Story By EigramLatsirk
author-avatar

EigramLatsirk

ABOUTquote
Your Crazy Writer Next Door *Loves to write stories with crazy characters. *Girl Power Add me! ❤️ Fb: Eigram Latsirk
bc
#2 PLUS-SIZE UNDERCOVER
Updated at Nov 24, 2024, 18:43
Blurb: Si Viel Allet Austria ay hindi tipikal na undercover agent. The heavy-gat undercover ang bansag na tukso sa kanya ng mga kasamahan dahil hindi kagaya ng iba na fit at balingkitan, siya ay fit din naman pero hindi balingkitan kundi curvy at voluptuous! Pinasok ang pagiging agent para tugisin ang pumatay sa kuya niya. Isa rin dating agent ang kapatid niya at natagpuan na lang itong walang buhay sa loob ng condo nito. Tortured at talagang bakas ang pahirap bago binawian ng buhay. Hindi niya halos kayang tignan. Isa pang dahilan ay para kalimutan ang sakit ng pagkabigo niya sa pag-ibig dahil sa size ng katawan niya. Gusto niyang patunayan na hindi size ng katawan ang batayan para tanggapin at mahalin ka. Mag-uundercover at papasok bilang yaya ng pamangkin ng bilyonaryong si Ford Damien Montecillo upang imbestigahan ang kinalaman ng pamilya nito sa pagkamatay ng kapatid, dahil ang huling binanggit ng kuya niya sa diary nito ay ang apelyidong Montecillo at isang tape. Sa pagpasok sa bakuran ng mga Montecillo ay hindi niya inakala na mas makapal pa pala sa bilbil niya ang madidiskubre bukod sa mga bagay na gusto lamang niya malaman. Kasama ba sa kanyang mahahanap ang panibagong pag-ibig? O panibagong mapanghusgang mga mata na dudurog sa pagkatao niyang pilit na binubuo?
like
bc
V Queens Series #3: LARKSPUR
Updated at Nov 27, 2024, 23:23
Sienne Prieto, o mas kilala sa codename na Larkspur. Siya ang computer wizard sa grupo nila at ekspertong hacker ng Vigilante Queens o mas kilala sa tawag na V Queens. Nang tumigil ang operasyon ng grupo nila matapos mapatumba ang Blue Shadow at mag-asawa na ang dalawa sa miyembro ng grupo na si Wolfsbane at Amaryllis ay nawalan na ng aksyon ang buhay niya. Nagkaroon na rin ng kanya-kanyang ganap sa buhay ang iba pang mga miyembro. Sa tindi ng boredom niya ay naisipan niyang mang-hack ng mga sites at meron na isang cctv ng condo ang pumukaw sa atensyon niya. Sakto pag-access niya kasi ay lumabas ang isang bulto ng lalaki na nakatapis lamang ng tuwalya. Namumutok ang muscle nito sa braso na medyo maugat, mapanghalina rin ang six-packs abs nito. Lalo na ang nakaumbok na bukol sa likod ng tuwalya na nakaikot sa beywang nito. Pero bigla siyang nataranta ng makita niya papalapit ang lalaki sa gawi ng cctv habang direktang nakatitig dito. Si Arkin Cordoviz, commander ng intelligence department ng Federal Bureau. Nakuha ng lalaki ang IP address ng pangahas na hacker ng CCTV niya sa condo at ginamit ang pangha-hack na insidente na pang-blackmail dito para tulungan ang departamento nila na i-solve ang isang serial murder case na ginagamit ang isang online dating app para makasilo ng mabibiktima. Sa pagsasama nila sa misyon, magawa rin kaya nilang ma-hack at maka-connect sa puso ng isa't isa?
like
bc
THE BEAST WHISPERER
Updated at Oct 6, 2022, 03:48
Blurb: Si Moon Gayl Villaverde ay graduate ng kursong Medicine pero hindi makapasa-pasa sa board exam para maging ganap na Doktor. Kahit anong pursigi at pagbuhos nya ng oras at atensyon ay bigo pa din sya na makamit ang pinapangarap na lisensya sa pangalawang pagkakataon. Demir Ylmaz Henris, leader ng mafia at walang sinasantong kalaban. Walang puso, walang awa, walang pinapatawad at pinapalampas. Bilanggo ng nakaraan na pilit kinukubli sa mala-yelo nitong pagkatao. Presensya pa lamang nito ay kinatatakutan at kinanginginigan na dahil sa pagiging halimaw nito lalo na kapag nagagalit. Sa isang pambihirang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nilang dalawa ng malagay sa alanganin ang buhay ni Demir. Sa nanlalabong ulirat ng lalaki ay pilit inaaninag ang malalambot na kamay na humahawak sa kanya. Magkasabay na nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban nya ang babae at ang paglapat ng kamay nito sa tama ng bala sa kanya. Napatda sya sa nakitang personalidad nito na animo isang tigre.
like
bc
Bride Series: #3 GANGSTER BRIDE (On-going)
Updated at Oct 5, 2022, 01:21
Blurb Lindt Del Fuego, bunsong anak ng isa sa pinakakilalang negosyante sa bansa. Naging mailap sa mga babae mula ng mabigo sa unang pagibig na naging dahilan para mabuo ang bulong-bulongan na siya ay may pusong babae. Si Kithione Katara "Kitkat" Ferriols, lumaki sa pamilya ng mga gangster at siyang susunod na tagapagmana ng posisyon sa nalalapit na pagreretiro ng ama. Ngunit may isang kondisyon na kailangan niyang isakatuparan para tuluyang maipasa sa kanya ang posisyon. Isang bagay na hindi niya alam kung handa na ba siya. Ano kaya ang mangyayari kapag nag-krus ang landas ng dalawang magkasalungat? Sapat kaya ang tibay ng palaso ng kanilang mga kupido para makatagos sa dalawang puso na pinatigas ng sakit ng nakaraan? Tunghayan kung alin ang titigas o lalambot sa kanila.
like
bc
V Queens Series: #2 Amaryllis (Completed)
Updated at Jan 27, 2022, 04:14
Blurb: Mula ng tumigil ang operasyon ng grupo nilang V Queens at mapatumba nila ang Blue Shadow ay tila nanahimik ang maaksyon na buhay ngayon ni Elix Khale Ocampo o mas kilala sa code name na Amaryllis. Isang bomb expert at may obsession sa iba't ibang klaseng baril. Nami-miss nya din ang makipaglaban pero nae-enjoy pa naman nya ang kapayapaan na tinatamasa nya matapos nila ipahinga ang grupo. Ngunit muling mawiwindang ang nanahimik nyang buhay nang magsimulang magkrus ang landas nila ng isang lalaking nakalunok yata ng electric fan sa sobrang hangin at lampas hanggang pluto ang kapreskuhan! Si Thunder Ross Fierro. Mapipilitan pa syang makasama ito dahil sa pagkawala ng kuya nya. Magkasama ang mga ito sa trabaho na kapwa nabibilang sa Special Forces Corp. at posibleng ang mga nakabangga nila ang may kagagawan ng pagkawala nito.
like
bc
V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed)
Updated at Jan 10, 2022, 14:37
Blurb: Si Harleigh Valderrama, isang Vigilante. Kilabot ng mga salot sa lipunan. Walang kinatatakutan at walang inaatrasang laban. Si Winter El Grejo, isang bilyonaryo. Kilabot ng mga babae. Susunod na tagapagmana ng El Grejo Empire. Nagsusumigaw ang yaman at kagwapuhan Ano ang mangyayari pag nag-krus ang landas ng dalawang kilabot? Kaninong mundo ang magugulo? O meron bang mabubuo?
like
bc
#1 LADY UNDERCOVER (Completed) /UNDER EDITING
Updated at Oct 30, 2021, 06:23
BLURB: Malalagay sa alanganin ang buhay ni Yled Gabrielle Benavidez na CEO ng Benavidez Empire Corp. Isa sa pinakamalaking shipping company sa buong Pilipinas. Si Krynn ay ang anak ng Commander ng Special Forces Organization at isang undercover agent. Matinik, Malupit at Magaling na undercover. Walang mission na hindi nila natitiklo ang mga malalaking sindikato na target nila. Ang misyon ngayon ni Krynn, ang mag-undercover para maprotektahan si Yled Gabrielle Benavidez. Ngunit sa pagprotekta nya dito, maprotektahan kaya nya ang sarili na huwag mahulog sa charm at good looks nito?
like
bc
Bride Series: #1 PROXY BRIDE (Completed)
Updated at Aug 31, 2021, 07:50
Blurb: Jent Ashley Montejo, happy-go-lucky, certified man-hater and does not believe in love. Para sa kanya ang mga lalaki ay nilikha para manloko at mambabae. Ngunit mapapasubo sya na ikasal kay Lithe Del Fuego bilang proxy sa nakatatandang kapatid na tumakas at nakipagtanan kasama ang nobyo nito isang araw bago ang nakatakdang kasal.
like
bc
Billionaire's Walking Disaster
Updated at Jul 24, 2021, 05:40
Nivea Jergens Candelaria, ang babaeng inilayo ang sarili sa lahat dahil ang tingin sa kanya ay malas. Lahat ng taong malalapit sa kanya ay napapahamak kapag dumidikit sa kanya. Itinakwil maging ng sariling ama. Gayundin, ang lalaking minamahal ay pilit niya rin tinalikuran sa kagustuhan na huwag ito madamay sa pagiging malas niya. Ang Lolo Fausto niya lamang ang natira niyang kakampi at tanglaw ng mga panahon na nasa kadiliman ang buhay niya. Ngunit tila ang tadhana talaga ay sadyang malupit dahil maging ito ay binawi sa kanya. At muli, ang mundo niya ay mas naging madilim pa. Ngunit sa pagkawala ng kanyang mahal na Lolo ay may iniwan itong isang will and testament. Ang buong kumpanya na N. J. C. Corp. na pinilit itinayo at itinaguyod ng kanyang Lolo Fausto noong nabubuhay pa ito na siyang ipinagpapatuloy ng kanyang ama ay nakatakdang mapunta sa charity. Ang lahat ng assets nito ay ido-donate sa ampunan, iyon ay kung hindi niya gagawin ang kondisyon na nakasulat sa will. Ang pakasalan si Stan Arrius Levigne. Ang lalaking abot hanggang langit ang galit sa kanya dahil sa pang-iiwan niya rito.
like
bc
Bride Series: #2 ACCIDENTAL BRIDE (Completed)
Updated at Jun 26, 2021, 01:27
Title: Accidental Bride (Bride Series: Book 2) Genre: RomCom (R-18) Blurb: Dahil sa malaking utang na loob ng pamilya ni Sunny Cruz kay Dona Milagros Del Fuego ay hindi na nya ito matanggihan ng makiusap ito na alagaan ang apo nito na si Light Del Fuego nang maaksidente ito sa rancho. Si Dona Mila ang nagsponsor ng scholarship nya hanggang makatapos sya ng pag-aaral at maging ganap na nurse at therapist. Ayaw nyang makaengkwentro si Light dahil sa hindi nya mapangalanang dahilan dagdag pa na ito ang first love nya at natatakot sya na baka mas umusbong pa lalo ang nararamdaman nya at hindi na mapigilan ang sarili pag napalapit sya sa binata. Ngunit magbabago ang lahat sa isang hindi inaasahang pangyayari...
like