “Behind the camera talaga ang gusto kong work. At mas malaki ang kita ko sa pag-i-spy `no! Ha ha ha! Joke lang.”
“And hindi pa talaga tanggap ng industry ang LGBT. That’s the painful truth.” Said the one with curly hair. “Imagine `yong movie niyo.” Baling niya sa akin. “Maraming negative comments sa Pilippines. Pero nominated sa International Award Giving Bodies.”
She’s talking about my movie with Yohan and the group. Angdami naming natanggap na negative comments here but it was nothing compared to the international awards na na-receive namin and mga nominations pang natatanggap.
“Marami kasing relihiyoso sa Pinas.” Said Aldrich. “Alam mo na. Conservative pinoy.”
“Impokritong Pinoy kamo,” said the short haired one. “Double standards. Like why do straight actors gets more respect than LGBT ones? Pang-comedy lang ba sila?” She said frustratingly. “Mas deserve pa nga nila minsan ang big roles.”
Tumikhim si Gael. “Oh soju muna. Masyado nang seryoso ang usapan.”
“Dahil walang nilikhang bakla o tomboy. They’re just outcasts.”
Lahat kami napatingin kay Aldrich. He looks really pissed. Maybe dahil sa statement ni Miss short hair.
“Marami namang straight ang bastos. Kaya inayawan ko ang offer sa akin noon e,” said Roxie. “Naalala mo ba Drich n`ong nagsabi sa`yo ang tropa mo na tomboy siya?” Roxie suddenly said. “I covered that news. Kaso hindi pina-publish sa akin ng editor ko. That would have been a big break for me Dude. Anggaling kamo ng handler mo. Grabe, news blackout. Anong binayad mo sa kanya? Balita ko hmmm. Solo niyo `yong VIP room sa isang hotel?”
Namutla si Aldrich. Now, I doubt kung coincidence lang na nandito si Roxie.
“You talking about Cielo?” said the other guys. “Siya lang naman `yong close kay Aldrich na nag-out ng preference niya e.”
Napainom ng soju si Aldrich. “She’s just bluffing. Umalis na tayo.”
“Uy! Teka! Ayaw mo bang malaman nilang you tried to rape her just to prove that she’s straight?” Roxie smirk while looking at Aldrich. Pagtingin ko kay Gael para siyang naghihintay lang ng susunod na mangyayari.
Damn! Did she really made that loud and clear for the other customers to notice us?
“And what’s so disturbing was? You filmed it!”
Pulang-pula ang mukha ni Aldrich. Napalo niya ang mesa and held on Roxie’s collar. “Shut up. Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo.”
Inawat na siya ng mga kasama niya. Roxie just raise her hands like telling wala siyang ginagawa. “Sa reaksyon mo Dude, guilty ka. Don’t you dare lay your hands on Kaiya. Ang mga tulad mo ang salot sa lipunan. Ilabas niyo nga yang tropa niyo. Girls maiwan kayo.”
And just like that anim na lang kaming nag-iinuman. Hinihintay namin ang sundo nitong tatlo.
“Gagu! Angputla ni Aldrich Boi! Hahaha! Masyado mong ginalingan ang acting.” Puri niya kay Roxie. “Kabilib! Pero infairness, yung VIP Room naririnig ko rin `yon dati pa.”
“Hindi `yon acting.” Roxie said seriously. Bumaling siya sa tatlo. “Mag-iingat kayo sa mga sinasamahan niyo. Maraming mapagsamantala sa showbiz.”
Tumango-tango ang tatlo. “Salamat.” Said the short-haired.
Uminom pa si Roxie saka bumuntonghininga. “Angsakit sa loob ko noon na hindi ko mailabas ang side ni Cielo. Aldrich is at the peak of his career. Gustong-gusto ko siyang sirain noon. Sobrang traumatize ni Cielo. Tanginang industriya. Napakabulok.”
---
Kaming tatlo na lang ang naiwan. Nag-iinom pa kami ng soju. May sundo daw si Roxie kaya hihintayin na lang namin.
“Parang angdami mong tsismis na tinatago.” Biro sa kanya ni Gael. “Baka meron ka ding chika tungkol sa akin. Ilapag mo pa.”
Roxie shook her head. “Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa`yo.”
“Gagu ka ah. Nakakainsulto `yon.” Inambahan niya ng tuktok sa ulo si Roxie. “Kunyatan pa kita e.”
Roxie just let out a laughter. “Pinagkakakitaan ko naman kasi ang mga `yon lalo sa mga walang kwentang tao. Alangan sisirain kita e mahal ka ni EIC? Though I have chances. Lalo nung bumalik ang ex mo. Pero nasa katinuan pa din ako.”
“Good. Good.” Nag-cheers pa sila. “Pero pota talaga si Aldrich. Sarap ingudngod.”
Bumaling sa akin si Roxie. “Marami ka pang matatanggap na insult dahil sa pag-expose mo ng feelings mo kay Yohan. Sana ready ka. Huwag kang iiyak-iyak. Hindi palaging to the rescue kami ni Gael.”