bc

Bride Series: #2 ACCIDENTAL BRIDE (Completed)

book_age18+
8.2K
FOLLOW
44.8K
READ
arrogant
comedy
sweet
humorous
lighthearted
witty
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Title: Accidental Bride (Bride Series: Book 2)

Genre: RomCom (R-18)

Blurb:

Dahil sa malaking utang na loob ng pamilya ni Sunny Cruz kay Dona Milagros Del Fuego ay hindi na nya ito matanggihan ng makiusap ito na alagaan ang apo nito na si Light Del Fuego nang maaksidente ito sa rancho.

Si Dona Mila ang nagsponsor ng scholarship nya hanggang makatapos sya ng pag-aaral at maging ganap na nurse at therapist.

Ayaw nyang makaengkwentro si Light dahil sa hindi nya mapangalanang dahilan dagdag pa na ito ang first love nya at natatakot sya na baka mas umusbong pa lalo ang nararamdaman nya at hindi na mapigilan ang sarili pag napalapit sya sa binata.

Ngunit magbabago ang lahat sa isang hindi inaasahang pangyayari...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Dear Mi Labs! Para mas nakarelate po tayo at maintindihan ang kwento nila Light at Sunny, I highly suggest to read first the Book 1 nila Lithe and Jent. ❤️ Note: This is a work of fiction and just a product of my jurassic mind. Any names, places, events or stories na may pagkakapareho ay hindi po sinasadya at nagkataon lamang. PLAGIARISM IS A CRIME! Please don't forget to ❤️, follow and add to library so you will be updated on new uploads of chapters! Kamsahamnida! Awabyu all big time! ❤️❤️❤️❤️ -------------------------------------- "Hoy Unano, paliguan mo nga ko" utos ni Light sa kanya. Nakaupo ito sa couch at nakasandal ang ulo habang hinahaplos ang nakabendang kanang kamay. Marahas akong napalingon dito at naiinis na sumagot "Hoy ka din, Shrek! Sa pagkakaalam ko isang kamay lang ang may bali sayo kaya tigilan mo ko! Pag ako nabwisit sayo tutuluyan kita dyan" nakakapanting ng tenga mga pinagsasabi nito. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. s**t! Ang sexy! "O kaya nga. Mahihirapan ako maligo na isang kamay lang ang gamit. Sige na ayusin mo na panligo ko, Unano. Nanlalagkit na ko" wika nito na nilukot pa ang mukha habang tinataas taas ang isang kamay na walang benda at inaamoy ang sarili. "Pag nagreklamo ka pa ay isusumbong kita kay Lola Mila" pananakot pa nito Inirapan ko muna ito bago nagdadabog na tumayo at mabibigat ang paa na umakyat sa kwarto nito para ihanda ang pampaligo. Dinig pa nya ang mapang-asar na tawa nito. Nakakainis! Sarap pitikin ng sperm! Hays! Ayoko naman talaga tanggapin ang trabaho na ito. Isa akong licensed nurse at therapist at nakatakda na sanang magtrabaho sa isang kilalang ospital dito sa Maynila ngunit hindi ko naman maaaring tanggihan ang taong pinagkakautangan ko kung bakit ako nakapagtapos ng pag-aaral. Si Dona Milagros Del Fuego. Ang nanay nya ay dating cook sa mansyon ng mga Del Fuego at nang makatapos sya ng pag-aaral ay pinatigil na nya ang ina at inako ang responsibilidad sa pagpapaaral sa mga kapatid nya. Sa ngayon ay graduating na ang kapatid nya ng accountancy at nangako ito na sya naman ang mag-papaaral sa bunso nilang kapatid. Nag-iisa nalang ang nanay nila dahil matagal ng namatay ang kanilang tatay. Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw sana nya tanggapin ang trabahong iyon ay dahil si Light ang first love nya. Marahil ito din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din sya nagkakanobyo sa edad nyang 26. Natatakot sya na baka yumabong pang lalo ang pagkagusto nya dito ngayon na magkasama sila. Nag-umpisa ang pagkahulog nya dito noong high school sya. Dahil nag-aaral sya sa pang-mayaman na eskwelahan gamit ang scholarship ni Dona Milagros ay hindi maiiwasan ang mga bully na estudyante na inaalipusta ang estado nya sa buhay. Palagi itong dumarating sa tuwing pinagkakaisahan ako ng mga bully ng school. Naalala ko pa na 'knight in shining armour' ang lihim kong tawag dito. Ngunit kapalit naman ng lagi nitong pagliligtas sa kanya ay ang tindi ng pang-aasar nito gaya ng pagtawag sa kanya ng unano. Literal kasi itong matangkad habang sya ay totoo naman na hindi katangkaran pero hindi unano! Hindi din kaila sakin noong panahon na iyon kung sino ang babaeng napupusuan nito, si Jent. At alam ko naman na wala akong panama dito dahil bukod sa ubod na ng ganda ay kasing yaman din nila ito. Yun nga lang at kasal na ito ngayon sa kuya nito na si Lithe Del Fuego. So may pag-asa na ba ako? Naipilig ko ang ulo ko "ano ba yang iniisip mo, Sunny! Nandito ka para lamang magtrabaho. Okay?!" pagkausap nya sa saril. Isa pa alam naman nya na malabo syang magustuhan nito. "O ano, Unano? Bakit kinakausap mo na sarili mo? Kakatakot ka ah!" bungad ni Light sa kanya sa pintuan na sumunod na pala sa kanya habang nakangisi at nakatingin sa kanya. Marahil ay nainip na ito. Nilingon nya ito at lihim nyang pinagmasdan ang anyo nito. Wala halos pinagbago at napakagwapo pa din nito. Mukhang suplado at seryoso ang mukha pero napaka-mapang asar pag inatake ng kaabnormalan. Dagdag pa na mas lumaki ang katawan nito kumpara dati na payat lang ito na matangkad. Ngayon ay namumutok ang muscles nito sa braso. Hmmm.. May abs din kaya sya? "Pinagpapantasyahan mo ba ko ha, Unano?" pagpukaw nito sa pagtitig nya sabay ngisi. Napakurap sya ng magsalita ito. s**t! Umayos ka self! Nakakahiya ka! Baka mahalata ka sa pagpapantasya mo dahil sa kagagahan mo! Naiinis na wika nya sa sarili "Wag kang feelingero na pagpapantasyahan kita, Shrek." tinignan nya ito ng masama bago dinampot ang roba at naglakad papunta sa cr bago muling lumingon "Sandali nalang at pwede ka na maligo. Matuto ka maghintay" inirapan nya ito at dumiretso ng pasok sa banyo. Isa-isa nyang nilagay ang mga kailangan nito sa loob ng banyo at tinimpla ang tubig sa shower. Pag-ikot nya ay nagulat sya dahil nasa likod na pala nya ito at halos gahibla na lamang ang pagitan. Napalunok ako. Parang hindi ako makahinga! Pakiramdam ko ang puso ko ay kung saan-saan na napunta sa sobrang pagwawala. Napatingala ako sa mukha nito. Dahil nga matangkad ito na sa tantya nya ay nasa 5"11 habang sya ay nasa 5'2 lang. Kaya he is literally towering her. Napadako ang mata ko sa manipis na labi nito na mamula mula. Parang ang sarap halikan ng mga labi nito. "Sanay naman na ko maghintay" walang ano-ano ay turan nito sa mahinang tono habang mataman na nakatitig sa mukha nya. Seryoso na ito at hindi kababakasan ng anumang pang-aasar sa mukha nito "Alam ba ng hinihintay mo na hinihintay mo sya?" ganting tanong naman nya dito. May himig sermon naman sa salita ko. Tila nahihinuha ko na kung sino ang tinutukoy nito. Nasasaktan pa din kaya ito hanggang ngayon dahil hindi sya ang nakatuluyan ni Jent? Ang sakit padin pala isipin. Hays. Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mata "kung malalaman kaya nya na hinihintay ko sya sa tingin mo ay may hihintayin ba ko?" nag-umpisa na kong malito kaya kumunot na ang noo ko. Nainis na din ako dahil ang gulo-gulo nang pinagsasabi nito. "Eh bakit ako ang tinatanong mo? Palagay mo sakin si google na kayang sagutin ang lahat ng tanong sa mundo?" pinameywangan ko ito at pinandilatan. Tumawa ito ng malakas at walang babalang inangat ang kamay na walang benda at kinurot ang pisngi ko. Bahagya pa kong napaatras sa gulat. "ikaw talaga ang pinaka-cute na Unano na nakita ko" wika nito na nanggigigil. Tila nagbago nanaman ang mood nito. Bipolar? Sa inis nya ay sinipa nya ito sa binti "Shrek!" sigaw nya dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

SILENCE

read
393.7K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
717.8K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook