bc

V Queens Series: #2 Amaryllis (Completed)

book_age18+
3.0K
FOLLOW
28.1K
READ
adventure
comedy
sweet
humorous
lighthearted
bold
expert
detective
soldier
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Mula ng tumigil ang operasyon ng grupo nilang V Queens at mapatumba nila ang Blue Shadow ay tila nanahimik ang maaksyon na buhay ngayon ni Elix Khale Ocampo o mas kilala sa code name na Amaryllis. Isang bomb expert at may obsession sa iba't ibang klaseng baril. Nami-miss nya din ang makipaglaban pero nae-enjoy pa naman nya ang kapayapaan na tinatamasa nya matapos nila ipahinga ang grupo.

Ngunit muling mawiwindang ang nanahimik nyang buhay nang magsimulang magkrus ang landas nila ng isang lalaking nakalunok yata ng electric fan sa sobrang hangin at lampas hanggang pluto ang kapreskuhan! Si Thunder Ross Fierro.

Mapipilitan pa syang makasama ito dahil sa pagkawala ng kuya nya. Magkasama ang mga ito sa trabaho na kapwa nabibilang sa Special Forces Corp. at posibleng ang mga nakabangga nila ang may kagagawan ng pagkawala nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Holdap to! Dumapa kayong lahat!" napalingon sya sa gawing pinto ng bangko at nakita nya ang limang armadong lalaki na nakasuot ng stockings sa ulo at nakaumang ang mga baril habang nakalawit ang mga granada sa katawan. Dinis-armahan nila ang dalawang gwardya at hinampas ng baril. Walang malay na humandusay ang mga ito sa sahig. Nagsimula na din na mataranta ang mga tao sa loob ng bangko pati ang mga staff at manager ay bakas ang takot at namumutla ang mga itsura. May mga impit na tili at iyak na din na mauulinigan. Luminga ako, medyo maraming tao ngayong araw at busy ang oras na pinili nila. Malalakas ang loob. Mukhang hindi mga baguhan. Sa kilos palang ng mga ito ay mukhang mga beteranong holdaper. May posibilidad pa nga na myembro ang mga ito ng sindikato. Mabilis ang kilos ng mga ito na lumapit sa may counter at tiyak ang puntirya kung sino ang lalapitan para makuha ang pera. Palihim kong inobserbahan ang kilos ng mga ito. Walang bakas ng takot o ng pag-aalala sa mga mukha nila. Pilit kong minememorya ang mga itsura at maaring palatandaan sa mga ito. Ang isang lalaki ay matangkad na sa tantya nya ay nasa 5'8" ang height, nakasuot ito ng itim na jacket kahit napakainit ng panahon. Naging agaw pansin sakin ang bilog na tattoo nya sa kamay. Sakop nito ang buong likod ng palad na tila isang sapot ang nakatattoo. Spiderman yarn? Napataas ang kilay nya sa naisip. Ang dalawa pa nitong kasama ay magkasing-tangkad lang ngunit mas malaking bulas ang isa at ang isa naman ay mukhang kinapos sa pagkain sa feeding program. Ang isa naman na nasa may pintuan ang nagsisilbing lookout ng mga ito. Sa kanilang lima ay ito ang medyo tila baguhan sa grupo. Walang patid ang pagkuyakoy ng paa nito habang nakahawak sa hawakan ng pinto at palinga-linga. Ang huli naman ay mukhang syang lider ng grupo. Sa kanya nanggagaling ang lahat ng senyas na kailangang gawin at kalkulado ang bawat kilos. Hindi ito katangkaran pero maskulado ang katawan nito, tipikal na itsura ng goons sa pelikula ang itsura ng katawan nito. Nawala ang atensyon ko sa pagmamasid ng mapansin ko ang pagsiksik ng isang malaking bulto ng lalaki sa gilid ko habang nakayuko kaming lahat at nasa sahig. Nakatalikod ang lalaki sakin pero pag hindi ito tumigil sa pagsiksik ay maari syang masubsob ng tuluyan. Marahas kong pasimpleng siniko ang likod nito na kinalingon naman nito sakin na nakakunot ang noo "What? Nasa gitna na nga tayo ng holdapan magpapapansin ka pa sakin, Miss? Wag ganun!" pabulong na wika nito na kinausok ng bunbunan ko. Ano daw? Nagpapapansin? Siraulo ba to? Nagtitimpi syang pektusan ang ngala-ngala nito dahil baka maagaw nila ang pansin ng mga holdaper at pag-initan pa sila. Nagngingitngit syang bumulong pabalik dito "Hoy mister, huwag masyadong feelingero at makapal ang mukha ah? Siniko kita kasi sinisiksik mo ko at masusubsob ako!" ginala nya ang mata habang nakikipagdebate sa preskong green ranger na to! Nadinig nya ang mahinang palatak nito "Pasensya na hindi kasi ikaw ang mga tipo ko" sabay hagod nang mapang-asar na tingin sa kanya bago muling nagsalita at nilagay pa ang kamay sa baba nito at inarko sa may taas ng labi ang hintuturo "pero pwede na" at tumatango-tango pa. Sasagot pa sana sya nang biglang makarinig ng sirena ng mobile ng pulis sa labas at ang patakbong paglabas ng apat na lalaki galing sa vault bitbit ang punong-puno na nang laman na mga dalang bag ng mga ito. "Pre andyan na mga parak!" sigaw ng lookout "Malaman ko lang sino tumimbre sa inyo sa pulis tatadtarin ko ng bala!" banta ng lider ng mga ito habang inuumang ang baril sa aming lahat na nakayuko. Nahagip ng tingin ko ang antipatikong lalaki at mukhang cool na cool lang din ito. Hindi kaya kasabwat din ito? Tinitigan nya ito at dun nya napagtanto na may itsura nga ang bwisit na preskong lalaki na to. Mukhang may lahi ito dahil bukod sa matangkad ito sa palagay nya dahil nakayuko din ito kasama nila ay halata pa din ang mahahaba nitong mga binti. Ang mukha nito na kahit bagong ahit ay kita padin ang itim na traces sa mukha nito na lalong dumagdag sa appeal nito. Mukhang Turkish or Arab ang features nya. Nahuli nang lalaki ang pagkakatitig nya dito na halos gustuhin na nya na lumubog nalang sa kinayuyukuan nya. Lalo pa syang nabwisit ng kumindat pa ito sa kanya at ngumisi at humantad ang maputi at pantay-pantay na mga ngipin nito. Binigyan nya nalang ito ng nakamamatay na tingin at inirapan para isalba ang sarili nya sa pagkapahiya. Dagli silang sabay sabay na napayuko ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril galing sa mga holdapers. Walang habas ang pagpapaputok ng mga ito sa mga pulis na nasa labas. Nagsipagtaguan ang mga nakayuko sa sahig at tumakbo sa may likod ng counter para iligtas ang kanilang mga sarili. Napalingon ako sa isang matandang babae na nanatiling nasa pwesto nya at hindi makatayo. Agad akong gumapang papunta dito at inakay papunta sa kung saan sya magiging ligtas. Maya-maya ay may inilabas ito sa bag at nakita ko na nebulizer ito at tumambad sakin ang itsura nya na mukhang inaatake ng asthma. Bago pa man nito mailagay sa bibig nito ay isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar at tumilapon ang hawak na nebulizer ng matanda papunta sa hallway kung saan merong palitan ng putok. Tinitigan ko muna ang matanda at nakita ang sitwasyon nito bago mabilis na ginapang ang nebulizer nito at pinadausdos sa sahig papunta dito. Kita ko ang apat na katawan ng mga holdaper na nakahandusay na sa sahig. Ang isa naman ay patuloy pa din sa pagpapaulan ng bala kahit may mga tama na din. Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas nya ang isang button bomb! s**t! Malakas na klase ng bomba ang button bomb at kaya nitong sakupin ang mahigit sa 1km radius pag sumabog ito! Hugis cylinder ito na may dalawang push button sa gilid. Kapag tinanggal ang pin ng bomba ay hindi ito sasabog hanggat nakapindot sa dalawang button. Once na ni-release ang dalawang button sasabog ito after 5 seconds. Kita nya ang pagtanggal nito sa pin... Pero bigla itong tinamaan ng bala kaya't imbes na sa mga pulis nya ihahagis ito ay naihagis nito sa direksyon nila! P*tangina!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook