CHAPTER 34

929 Words

Habang tumatakbo ako papunta sa bahay nila Nanay Karing at Tatay Lando ay naulinigan ko ang pakikiusap ni Tatay Lando "Iho, wala talaga kaming nakitang batang babae dito. Kami lamang ng asawa ko dito" nagtago muna ako sa likod ng puno at tinignan kung ilan ang kalaban. Dalawang lalaking armado ng mahahabang baril na nakasukbit sa mga balikat nito habang mayabang na nakikipagusap sa dalawang matanda. Kita ko na nakayakap si Tatay Lando kay Nanay Karing at pilit itong pinapakalma. Maya-maya ay may lumabas galing sa bahay ng mag-asawa na isa pang lalaki. Marahil ay naghalughog ito. Kapansin pansin ang tattoo ng mga ito sa may bandang leeg na asul na imahe. Nang akmang maglalakad na ko palapit ay naagaw ang atensyon ko ng isang pigura na nagtatago sa may likod ng malaking bato. Nakadapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD