[MARINA POV] “Hula ko ginamit mo lang ang salitang “bisita” para maisagawa ang plano mo.” “Huh? How could you? Okay, sabihin na natin na kalahati doon ay tama pero inisip ko na magiging maganda na nakakabalik ka ulit ditto.” Ginala niya ang paningin sa paligid. Pamilyar pa rin sa kanya ang lugar at walang nagbago. Dinala siya nito sa cottage di kalayuan sa dagat. Maliwanag ang lugar dahil sa nakapalibot na mga ilaw at may nakahanda na rin mga pagkain. Mukhang pinaghandaan yata ni Phoenix ng todo ang pagbisita niya or “date” nilang dalawa. “Kailan mo ito hinanda?” “Actually, I hate to say this pero humingi ako ng tulong kay Darius at siya ang nagluto ng mga ito.” “Wow. Kaya pala masarap tignan.” “Yeah because he’s a professional chef, not me.” Inis na sagot nito. Heto naman, nagre-r

