Chapter 12

1951 Words
Kabanata 12 ROXIE Kumulo ng highest boiling point ang dugo ko dahil nakita ko si Aldrich! Angsarap tusukin ng mga mata niya! Feel ko naman curious si Kaiya pero wala ako sa mood makipagkwentuhan. Idagdag pa ang pagod ko sa shoot. Nang dumating ang sundo ko, naghiwalay na kami. And sundo ko ay walang iba kundi ang secretary s***h driver ni Tita, si Tita Zynthia! Haha! At siya ang masugid na manliligaw ni Tita! Basta it’s a biri-biri long story. “Galit ba si Tita?” “Hindi ko alam. Ang sabi lang sunduin kita e.” “Sumunod ka naman agad sa gusto? Angswerte naman ng Tita ko. Napakaganda ng secretary.” Designer din si Tita Z pero siyempre nasa punto siya ng buhay niya na gusto niyang suyuin si ang very masungit kong Tita kaya heto siya. Secretary muna para mabakuran ang The Great Ingrid Dela Merced of Persona Clothing. “Angmanhid kamo ng Tita mo. Nakakaubos ng pasensya.” Tinawanan ko lang siya. “Aba. De huwag mo nang suyuin. Nakakaubos pala ng pasensya e.” Narating na namin ang building na kinaroroonan ng Persona. Marami rin palang nag offices ang nag-OOT kaya hindi na ako shokot! Ako na ang nagbukas ng pinto. “Tita! Akala ko e trabaho ang OT mo dito. Alak naman pala. Dapat e sa bahay na lang.” “Hindi mo na kami hinintay.” May kasungitang sabi ni Tita Zynthia. Nag-angat lang ng tingin ang Tita kong dragon! Haha. Pinakita ni Tita Zynthia ang relo niya. “Hindi na office hours. Pwede na kitang sungitan, Maam.” Hahaha! Ang dalawang shondang ito talaga! Mababaliw ako kapag kasama ang mga `to! Daig ang teens sa pagsusungit-sungitan sa isa’t-isa. Kailangan kong ibahin ang atmosphere. `Yon talaga ang papel ko sa buhay ni Tita Rid. Tagakalma ng tension! Haha. Lalo ngayon na nasa paligid ang kanyang naudlot na pag-ibig. Haha! “Dbest talaga mga designs mo, Tita.” Angkalat ng working table niya as usual. Pero anggaganda nga ng mga design. “Walang kupas kahit Shonda na. Haha! Benta ko kaya `to sa kabilang company? Hahaha!” Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Get your glass sa pantry.” Gusto ko `yan! Libre inom! Hihi. Red wine ang tinotoma ni Tita. For sure ni-request niya `to sa CEO! Kapal din kasi minsan si Tita e. Haha. Well, privilege ng isang masungit pero competent na empleyado. Haha! Si Tita nakapangalumbaba habang pinagmamasdan ang mga designs niya. Samantala si Tita Zynthia naman ay nakaupo sa tabi niya na hinihintay kung ano ang susunod na idadagdag ni Tita sa designs niya. Makuhanan nga ng picture muna. “Oh, napakasungit naman talaga.” Inibabaw ko sa isa sa mga designs niya ang phone ko para makita niya nang klaro ang kanyang itsura. “Lasing ka na niyan? Haha!” Nag-angat siya ng tingin. “You better get this o itatapon ko sa labas ng building `to.” Aba! Scary! Dinampot ko agad ang phone ko. Wala akong pamalit e. Bumalik na ulit siya sa pag-i-sketch. Sinalinan ko ang wine glass niya. “Bakit ka ba nagpupuyat Tita? Hindi mo naman `yan work. Marami ka namang empleyado na magagaling.” “It’s for the workshop. Gusto kong gumawa ng bagong design.” “Sus! Ibibida mo lang pala e! Gumawa ka ng kahit chapa-chapa lang. Hindi na nila pansin `yan.” “Matulog ka na lang diyan. Pinasundo kita para may kasama ako dito.” Alam ko! Kahit angsungit ni Tita, takot pa din sa mamaw! Haha! At baka shokot na sila lang dalawa ni Tita Zynthia ditto! Hahaha. “Tita Zynthia, dapat hindi mo na ako sinundo. De sana ano.” Halla! Pati siya marunong nang magkiller eye! Angsama ng tingin sa akin. De shut up na lang. Nilagok ko na ang laman ng wine glass ko. Dalawang shondang pabebe! “How’s Kaiya. Itutuloy ba niya ang workshop? May model na ba siya?” Oo nga pala. Pakening teyp! Naalala ko na naman na ako ang model niya. Angshunga ko kasi sa pag-send ng moment namin ni Suzette. Tsk. Nasanay kasi ako na sa kanya magsend ng mga kalandian ko sa buhay. Haha! You know sharing my achievements. “Hmm? Uh uhm. Sure siya. Ako ang model niya.” Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Tita. “Ikaw? Sigurado ka?” May hawak siyang alas laban sa akin, Tita! Huhu. Tumango na lamang ako. “Hihingi ako ng malaking talent fee. Hindi pwedeng libre.” Kunwari ay cool lang ako kahit nai-imagine ko na ang kahihiyan ko sa mga araw ng show. Siguradong hindi lang minsan lang ang pagshowcase ng mga designs nila. “I should tell her to make revealing gowns din.” Napangisi si Tita. “You just can’t say no to her, huh?” Kung alam mo lang Tita. Kung alam mo lang. Inubos ko ang wine saka ulit nagsalin. “Monster siya.” Tumawa nang mahina si Tita. “Suits her aura. By the way, someone posted a picture of you with Aldrich sa isang resto. And now, he’s trending sa past issues. I hope wala kang kinalaman do`n.” Sasagot na sana ako pero nag-ring ang phone ko. Si Cielo. Hay! Sinenyasan ako ni Tita na lumayo muna. Ginawa ko naman bago ko sinagot ang tawag ni Cielo. “Hey…” “What happened? Why is Aldrich trending? Anong issue `yong tinutukoy sa mga tweets?” “Hindi ko alam. Baka `yong mga sa Resto kanina. Tsinismis na ang mga narinig sa sagutan namin.” “Hay! Roxie! Baliw ka talaga.” “Haha! Ready ka naman `di ba?” “Oo naman! I just called para masigurado ang issue. Kahit kailan ka talaga. Sana sinabihan mo ako.” “Eh sorry. Kumukulo ang dugo ko talaga. Sabihan mo ako kung may need ako ilabas na articles ha? Pera din `yon! Haha. Bye!” Natatawa akong bumalik sa upuan ko. Kinukulayan na ni Tita ang designs niya. “Who was that?” “Cielo.” Tipid kong sagot. “Bakit daw? I meet that kid na once. She’s mabait. Baka type mo din?” Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong wine. Nilunok ko muna bago ako naubo-ubo. “Tita! Lahat na lang talaga ng madikit sa akin. Baka pag may senior citizen sabihin mo sugar mommy ko naman.” “Hindi malabong mangyari.” Jusko po! Walang ekspresyon ang mukha ni Tita. Feeling talaga niya patola ako sa girls! Bumaling ako kay Tita Zynthia. Nagsusumamo ang aking mga bright eyes para kampihan man lang niya ako pero wala siyang reaksyon. Nagsalin lang siya ng wine. Itatakwil ko na `tong Tita ko talaga! Hindi ako mahal nito. Parang hindi kadugo ang turing sa akin. “Umiwas ka sa gulo, Roxie. Baka maapektuhan pa ang papeles mo kapag nasangkot sa gulo dito. Pinapaalala ko lang.” “Yeah yeah. Umiiwas naman ako sa gulo.” Tinaas-baba ko pa ang mga kilay ko. “Tiwala lang Tita. Tiwala lang sa kapogian ko. Hahaha!” “Parehong-pareho kayong mayabang.” Mahina pero malinaw na sabi ni Tita Zynthia. “What did you just say?” May inis na sabi ni Tita Rid sabay sa masamang baling kay Tita Zyn. “Anong pareho?” Nagkibit-balikat lang si Tita Zynthia. “Ewan. Nabingi ka lang Ma`am.” Binigyan pa ng diin ang Ma`am. Nakakaaliw talaga sila din minsan. Huwag lang lagi at baka magsabunutan. “Tita Z, Pag ako pa nagkagirlfriend susuportahan mo ako?” Tumango si Tita Z. “Huwag ka lang humingi ng pan-date sa akin kasi mas marami kang pera.” --- Sumisipol-sipol ako habang nagja-jogging. Opkors! May energy ako for this brand new day dahil tinulugan ko sina Tita! Haha. Magpapalamang ba ako? No way, Hi way! Sarap mag-jogging talaga! Ikot-ikot lang dito malapit sa CCP. Familiar na sa akin ang mukha ng ilan dito. Barkada ko na ang mga mukha nila! Haha “Roxie!” Napatigil ako nang may tumawag sa akin. Oh my God! Suzette! Binilisan niya ang pagtalbog. Gagi! Ibig kong sabihin pagtakbo. Mata ko naman kasi kung saan-saan nakatitig. Masakit siguro sa likod kapag ganyan kalaki. Hinihingal siya pagkalapit sa akin. “Kanina pa kita tinatawag.” “Ha? Ah sorry. Bakit pala?” Sa mukha na niya ako tumingin at iniiwasan kong mag-distruct sa pag-hello ng kanyang dibdib. “Bakit? E na-miss kita. Buti nga nandito ka e. Sabay na tayo mag-work out.” Jusko! Kasabay din namin ang mga bodyguard niya! Kaya hindi pwedeng dumikit-dikit sa kanya dahil baka bukas headlines na ako! Haha. Poging tomboy sinalvage! “Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.” “Nasa office ako ni Tita kagabi. Nakatulog na rin kasi ako. Sorry.” Naku! Clingy nito! Umabre-siete pa! Tinanggal ko nga. “Paano tayo magja-jogging ano?” biro ko sa kanya. “Saka may mga bodyguards ka. Ayoko pang ma-tige `no. `Pag jogging. Jogging lang. hahaha!” Sinumangutan niya ako. Cute sana kaso nang-aakit `yong labi e! Naku Roxie! Ang mga iniisip na ganyan. Iwaksi! Kailangan mong mabuhay! Sa mata lang ang tingin! Hanggang sa leeg! Kailangang umiwas sa isyu pero heto kami, nagkakape at pinagtitinginan ng ilang customers. “Alam mo bang pangarap ko talaga ng tahimik na buhay?” natatawa kong sabi dito. “Nakaka-miss `yong walang pakialam ang mga tao sa akin.” “Bawasan mo ang ka-pogian mo. Baka sakaling mawalan sila ng paki sa`yo.” “Well, mahirap `yan.” Ganti ko naman saka sumimsim ng kape. “Nasa dugo na ang kapogian. Wala kang sched ngayon?” “Actually meron. In two hours pa naman. Ikaw?” “Marami. Kailangang rumaket. Hahaha!” Sana nga hindi muna niya ako kulit-kulitin. Pero kung iisipin mo, kapag nilandi ko si Suzette at nalaman ng Papa niya baka naman offeran niya ako ng pera para lang layuan ang anak niya `di ba? Instant yayamanin! Erase! Erase! Erase! Sabi ko sa isip ko sabay iling nang ilang beses. “Are you okay? May masakit sa`yo?” Diyos ko! Para akong napaso nang hinawakan niya ako sa mukha kaya napaiwas ako. “Ha? Oo. Okay lang ako. May bigla lang naisip.” Humigop ulit ako ng kape para mahimasmasan ako sa kaka-day dream ko. “Weird ka din pala minsan.” Palagi. Sabi ko na lang sa isip ko. Naku, Suzette! Ang paa mo! Kung saan-saan dumadampi. Ikinakaskas niya sa binti ko. Parang umiinit ang pisngi ko sa babaeng `to! May nagigising sa kaloob-looban ko na hindi dapat i-entertain. Napapadalas ang higop ko tuloy ng kape. This is suicide! Again! Pagpapakamtay ito! Kunwari ay chineck ko ang phone ko. “Uhm. Kailangan ko na ring umuwi. Marami pang naghihintay na work e.” “Ihatid ka na namin.” “Kaya ko na. Mag-taxi na lang ako. Thank you sa kape.” Inilapit ko ang pisngi ko sa kanya para magbeso. “I’ll see you soon, Babe.” Sabi nito nang magdikit ang mga pisngi namin. “I dreamt of you in between my thighs.” Anak ng kape naman! Umagang umaga! “Bye.” Alanganin ngiti ko sa kanya. “Text ka na lang.” Teka baka iba ang isipin niya. “I mean, text kapag free time. Ingat.” Nang makalayo ako sa coffee shop ay tinampal-tampal ko ang mukha ko. “Kalma. Huwag feeling wet, Roxie. Huwag marupok.” Nag-vibrate ang phone ko. Nag-pop up ang chathead ni Suzette. Pagkabukas ko ay picture niya na naka-bathrobe lang at siyempre kumakaway ang pisngi ng kanyang ihinaharap. Hay! Like button lang. Huwag i-entertain today. Sa ibang araw na lang. Ha ha ha!                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD