
Nivea Jergens Candelaria, ang babaeng inilayo ang sarili sa lahat dahil ang tingin sa kanya ay malas. Lahat ng taong malalapit sa kanya ay napapahamak kapag dumidikit sa kanya. Itinakwil maging ng sariling ama.
Gayundin, ang lalaking minamahal ay pilit niya rin tinalikuran sa kagustuhan na huwag ito madamay sa pagiging malas niya.
Ang Lolo Fausto niya lamang ang natira niyang kakampi at tanglaw ng mga panahon na nasa kadiliman ang buhay niya. Ngunit tila ang tadhana talaga ay sadyang malupit dahil maging ito ay binawi sa kanya. At muli, ang mundo niya ay mas naging madilim pa.
Ngunit sa pagkawala ng kanyang mahal na Lolo ay may iniwan itong isang will and testament. Ang buong kumpanya na N. J. C. Corp. na pinilit itinayo at itinaguyod ng kanyang Lolo Fausto noong nabubuhay pa ito na siyang ipinagpapatuloy ng kanyang ama ay nakatakdang mapunta sa charity. Ang lahat ng assets nito ay ido-donate sa ampunan, iyon ay kung hindi niya gagawin ang kondisyon na nakasulat sa will. Ang pakasalan si Stan Arrius Levigne. Ang lalaking abot hanggang langit ang galit sa kanya dahil sa pang-iiwan niya rito.
