[MARINA POV] “Wait, Marina! Saan ka pupunta? May nasabi ba akong mali?! I didn’t mean to say something na ikakagalit mo! Please come back!” Hindi pa man siya nakakalayo, nakikita na niya itong patabong sumulong sa dagat para makarating sa kanya. Naabutan siya nito at agad na sumakay sa bangka. “Saan ka pupunta?! Hindi mo ba ako naririnig?” Nagalalang tanong nito na may bahid na irita. Basang basa ito dahil inabutan siya nito na hanggang balikat na ang tubig. Nasa gitna na sila ng dagat. Huminto siya sa pagsasagwan. “What’s wrong?” Tanong nito. “Sorry.” “It’s fine. Naabutan naman kita eh. Nagulat na lang ako na bigla ka na lang tumayo at sumakay ng bangka. May problema ba?” “You’re right. I’m a coward.” “I… I didn’t say that.” “No. Sinabi mo iyan at tama ka. Mula nangyari ang bang

