CHAPTER 1
Chapter 1
BEEP ng suot nyang relo ang nagpaigtad kay Harleigh sa pagkakayuko sa lamesa. Pinindot nya ito.
“V’s, may bagong misyon. Report sa base command now” wika ng kabilang linya
“Copy” sagot nya
Sya si Harleigh Valderrama, ang leader ng Vigilanteng grupo na mas kilala sa pangalang V Queens. Binubuo sila ng limang magagaling na vigilantes at hawak sila ng Black Fortress Organization. Ito ang mga nagsasanay ng mga Vigilante na tumutulong sa mga alagad ng batas na patumbahin ang mga malalaking Gang at Sindikato hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Agad syang gumayak at sinukbit ang baril sa likod nya at nagmamadaling lumabas.
Mabilis syang sumakay sa kanyang motorbike at pinaharurot ito.
Ngunit hindi pa sya nakakalayo ay may kotseng biglang nag-cut sa daan nya sanhi para biglaan syang mapapreno at sumalpok sa likod ng sasakyan nito at nayupi ito. Buti at hindi sya sumemplang. Galit na bumaba sya ng motorbike at hinintay ang paglabas ng driver ng bwisit na kotse.
Lumabas ng kotse ang isang lalaki na sa tantya ay nasa 5”11 ang height. He’s really tall and literally towering her sa tangkad nyang 5”4”. “f**k! Look what you’ve done to my car!” sigaw nito sa kanya
“f**k your face! Ikaw pa talaga may gana mag-f**k f**k dyan?! Ikaw na tong muntik makadisgrasya!” ganting sigaw nya dito habang nakapameywang ang isang kamay at dumuduro ang isang kamay
Nagbubusinahan na ang mga sasakyan sa likod nila pero wala syang pakialam. Gagong to ako pa talaga babaliktarin!
“Ikaw tong bumangga sa sasakyan ko! Damn!” at hinilamos sa mukha nito ang kamay
Tinitigan nya ito.. gwapo pala ang hayop na to! Reckless driver lang at napakagago! Napadako ang mata nya sa mata nito… Kulay beer ang pagka-brown at ang mga labi nito.. s**t! Kissable! P*nyeta! Ano ba pinag-iisip ko???!!
“You know it’s rude to stare, Mi Lady” wika nito sa iritableng boses habang habang matiim na nakatitig sa kanya…
“Rude ko yang muka mo eh! At wag mo ko ma-Mi Lady Mi Lady baka bangasan kita! wag ka din magexpect na babayaran ko yang bangga mo dahil satin dalawa ikaw itong walang modong kala mo hari ng daan!” ratrat nya dito at tumalikod na sabay sakay na sa motorbike nya.
Tiningnan nya ito na hindi pa din umaalis sa kinatatayuan habang nakalagay sa ilalim ng baba ang isang kamay at hinihimas ng daliri ang patubong bigote at ang isang kamay ay nakahalukipkip. Matiim pa din itong nakatitig sa kanya …
Bigla tuloy umiral ang pagiging siraulo nya at may naisip na kalokohan.. Humanda ka sakin!
Pinaharurot nya ang motorbike nya at ng tumapat sa kotse nito ay tinabig nya ang side mirror nito at tumilapon sa kalsada at nakabasag basag…
Narinig nya ang mura nito habang nanlalaki ang mata at napahawak sa ulo. Huminto sya at lumingon para mas asarin pa ito at dumila pa habang nakalagay sa magkabilang tenga ang kamay “Bleh Bleh Bleh!” at tumawa sya ng malakas bago pinaharurot muli ang kanyang motor palayo..
Huminto sya sa may abandonadong gusali na hindi mo aaakalaing may magarang opisina sa loob. Ito ang base command ng Black Fortress. Pumasok sya sa halos nangangalawang ng pintuan at muli itong sinara ng marahan dahil parang isang turnilyo nalang ang makalas ay magigiba na ito. Pinindot nya ang button sa gilid ng lumang pader at bumukas ang dingding at niluwa ang napakagarang elevator.
Nang tumunog ang elevator ay dali-dali syang lumabas at tinungo ang conference room para sa meeting nila.
Pagbukas nya ng conference ay nandun na ang apat pang kagrupo ng V Queens.
Harleigh -
codename: Wolfsbane
skill: Superb Senses
codename: Amaryllis
skill: Explosive Expert
Codename: Larkspur
Skll: The Hacker
Codename: Foxglove
Skill: The Sharpshooter
Codename: Oleander
Skill: The Genius and Profiler
Ang codenames nila ay galing sa mga poisonous flowers.
“Wolfsbane! Pashnea ka! Bakit ngayon ka lang???” sita ni Amaryllis sa kanya
“Hay naku! Wag mo na ko bungangaan at baka ikaw pa ang samain sa badtrip ng araw na to” irap nya dito sabay bato ng hinubad nyang jacket sa mukha nito
Tinawanan sya ng apat at nagsalita si Larkspur “may nakaengkwentro ka? Hindi natrack ng device ko yan sayo” wika nito sa kanya
“Gagi, muntik lang mabangga kanina dahil sa isang gagong driver na kala mo hari ng daan” wika nya at sumikdo nanaman ang inis pagkaalala sa nangyari kanina. Pero agad din napangisi ng maalala ang kalokohang ginawa nya
“Mukha namang nakaganti ka base sa itsura ng mukha mo at body language” wika ni Oleander sa kanya habang matamang nakatitig sa kanya… Tangina! Gamit na gamit ang pagiging profiler ng bruhang to!
Syang pagpasok ng Commander nila. Si Madam Z
“V Queens, you have a new mission” pukaw nito sa kanila. “kunin nyo ang folder na nasa harapan ninyo at pag-aralan”
Sabay sabay nilang dinampot at binuklat ang folder…