bc

#1 LADY UNDERCOVER (Completed) /UNDER EDITING

book_age18+
15.6K
FOLLOW
79.4K
READ
spy/agent
sweet
humorous
lighthearted
bold
brilliant
witty
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

Malalagay sa alanganin ang buhay ni Yled Gabrielle Benavidez na CEO ng Benavidez Empire Corp. Isa sa pinakamalaking shipping company sa buong Pilipinas.

Si Krynn ay ang anak ng Commander ng Special Forces Organization at isang undercover agent. Matinik, Malupit at Magaling na undercover. Walang mission na hindi nila natitiklo ang mga malalaking sindikato na target nila.

Ang misyon ngayon ni Krynn, ang mag-undercover para maprotektahan si Yled Gabrielle Benavidez. Ngunit sa pagprotekta nya dito, maprotektahan kaya nya ang sarili na huwag mahulog sa charm at good looks nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“We have a new big assignment,” wika ng kanyang ama matapos siyang ipatawag nito sa kanyang opisina. Inilapag nito at inilapit sa kanya ang folder na naglalaman ng detalye ng bagong misyon nila. Kinuha at pinasadahan niya ng basa ang laman ng folder. “Benavidez Empire Corporation? What about this company, Dad?” wika niya habang nakakunot-noo. “Alam ko malinis ang record ng company na ito.” “Yled Gabrielle Benavidez of BEC is the target of Jang Syndicate. Based on report, Mr. Benavidez turned down their proposal to be their partner on the shipment of herbal medicines. He conducted a background investigation to this group and found out that this group is one of the bigtime supplier of drugs in the Philippines and also involved in human trafficking.” “Big time nga. May human trafficking pa.” Tatango-tango ang ulo habang nakalagay ang kamay sa may baba at nakaarko ang hintuturo sa taas ng labi na wari ba ay ini-imagine ang bawat detalye na binabanggit. “Yes. Binebenta nila ang mga babae sa Casa para maging s*x-slave. Now, I want you to take charge on this mission,” buo ang tiwala na turan ng kanyang ama kay Krynn. “So what’s the plan?” “We are collaborating with the National Government Bureau and we are commanded to take charge on this mission. You need to be an undercover to protect the CEO against the Jang Syndicate habang gumagawa at naglalatag ng plano pano mahuhulog sa kamay natin ang malaking sindikato na yan.” He also added, “the CEO’s life is in danger and we need to do our best to protect him hanggat hindi pa matibay ang evidences natin. For sure, babalikan siya ng Jang brothers.” Dinampot nya ang folder at muli itong pinasadahan. Paglipat nya sa sumunod na pahina ay napako ang tingin niya sa litrato ng CEO ng BEC. Nice deep brown eyes with a pair of thick eyebrows. Prominente rin ang ilong nito at manipis ang labi. Nahinto sa labi nito ang kanyang paningin. Pinkish ang kulay nito at parang ang lambot. Ayyyy teka! Landi ka teh??? Naiiling nalang siya sa tumakbo sa isip niya. Naisip niya sayang naman kasi kung matsu-tsugi ng hindi napapakinabangan ang lahi! Tinunghayan niya ito ulit ng marinig na tumikhim ang Daddy niya ay bumalik ang ulirat niya. Mamaya na lang ulit siya magpapantasya! Misyon muna Ghorl! “Sige Dad, buuin ko ang team ko para sa misyon na 'to. I will give you updates sa development ng mga plano before execution,” seryosong turan nito. Tumayo na 'ko at sumaludo. Akmang tatalikod na ako ng tawagin muli ng aking ama. “Krynn” “Yes, Dad?” lingon nya rito. “Mag-iingat ka, Anak. Napakabigat ng misyon na ito. Kung ako ang tatanungin ayokong ibigay sa iyo ang misyon na ito pero ikaw lang ang alam ko na makakagawa nito anak.” Nabanaag ang pag-aalala nito para sa anak. “Don’t worry, Dad. I had the best trainer and mentor, remember? I’ve learned from best of the best. Don’t you forget that!” Nilapitan nya ito at niyakap. “Will take care of myself, Daddy. I promise, buo at ganito pa rin ka-diyosa na uuwi ang anak mo para sambahin ng mga aliping sagigilid.”Ngisi niya rito at hinalikan sa noo. Dinampot niya ang folder at lumabas na. Naiiling na natatawa ang ama sa kalokohan ng anak niya. Napaka-jolly ng personality nito at napaka-boyish. Kung siya ang tatanungin hindi niya gusto na maging agent ito pero siya mismo ang nagpakita ng interes at gustong matutunan ang pagiging agent. Napakabilis nito natutunan ang lahat ng tinuturo niya rito. Naalala nya nang tinuruan niya ito ng martial arts, namangha siya sa galing at bilis nito matuto. Hanggang sa pati siya ay pinatutumba na nito at nahihirapan ng manalo. Sa kanilang dalawang magkapatid, ang panganay niyang lalaki ay naging isang doctor at si Krynn naman ang ginusto na sumunod sa yapak niya. Nagtapos si Krynn ng kursong Psychology at nagagamit ang pinagaralan sa pagprofile ng kanilang subject. “Hay, Krisanta. Tignan mo ang anak mo. Lumaking brusko pero napakabait at napakaganda na katulad mo,” malungkot na turan ng ama habang tinatanaw ang pinto na nilabasan ng anak. Agad nagpatawag ng meeting si Krynn sa magiging team niya sa hahawakan na misyon. Kailangan niyang piliin ang mga bubuo rito dahil hindi basta-basta ang pagsasakatuparan nito. "Miralles, meeting at 1300H today. See you all at the conference room," wika niya sa agent na tumatayong assistant niya at siya ring matalik na kaibigan nito. "Affirmative, Commander," sagot nito na sumaludo sa kaniya at mabilis din na kumilos paalis para sabihan ang buong team. Muli niyang sinulyapan ang litrato ng magiging subject niya at mataman itong pinag-aralan. Mukha itong Greek God ng sinaunang panahon. Ang mga balikat nito ay malalapad na bumagay pa sa height nito na papasa maging atleta sa tangkad. Palagay niya ay nasa 5'11" to 6 feet ito. Mukhang istrikto ang mukha at nakakatunaw kung tumitig ang mga mata nito. Marahil kailangan ko higpitan ang garter ng panty ko 'pag kaharap ko ito. Baka kasi bigla nalang humulagpos at malaglag. Pinilig niya ang ulo at inilipat sa ibang pahina ang binabasa. Baka kung saan pa mapunta ang pag-iisip nya. Naningkit naman sa galit ang mga mata niya ng mapasadahan ng basa ang profile ng Jang Syndicate. Malawak ang impluwensya ng mga ito at malalaking tao ang mga protektor ng kanilang organisasyon. Pinasadahan niya ng tingin ang mga litrato na nakakabit dito. Merong mga babaeng sapilitang ibinebenta matapos mapaniwala at pangakuan ng magandang trabaho sa Maynila. Dito na tuluyang nasisira ang buhay nila dahil pinapagamit ng drugs ang mga ito bago ipagamit sa mga parokyano. Hindi ko namalayan na humigpit ang hawak ko sa folder dahil halos malamukos na ang papel nito. Sh*t! Binabasa ko palang nanggigigil na 'ko! Lalong umigting ang mga panga niya ng makita naman ang litrato ng mga musmos na bata na binebenta sa mga matatandang foreigners. Sa palagay niya ay nasa labintatlo o labing-apat na taon lamang ito na batang babae, habang inaabot sa foreigner ay umiiyak ito at tila nagmamakaawa ang itsura. Napapikit siya ng mariin ngunit agad din napadilat ng bumukas ang pinto ng conference at nagsidatingan na ang team niya. "Okay, Team. Let's start the briefing," panimula nya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
393.7K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook