[MARINA POV] “I’m sure magugulat si Nana kapag nakita ka niya.” Habang nasa biyahe, nakukwentuhan muna silang dalawa. “Hindi mo sinabi sa kanya na bibisita ako ngayon?” “No. Gagawin ko itong surprise para na din sa kanya. Alam mo habang nandoon ako, para ko na siyang pangalawang ina dahil sa sobrang maalaga niya at hindi gugutumin ang tiyan ko dahil sinisigurado niya na may pagkain sa lamesa kapag aalis siya. She’s really a nice Nana indeed.” Of course! Iyan ang ugali ng kanyang Nana. Ito ang pinaka-sweet at maalaga lalo na sa kanya mula pagkabata. “Tama ka. Hindi ka rin mauubusan sa kakakuwento niya. Si Maya nga pala? Pumupunta pa rin bas a resort?” “Oo naman. Minsan doon lang siya tumatambay para maligo o di naman tumutulong kay Nana sa tindahan at sa resort. Kada pagkikita naming d

