[MARINA POV] “Oh? Bakit nakasimangot ka diyan? Nahihirapan ka ba sa paglagay? Tutulungan na kita.” Tanong ni Carra sa kanya habang inaasikaso nila ang mga light decorations. “Wala.” Sagot niya. “Hmm? Talaga? Hindi iyan ang tono ng walang problema no. Inaano ka ba ni Sir Phoenix? Ginawa ka ba niya talagang alalay?” “Kesa makonsensya pa ako lalo, hindi ba? At tsaka, pasasalamat na din dahil siya ang sumalo sa disgrasyo na ako pa ngayon ang magiging baldado. Ewan ko lang kung may matatanggap ba akong sweldo ngayon kapag may fracture ako sa braso.” “Sa bagay, hero mo naman si Sir Phoenix kaya alagaan mo ng mabuti iyon. Wait, nakalimutan ko na siya ang bumili sa resort mo. Ibig sabihin, magkakilala na talaga kayo dati pa.” “Oo. Pero huwag mo sasabihin sa iba. Ayoko na malalaman ng iba ang

