NAKAHINGA naman ako ng maluwag ng pinalabas na nya ako ng banyo at sinabing sya na lang mag-isa ang maliligo. Pero nakakangitngit sa inis dahil ang kapal ng mukha sabihin sakin na baka daw silipan ko sya!
Nagdadabog akong bumaba at nagmartsa papunta sa kusina. Magluluto na lang ako kesa mabwisit sa Shrek na yun! Lasunin ko kaya ang hayp na yun? Hindi ko pala kaya. Hays, mahal ko nga pala.
Sinilip nya ang ref at nag-isip nalang ano ang masarap lutuin. Napagpasyahan nyang magprito ng boneless bangus at mag-ginisang sayote na may carrots.
Sa sobrang pagkalibang nya sa paggigisa ay di nya namalayan na nakababa na pala si Light at nasa likod na nya.
"Ano yang niluluto mo, Unano?" walang anu-ano ay wika nito sa may likod nya
"Ay kabayong matsing ka!" bulalas nya sanhi ng pagkagulat. Dagli syang napaharap dito para pagalitan ngunit wrong move yata dahil halos magkadaiti na ang mga katawan nila sa sobrang lapit nito.
Napatitig sya sa mukha nito. s**t! Ang fresh! Amoy na amoy pa nya ang sabon sa balat nito at ang may pagka-menthol na aftershave. "Ehem.. Yung laway mo tumutulo na, Unano. Grabe, pinagnanasahan mo ko! Ang dumi-dumi ko na!" pag-iinarte nito habang iniyakap sa balikat ang dalawang kamay nito pero nakasilay sa mukha ang nakakalokong ngiti
Napakurap ako at napabalik sa ulirat dahil sa sinabi nito. Nagpanting ang tenga ko kaya inambahan kong ipupukpok dito ang hawak kong sandok "Ang kapal mo talagang Ogre ka! Walang magnanasa sayo dahil kamuka mo si Shrek!" agad naman itong umatras at tumakbo sa may lamesa para hindi nya maabot habang tumatawa.
Tinapunan ko ito ng nakamamatay na tingin "Lumayas layas ka nga dito, baka magdilim ang paningin ko at lasunin nalang kita dyan!"
Ngunit tila wala itong narinig. Bagkus ay naglakad pa ito papunta sa gilid ng mesa at humablot ng tissue habang nakangisi pa din at nakatingin ng nakakaloko sa kanya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil papalapit nanaman ang hudyo sa gawi ko habang hindi padin naaalis ang ngisi at tingin sakin. Napalunok ako. Mga tatlong lunok. Parang nagbabara ang lalamunan ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Subukan mong lumapit at ikaw ang ipi-prito ko ditong Shrek ka!" pagbabanta ko dito habang dinuduro ito ng sandok ngunit ni hindi man lang kinabakasan ng takot ang mukha nito.
Umatras ako para mapanatili ang distansya dito pero sadyang makulit ang impakto na to! Nakailang atras pa ko ng bigla nalang akong hablutin ng kaliwang kamay nito na walang benda at hinapit nito palapit sa kanya na kinasinghap ko at kinaawang ng labi. Nailagay ko ang magkabilang kamay ko sa balikat nito pero may hawak na sandok ang kanang kamay ko. Magsasalita sana ko pero naunahan nya ko.
"Atras ka ng atras, mapapaso ka na dun sa kalan. Kung makaiwas ka naman kasi wagas, pupunasan ko lang naman ang mukha mo ang dami na kasing mantika. Pwede na pamprito sa sobrang oily" eto nanaman ang ngisi nito na nakakaloko sabay pahid sa mukha ko ng tissue.
Pakilig na sana ako eh.. Yung tipong paakyat na yung kilig sa sistema ko pero biglang tila nabuhusan ng yelo at naudlot dahil sa huling sinabi nito. Napakaimpakto talaga!
Ipinukpok nya ng mahina sa ulo nito ang sandok na hawak nya sabay tulak dito. Ang awkward na kasi ng pakiramdam ko sa pagkakadaiti ng katawan nito sakin. Na-concious ako bigla pati sa sinabi nito na ang oily ko na. Shocks! Nakakahiya! Ang losyang na ba agad ng itsura ko? Hays. Inagaw ko ang tissue sa kamay nito at ipinunas sa mukha ko.
"Nakakalosyang kasi talaga ang alagaan ka, alam mo yun? Katumbas mo limang maliliit na bata!" irap ko dito.
Tumawa ito ng malakas "Mommy, I'm hungry na. Pero sige I'll watch you cook nalang muna while waiting. Pwamis, I'll behave." pabulol bulol pa nitong gatong sa inis nya habang nakataas ang kaliwang kamay na tila nanunumpa.
Tila ito libang na libang sa pang-aasar sa kanya. Umupo ito sa silya at nangalumbaba habang pinapanuod sya sa pagluluto.
"Lumayas ka dito, Shrek. Hindi ko kailangan ng audience. Hindi to cooking show" pagtataray ko pa dito. Hindi kasi ako makakakilos ng maayos at makaka-concentrate sa pagluluto pag ganitong ramdam nya ang presensya nito at pagtitig kahit nakatalikod sya.
Maya-maya ay nag-ring ang cellphone nito at narinig nyang sinagot ito. Ngunit hindi naman umalis sa may lamesa.
"Hello, Bro, bakit?" sagot nito.
"Ah nandito ako sa penthouse dito muna ako magpapagaling."
"May personal nurse ako" napataas ang kilay ko. Feeling ko kasi personal alalay ang dating ko dito dahil tagaluto at taga-asikaso din ako ng hudyo na to.
"Naku, oo bata pa pero mukha ng 42 dahil laging nakakunot noo" mabilis nyang nilingon ito at kita nya ang pagngisi nito sa kanya at pagkindat. Kumukulo na talaga ang dugo ko.
Mukhang dadalaw ang mga barkada nito dito base sa napag-usapan at binaba na nito ang tawag.
Ramdam nanaman nya ang titig nito kahit nakatalikod sya at muntik na ko mapaigtad sa gulat ng magsalita ito ulit.
"Ang sexy mo pala no, Unano? Kaya lang napagkaitan ka lang talaga ng height. Kahugis mo yung bote ng coke sakto" nilingon ko ito at tinaliman ng tingin
"Hindi ka talaga titigil? Gusto mo walang kainin ha, Shrek? Napupundi na ko sayo" angil ko dito. Inis na inis na talaga ko. Gusto ko na isaksak dito ang kutsilyo na nasa tabi ko.
"Pwede naman iba nalang kainin ko. Yun ay kung okay lang sayo?" at binigyan nanaman ako ng nakakalokong tingin at ngiti.
Sa inis ko ay binato ko dito ang dulong tangkay ng carrots at tinamaan ito sa braso pero tila balewala lang dito at tawa ng tawang tumakbo papunta sa sala.
"Huwag ka na mapundi, Unano! Hindi ka naman bumbilya" hirit nito. Ang korny talaga kahit kelan.
"Pag ako narindi sayo yang bumbilya mo sa baba ang pupundihin ko!" sigaw ko dito. Halos maglabasan na ang ugat sa leeg ko sa pagsigaw at sa inis.
Dinig ko ang halakhak nito at nang makahuma ay sumagot nanaman "Ohhhh exciting! Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kundi ikaw" kumanta pa ito ng sikat na kanta ng isang tv station.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ko habang umuusok ang ilong ko sa bwisit.