Kabanata 19
YAEL
At about 2:00, we reached WinFall Mall. Nasa parking area pa kami. Hinihintay ko ang tawag ni Kaiya kung nakapag-park na sila. Nag-spray ulit ako ng pabango.
“Tito, kanina ka pa spray nang spray.”
“Sssh. Baka amoy pawis na ako.” Inamoy ko ang damit ko. Hindi pa naman. “Pogi pa ang Tito?”
He nods. Sakto ring tumawag na si Kaiya. Sinuot ko ang cap at face mask ko para kahit papano ay walang makakilala sa amin. Sinuotan ko din ng face mask si Yusef.
“Don’t remove, ha?”
Hindi rin kalayuan ang pinagparkingan nina Kaiya. Nakasuot din sila ng mask at cap. Nakahawak si Jeid sa kamay niya. Nagpalit pala siya ng loss, stripe hoodie. Nakapusod din ang buhok niya na nakatago sa baseball cap.
“Testing the waters kung walang makakakilala sa akin.”
Pumasok na kami sa mall. Smooth naman. Bumili muna kami ng ice cream na request ng mga bata. Pumila naman ako para sa token habang naghihintay sila sa upuan na tren-tren. I took a stolen shot. Remembrance lang naman.
Bumpcar ang unang susubukan namin. Tuwang-tuwa ang mga bata. Lalo na si Yusef. Gigil siya sa braso ko para iiwas sa ibang cars. Haha!
Na-stuck sina Kaiya sa corner. Haha! Kinukulit na rin siya ni Jeid. Hinila ni Yusef ang braso ko.
“Tito, hindi tayo umaandar.”
Ay sorry! May kasama nga pala akong bata. Na-enjoy ko ang pagsa-site seeing. Pawis na pawis si Yusef pagkaalis namin sa bump car. Karga-karga n ani Kaiya si Jeid.
“Saan ang next?” tanong ko dito. “Gusto mo sa shooting? Or `yong may hammer pounder?
“Tita! There po! Let’s go fishing!” Tinuturo ni Jeid ang Crazy fishing. `Yong usong laro din sa cellphone na may mga sirena o kaya sharks na huhulihin.
Naunang tumakbo si Yusef para magreserve ng upuan. Sakto `yong magkatapat free pa. Tuwang-tuwa si Jeide nang maglagay na ng token si Kaiya. Hinayaan lang niya ito na magpindot sa mga joysticks. Naglalagay lang siya ng token kapag naubusan na ng net. Enjoy na enjoy ang dalawa. Ako naman ay nagmamasid kung mayroong nakakapansin sa amin at siyempre paminsan-minsan na pagtingin-tingin kay Kaiya. She’s really pretty.
“Kapag naubos ang token, tama na ha?” said Kaiya. “Ime-meet pa natin si Ate. Magfa-5:00 na.”
“Tita, isa pa please?” Pakiusap ni Jeid. “Catch the mermaid po.”
Kaiya sighed. Tumingin siya may booth. Mahaba ang pila. “Jeid, pwede next time na lang?”
“Next time na lang Jeid.” Said Yusef. “Mas maraming coins ipapalit natin para mas matagal. `Di ba Tito?” Parang kuya talaga `tong si Yusef. “Promise, Jeid. Mas maraming token.” Tinaas pa niya ang kanang kamay niya.
`Yan. Okay na si Jeid. Pasunod na rin daw si Jewel dito. Nagpa-reserve na ako sa restaurant. Surprise `yon. Papalakas ako sa kay Miss Jewel. Sana effective.
---
Malapit na kami sa may restaurant. Angkukulit pa nina Yusef. Nagtatakbuhan pa sila paroon at parito. Inaalalayan naman ni Yusef si Jeid. Para na silang magkapatid. Kuyang-kuya si Yusef tingnan. Katawagan na niya si Miss Jewel.
“Ha? Kasama mo si Roxie? Bakit? Ate puyat pa `yan. Pinauwi mo na lang sana.” Nilayo niya ang phone sa tainga niya. “Binabaan ba naman ako ng tawag.” Tinuktok niya ang screen ng phone niya. “Napaka!”
“May prob?”
She shook her head and put her phone in her bag. “Kasama daw niya si Roxie. Hindi na lang niya pinauwi. Bossy na naman ng ate ko.”
“Baka naman nakapagpahinga na o may OT na iwo-work.”
Ganun naman sa field ng work nila and since magkaibigan naman sila baka may need na i-over time to meet the deadline.
Sa pinakadulong table ang pinili ko. Perfect para hindi agad mapansin. The kids are busy watching some kiddie videos in youtube. Kita na namin agad na dumating sina Miss Jewel. Iginiya sila ng waiter palapit sa amin. Magiliw na binati ni Jeid ang Mama niya at si Roxie na naupo agad sa tabi ni Kaiya. Magkatapat lang kami. Napansin ko agad ang kawalan niya ng mood at ang tainga niya.
“Bakit angpula ng tainga mo?” Parang namamaga pa nga. “What happened?”
“Naku! De piningot ko.” May gigil na sagot agad ni Miss Jewel. “Angtigas ng ulo. Makikipagkita pa kay Suzette, e hindi pa tapos ang mga articles niya.” She nags like a mom. Hindi nga nakaimik si Roxie. She looks guilty as fvck. “Hindi alam ang priority. Hindi pa nagpiprint ng photos. Nakakaloka! Napakalandi pa. Angsarap isako saka budburan ng hantik!”
“Dude. Ikain mo na lang `yan.” Biro ko Roxie. “Angpula ng tainga mo. Apply ice later.”
She brushed her hair with her finger. I can see that she’s frustrated.
“Excuse lang. CR lang ako.”
Pumunta muna siya sa CR. Sinundan lang namin siya ng tingin. She’s really upset and not in her usual self.
“Parang nadelubyo si Roxie. Pinagalitan mo?” Tanong ni Kaiya. “Ate, ngayon ko lang nakitang gano`n `yon.”
Jewel nods. “Hayaan niyo nang mabawasan ang kaharutan sa katawan. Anglapit na ng mga deadlines. She needs to work overtime. At ikaw.” Baling niya kay Kaiya. “Huwag mo munang iistorbohin. Pag-untugin ko kayo pareho.”
Bumalik na si Roxie. Nakapaghilamos na siya. Binigay ni Jewel ang phone niya. Hindi ako makapaniwalang pati phone ay confiscated din. Matindi pala `tong si Jewel magdisiplina ng empleyado niya.
“Anong order niyo?” Tanong ko na lang to lighten the atmosphere.
They ordered summer bounty pasta, pepperoni pizza and chicken cacciatore. Roxie seems not in the mood. Kahit sino siguro mawawalan talaga ng ganang kumain.
“Tita Rox, eat ka na.” said Jeid. Such a sweet child. “Para galing na tainga mo.”
“Oh kumain ka na.” May halong utos na sabi ni Jewel. Nilagyan niya ang pizza ang plate ni Roxie. “Parang bata e. Iniiwas ka na nga sa gulo parang ikaw pa ang galit.”
“Kung wala lang mga bata talaga.” Mahinang sabi ni Kaiya. “Mag-asawang pingot ang abot mo.”
Natawa ako sa magkapatid. Parang kawawa naman `tong si Roxie sa kanila. But I wouldn’t take it badly kung ako ang nasa posisyon niya. Gina-guide lang naman siya ni Miss Jewel.
“Parang magkakapatid na kayo `no?” Hindi ko mapigilang komento. “Swerte din ni Roxie.”
“Palit tayo ng posisyon kung gusto mo.” She bluntly said. “Ikaw sungit-sungitan ng dalawang `to. Ewan ko na lang.” Sumubo siya ng pizza. “Daig ko pa ang may nanay.”
Kinumusta ni Miss Jewel ang work ko bilang endorser ng Celestial. Nabanggit din niya na ife-feature si Miss Celeste sa CKM magazine. At si Roxie ang magsusulat ng article.
“Kapag ako tuyot na bumalik sa office, alam mo na ang dahilan.” Walang emosyon na sabi ni Roxie. “Kapag hindi ako nakabalik nang buhay nasa ilalim lang ng kamay ko ang password ng mga bank accounts ko. Ikaw na bahala sa mga maiiwan ko.” Pagdadrama niya kay Jewel. “EIC kasalanan mo talaga kung uuwi ako na wala nang puri.”
Umismid lang si Jewel. “Ikaw ang request ng matandang Diamante. It’s a big scoop so you better take it. Bago ka mag-venture sa bagong work mo.”
Sumubo na naman siya ng pizza. “Itatapon niyo lang din naman ako sa E-Magazine papahirapan niyo pa ako.” Bumaling siya sa akin. “Hoy, ikaw ang una kong ife-feature sa site. Ayaw kitang interview-hin. Isulat mo na lang biography mo.”
Natawa ako sa sinabi niya. “Bale kailangan mo akong ipagpaalam sa manager ko.”
“Sino?”
“Miss Celeste.”
Natampal niya ang noo niya. “Matutuyuan talaga ako bago ako makapag-post sa E-magazine.
“Wala kang takas. Just act professional.” Payo ni Miss Jewel. “Kahit nag-trending kayo sa social media, don’t get too personal with her.”
“Kitams? Kapag kay Suzette, hindi mo ako papayagan. Pero kapag kay Celeste halos, ipagdukdukan mo ako sa vagi…” mabilis na tinakpan ni Kaiya ang bibig niya.
“Roxie! May mga bata!” Ilang sandali pa ay tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig nito. “Grabe `yang bibig mo.”
Natawa si Roxie. “Wala kayong narinig kids ha? Nagmo-monologue lang ako.”
Wala namang reaksyon ang dalawang bata. Tuloy lang sila sa pagkain. She’s so tactless she can’t watcher her words. Hay!
---
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa mapunta kami sa ay left-wing ng mall. Mayroon dito tambayan ng mga goers. Artificial grass ang nakalatag dito na pwedeng upuan at may fountain na sumasabay sa music. Sa ngayon ay River Flows in You ang tugtog.
“Roxie, pengeng barya.” Sabi ni Kaiya. “Wala akong dalang barya e.”
Humugot sa kanyang wallet si Roxie. Fifty pisos ang inaabot niya kay Kaiya. “Mas malaking denomination mas matutupad ang wish mo. Ewan ko na lang kung hindi pa matupad `yan.”
“Kainis ka talaga.” Barya dapat pata may tunog.
May hinugot pa siya sa bulsa niya. “Oh piso.” Binalot niya ito sa Fifty pesos na nilabas niya kanina. “Kai, Fifty one pesos na ‘yan.” Tatawa-tawang tugon niya. Hinila na niya si Kaiya papunta sa fountain.
“It’s not even a wishing fountain.” Komento ko naman.
Natawa si Jewel. Nahiya tuloy ako bigla. “Well, my sister believes that every fountain is a wishing fountain. She once wished of a doll nung may makita sila ni Mom na fountain sa park. Then pag-uwi nila may doll na sa kwarto niya. Ofcourse binili ni Papa `yon.”
“See? It’s not even true.”
“The thing is hindi naman nag-usap sina Mom at Papa nung araw na `yon. Papa just bought that doll for her. Coincidence, right? But Kaiya believed it’s because of her wish.”
---
Tuwang-tuwa si Yusef nang kinukwento kay Yohan ang paglalaro niya sa arcade. Hindi na nakaalis ng sala ang dalawa dahil kumandong agad si Yusef nang makita ang mama niya.
“Mama, si Tito po angdami beses niya magpabango.” Panggagaya pa niya sa pag-spray ko kanina. Oa naman ng batang ito. Hanggang kilikili ang pag-spray kunwari.
Nangingiting bumaling sa akin si Yohan. “And? Did Tito do something stupid kanina?”
Sandaling nag-isip si Yusef saka balik-balik sa akin ang tingin. “Is looking at Tita kaiya nang matagal, stupid? Coz he does.”
Grabe! Gusto kong takpan ang bibig ng batang `to.
“No. It’s not stupid. Baka nagagandahan ang Tito mo sa kanya.”
“Tita is pretty. Uhm. Mama, you know Tita Roxie? She has red ears. Tita Jewel pingot tike this.” Piningot din niya ang tainga niya. With action talaga siya magkwento. Haha!
“Ah ganun? Teka kwento mo kay Mommy Yue din. Nasa room siya nag-e-exercise. Tell her everything.”
Tumakbo agad si Yusef papunta sa kwarto nila.
“And you? Why the smile on your face?”
“Huh? Uhm. Nothing. I’m just glad the kids had fun.”
Binato niya ako ng throw pillow. “Your eyes can’t lie. Focus ka muna sa work at pag-aaral mo bago ka magseryoso sa lovelife. It ain’t easy as what you think it is.”
“Oo na. Pero pwede ko namang pagsabay-sabayin ang school, work and lovelife? Someday. Liligawan ko si Kaiya.” Una kong liligawan ang Papa niya, sunod si Jewel. What should I do kaya? Haharanahin ko din kaya ang mama niya. Virtual nga lang.
“You’re smiling like a fool.” Binato niya ako ng throw pillow. “Focus ka muna sa work. Sinasabi ko sa`yo, masisira agad ang career mo kung uunahin mo yang puso mo.”
“Pero Insan, matanong lang. Susuportahan mo pa din ako kahit ex mo din si Kaiya?”
She nodded. “Pero unahin mo muna ang pag-aaral at career mo for now. Love can wait.”