[MARINA POV] “Saan ba ang lalaking iyon? Saang entrance ba ang sinabi nito?” Nagmamadali siya papunta sa sinasabi nitong tagpuan nila. Gusto nitong magpaalalay dahil meron daw darating na hindi niya alam kung sino. Tinawagan niya ito dahil wala talaga siyang nakikitang Phoenix sa sinasabi nitong lugar. Hindi siya marunong mag-memorize ng lugar o daan kaya naiinis siya na hindi niya ito makita. Mabuti na lang agad itong sumagot. “Where are you?” “Where are you?” Balik tanong niya rito. “Ang sabi mo nasa entrance ka ng resort.” “Oh! Sorry, nandito na ako sa yacht.” “Ha?! Sinabi mo sana kaagad kesa palinga-linga ako sa kakahanap sa iyo rito.” Reklamo niya. Narinig niyang tumawa ito. “Sorry na. Nasa pinakadulo ako ng yacht. Natasha pala ang pangalan ng yacht. Madali mo lang iyon makiki

