Chapter 20

2194 Words
Kabanata 20 KAIYA Sa bahay muna pinatuloy ni Ate si Roxie dahil sa mga deadlines nila. Nasa may terrace na si Roxie. Kaharap niya ang kanyang laptop niya. Nagtitimpla siya ng isang pitchel na kape. “Grabe ka kay Roxie. Hindi pa umuuwi `yan.” “She needs to step up. Hindi pwedeng pahayahay lang siya. At umiinit talaga ang ulo ko dahil uunahin talaga niya ang paglandi bago trabaho.” “Good lider ka na niyan?” Nagpameywang siya while stirring the coffe. “Magaling si Roxie. Magaling ding photographer. She’s an ace kung tutuusin. Nauunahan lang ng kaharutan ang trabaho niya. Nakakairita. Hindi umayos e.” “You could have talk to her. At least be a little nicer? GrabE `yong piningot mo sa tainga.”           “Kung ikaw kaya ang malapit na ang deadline tapos hindi gumagalaw ang tao mo? Matutuwa ka? She deserves it. Oh, dalhin mo sa kanya. Baka mapingot ko pa ang kabilang tainga e.” Dinala ko sa terrace ang isang pitsel ng kape. Naka-earphone si Roxie habang tumitipa sa laptop niya. `Yong phone niya panay ang blink. Someone is calling. “May tawag ka.” Tinaas niya ang kanang kamay niya. “Hayaan mo lang.” She looks so serious. Naupo ako sa may kabilang upuan. Seems mamaya pa siya dadamayan ni Ate. I also put on my ear piece so she won’t be disturbed while I am watching. Mahina lang naman ang volume baka kasi biglang tumawag si ate. “Anong oras ang call time bukas?” she asked while her attention is on her laptop. “Why?” “Just asking. Bukas flight papuntang Davao para sa mall tour `di ba?” “Ahuh. Why you asking nga? Handler ba kita?” She stopped typing. She repeatedly shakes her hands. “Angsakit na ng kamay ko. Sa tingin ko mas magandang i-feature sa E-magazine ang last mall tour ninyo as S5.” “Sasama ka sa Davao?” “Susunod. Tatapusin ko lang ang mga `to bago pa ako patayin ng ate mo. Dimunyu. Angsakit ng tainga ko.” “Tiklop ka talaga kay Ate `no?” “Pinakitaan ba naman ako ng kontrata. Sinong hindi titiklop.” Kinamot niya ang tainga niya. “Angkati bigla. May sumpa yata ang kamay ni Jewel.” Tinanggal niya ang hikaw niya. “s**t. Sabi na e. Nagdugo. Idedemanda ko `yang ate mo. Physical injury! Tinanggal niya pa ang dalawang hikaw niya. Wala namang sugat `yong iba. Pero angpula nga ng tainga niya. “That’s what you get for getting into her nerves.” “Sadista lang kayo pareho. Ganun lang ka-simple.” Ka-chat ko si Miss Ingrid. Nangamusta kung kasama ko si Roxie. She’s not replying her messages daw. Nag-send ako ng picture ni Roxie. “Kinidnap po siya ni Ate kasi hindi pa niya tapos mga deadlines niya.” “Please keep her busy. I don’t want to see more issues about her with those ladies. I’m pissed off. Even senator keeps bugging me.” “I’ll keep an eye on her, Miss.” “Please do. She’s annoying sometimes but I don’t want her to get into trouble with those people.” She’s so serious typing. Parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon. A more serious columnist who’s chasing dealine. I took a snap of her. “Okay lang i-post `to?” She nods. “As if kung sinabi kong hindi, hindi mo nga ipo-post. Baka maging delulu ang mga fans mo dahil panay ang update mo.” “Parang may iba sa`yo.” She looks at me confusedly. “Huh?” “Suddenly, you’re too serious. What’s gotten into you, Roxie? Naubusan ka ng kulit sa katawan?” “Imagine this artciles na need ko i-rebisa. May lugar pa ba para maging makulit ako?” Pagsusungit naman niya. “Umalis ka na nga dito. Matulog ka na.” “Ayoko nga. Bahay namin `to. Kami ang masusunod. Magtrabaho na ka diyan. Bantayan daw kita sabi ni Miss Ingrid.” Tinaas-baba ko ang kilay ko para lalo siyang mainis. She tied her hair on top. Parang mayroon siyang nest sa ulo tuloy. “Gusto mo mapanood kung paano magtrabaho ang henyo?” pagyayabang naman niya. Tiningnan niya ako saka nangiti. “Huwag mo ko pakabantayan, baka mainlab ka! Hahahaha!” Tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo? Wala akong panahon ma-inlove. Gusto ko lang maka-move on. Ikaw yata ang delulu, hindi mga fans ko.” “Buti alam mo ang goal mo. Move on ka muna bago mo paasahin si Yael. Makipag-date ka sa iba Kaiya. Huwag sa kanya. Makasalamuha ka sa iba. Hindi `yong puro ako ang kasama mo. Paano ka makaka-move on kung lesbian din ang kasama mo `di ba?” “Is this like telling me na ayaw mo akong maging kaibigan?” “Hindi.” Nakatuon ang pansin niya sa laptop. “Hindi ganun. Ano na naman `yang iniisip mo?” Damn! I hate this. I stood ang folded her laptop. “Let’s talk. Seriously. Moving on buddy tayo `di ba? Bakit biglang iiwan mo ako sa ere?” I said furiously and she just gives me a poker face. “What? Why are you pushing me away?” She scratches her forehead while looking at me. “Sinong nagtataboy sa`yo? Ang sabi ko lang makipag-date ka sa iba. Huwag kay Yael. Wake up, Kaiya. You’re not yet totally healed. Iniiyakan mo pa si Yohan, tapos nagbibigay ka ng motibo kay Yael.” “I`m not!” “Hindi mo napapansin na binibigyan mo siya ng motibo na magkagusto sa`yo. And that’s the problem. By the time na hulog na hulog na siya sa`yo, magi-guilty ka na naman. Pagbibigyan mo tapos ano? Iba naman ang mahal mo. Paulit-ulit ka.” “You’re getting tired of me. Don’t you?” Napahilamos siya sa mukha. “Anghirap mong paliwanagan.” “Magjowa ba kayo para mag-away ng ganito?” s**t! I didn’t notice Ate who’s leaning on the doorway. “Kai, you better rest. Maaga ka bukas baka nakakalimutan mo. Mag-o-OT kami ni Roxie ditto. Huwag mo siyang kukulitin sa chat`.” --- “Oh. maaga tayo bukas pero iiyak-iyak ka diyan.” Nakapangalumbaba si Skye habang nagkukwento ako. “Buti nga pinaprangka ka ni Roxie. Gusto ko siyang maging friend.” “Prangka? Tinataboy niya ako e.” “Gagi. Hindi. Magkakaiba lang naman tayo ng pag-express ng concern natin sa mga kaibigan natin. Nagkataon lang na si Roxie mapanakit. Haha! s**t! Pero nasabi niya lahat ng gusto ko sabihin sa`yo. Haha! Girl! Huwag kang paasa. `Yon lang `yon.” “I’m just being nice to Yeal.” “But he seems to like you. Maaring sa`yo walang ibig sabihin. Pero kay Yael nagkakaroon ng konting kilig. Though Girl, pogi si Yeal. Boyfriend material.” Pinakita pa niya ang picture ni Yael na nakapost sa twitter. Pag-scroll naman niya isang picture na kasama namin sina Yusef sa fountain. “Happy family ang peg niyo dito, Girl. But wait there’s more!” Patuloy siya sa pag-scroll ng feeds hanggang tumigil siya sa isang post. “Girl, taksil ka. Kasama mo ang kabit mo sa fountain habang abala ang asawa mo sa mga bata! Haha!” It’s me and Roxie beside the fountain. `Yong hinila ko siya para samahan akong mag-wish. Paulit-ulit lang naman ang wish ko e. Napakatagal matupad naman. “Girl, samahan mo ng gawa `yong wish mo para mabilis matupad. Kung puro ka wish tapos panay naman din ang imagine mo kay Yohan. Wala rin.” “You don’t even know what I am wishing for.” “Sus! I know you too well! Ilang beses mo nang nabanggit na wish mong maka-move on na. So, I presume it’s all about Yohan.” There goes her ‘I know all the things about you’ look. “Maybe makakatulong `tong break ng grupo.” Matamlay kong sagot. This is what I needed. Time away from Yohan. “Dapat lang! Habang hindi mo nakikita si Yohan, samantalahin mong maka-move on. Tapos pag dumating siya marupok ka na naman! Hahaha!” natampal niya ang noo niya. “Nalimot kong marupok ka nga pala! Haha!” --- Alarm clock woke me up. It’s already 7:00 in the morning. Shuttle will be here at 10:00. Handa na rin ang aking baggage. We’ll stay in Davao for about a week or so. Tatlong mall shows ang some schedules ang dadaluhan namin. And maybe extend for some more days. Nasa kusina si Ate. Kumakain na sila ni Jeid. “Si Roxie?” “Tulog pa sa guest room. Anong oras na natulog `yon. What time ba darating ang sundo mo?” “10:00. Ico-cover daw ni Roxie ang mall tour namin?” “Not yet clear. Hindi naman siya maintindihan e. Celeste or Sonnet 5. She can’t choose kung ano ang unang ife-feature sa E-Magazine.” “You know naman na type siya ni Celeste. So I think better kung S5 ang i-cover niya.” “Up to her. Siya naman ang magtatrabaho. Her money, her decision.” Pinuntahan ko siya sa guest room. Balot na balot e. Mukha lang niya ang nakasilip sa kumot. Anong oras naman kaya ito nakatulog? Nagri-ring ang phone niya pero naka-silent. It’s Suzette. Maraming missed calls at messages. I wonder kung ano ang mga messages na to. I swipe Roxie’s password. Just a bit of messages. Knowing her password made me curious talaga. Whattaheck? Suzette’s been sending some sexy pictures to her. Close to being those rated 18+ scence! How am I going to unseen these messages? Hindi nagrereply so Roxie but Suzette just keeps on messaging her. “Anong ginagawa mo?” Muntik ko nang mabitawan ang phone niya sa gulat. “Ah… ano si Suzette.” “Anong sabi?” Pinakita ko ang screen ng phone niya. “`Yan. Naglalaro ba kayo ng image you can hear ha? Grabe kayo.” “Baliw talaga `yong babaeng `yon. Sayang din `to. Pamblack mail din `to.” Nilapag niya sa side table ang phone niya. “Bakit nandito ka pa? Maaga ang flight niyo `di ba?” Hihikab-hikab pa siya saka naupo. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya. “Angsakit pa ng ulo ko. Tanginang trabaho `to.” “You’re not flirting with Suzette. Aren’t you? Like sending such pictures din sa kanya?” She disgustingly looks at me. “Mababaliw ako sa inyong magkapatid. Kagabi niratrat ni Jewel si Suzette sa tawag. Tapos ikaw ngayon pinag-iisipan mo ako ng masama. Mali yata ang desisyon ko sa buhay.” “Nagtatanong lang naman. Malay ko ba e you’re also flirty.” “Tapos na akong makipag-flirt sa kanya. Sobra siyang possessive hindi ko naman jowa. Sakit sa ulo talaga kapag selosa ang nilalandi. Saka hello. Never kong pinapakita sa kahit sino ang sexy, flawless kong katawan. Maliban na lang kapag jowa ko na.” “Napakalandi mo. Linisin mo `yan messenger mo. Napakakalat. Nakakaloka ka Roxie.” “Wala kang pake sa phone ko. Aba! Pag-iyak-iyak mo nga hindi ko pinapakialaman.” Nagri-ring na naman ang phone niya. Si Suzette ulit sa messenger. Ginulo-gulo niya ang buhok niya na parang nagmamaktol na bata. “Favor nga. Kapag tinawag kita ng Baby, sumagot ka lang. Nang matigil na `tong pangungulit niya.” Whattaheck is she doing? Tinanggal niya ang shirt niya. Humiga siya ulit at nagkumot hanggang sa dibdib. Her shoulders are expose. She acted like she just woke up. “Hmm? Bakit ka napatawag?” She acts like she just woke up. God! Siguro ito talaga ang escape niya sa tuwing may igo-ghost siya. “Whattahell?! Nasaan ka?!” I could imagine Suzzette being too furious. “Baby! Hindi ka pa ba tapos sa shower?” I think that’s my cue. Sinesenyasan niya akong magsalita na e. “f**k you, Roxie! Nasaan ka?! Sagot!” Nakakairitang babae! I got the towel in the bathroom and wrapped my hair like I just took a bath. Winisik-wisikan ko din ang mukha ko ng tubig. Kinuha ko ang phone na ikinagulat ni Roxie. I bet Suzette was also shock to see me. I can be a b***h this very early. “Hi. You see? You’ve been pestering her throughout the night. She’s working and for your own sake, tigilan mo si Roxie. Call someone na kakamot sa kati mo!” I ended the call and threw the phone to Roxie. “She’s not even pretty to begin with. Napakalandi mo talaga! Bangon na. Almusal na tayo.” “Yiie! Gusto ako kasabay sa almusal. Pa-fall! Hahaha” Tinanggal ko ang towel saka binato sa mukha niya. “Crazy! You wish!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD