TUNOG ng doorbell ang nagpa-angat sa tingin ko mula sa libro na binabasa. Nagreresearch sya about erectile dysfunction na condition ngayon ni Light para alam nya ano ang kailangan na therapy na ia-apply nya para muling tumayo ito. Parang ang sarap subukan ng foreplay therapy. Napapalatak na lang sya at naiiling sa kahalayan na naiisip.
Tumayo sya at binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang tatlong adonis na talaga namang nakakalaglag ng panga at nakakabasa ng ari-arian! Pawang nakangiti ang mga ito at tila mga modelo ng toothpaste sa gaganda at pantay-pantay na mga ngipin. "Hi! Are you an angel?" untag ng isa sa kanya dahil tila napako na sya sa kanyang kinatatayuan habang halos tumulo ang laway nya sa kakisigan ng mga ito.
"Ahm..yes. Kicked out from the heaven kasi bawal ako dun"ganti ko sa tanong nito sabay ngiti.
"I like you. Maganda na may sense of humor pa." wika naman ng isa na kala mo aattend ng kasal at naka-suit pa. Matangkad ito, kulay abo ang mata at pak na pak ang jaw line. Daig pa naka-contour! Katamtaman ang kapal ng kilay at nakakaakit ang mga labi.
"Come in" wika ko at niluwagan ang pinto.
Pumasok ang tatlo at pinaupo ko na muna sa couch "What can I offer you guys? Coffee, juice or water?"
"Pwede bang ikaw nalang?" wika ng matangkad na chinito habang nakaplaster ang pilyong ngiti. Mukha namang harmless ang mga ito. Pero mga mukhang babaero.
"So gusto mo bang timplahin ko ang sarili ko?" pagsakay nya dito.
Malakas na tawanan ang binigay ng mga ito at napangiti na din sya.
Tumalikod na ko para kumuha ng maiinom nila at tatawagin ko na si Light na halos maghapon na sa loob ng study room sa dami ng trabaho na kailangan nito tapusin.
Matapos ko hatiran ng maiinom ang mga ito ay umakyat ako para puntahan si Light sa study room. Kita kong nakasubsob ito sa tambak ng papeles sa table nito. Mukha din itong pagod na pagod na base sa itsura nito. "Light, andyan na ang mga kaibigan mo" doon lang ito nag-angat ng tingin bago sumandal ito sa swivel chair nya at hinilot ang pagitan ng mata nito.
"Okay sige bababa na din ako" wika nito habang pinikit ang mata at hinihilot naman ang sentido. Lumabas ako ng walang sabi-sabi pero bumalik din na may dalang kape.
Kita ko ang gulat nito ng bumalik ako. Napatingin ito sa mukha ko at bumaba sa kamay ko na may tangan na kape. "Magkape ka. Tinapangan ko yan para kaya ka ipaglaban"
Saglit lang ang pagdaan ng gulat dito ngunit pagdaka ay biglang lumiwanag ang anyo nito at nginitian sya. "Ang sweet mo pala, Unano. Nakakawala ng pagod"
Inirapan nya lang ito sa tinuran "ano gusto mo kainin?" tanong ko.
"Ikaw" mabilis na sagot nito habang nakatitig sa kanya at dahan-dahang humihigop ng kape.
Pinukol ko ito ng nakakamatay na tingin habang pinaglapat ko ang mga labi "umayos-ayos ka Shrek. Baka ibuhos ko sayo yang kape na yan"
Mahina itong natawa bago muli nagsalita "what I mean is, ikaw na ang bahala. Ang dumi-dumi ng isip mo, Unano" tinaas taasan pa ko ng mga kilay. Sarap batuhin ng pinakamakapal na encyclopedia sa mukha!
Pagdaka ay bumaba na si Light at nagsimula na mag-ingay sa sala. Pumunta ako sa kanila at inilapag ang crackers at bread sa table.
"Dude, baka naman gusto mo kaming ipakilala sa anghel na kasama mo dito sa bahay. Kaya pala namihasa kang hindi pumasok sa opisina" tudyo ng chinito na lalaki.
Kita ko ang pagpukol ng masamang tingin ni Light dito pero tumayo at sinenyasan syang lumapit.
"Uhmm this is Sunny Cruz, my personal nurse. This is Jon, he's an engineer" turo ni Light sa lalaking matangkad na moreno na may dimples.
"This is Levy, he's a doctor" yung lalaking chinito na maputi. Mukhang sagana sa gluta.
"And this is Dreb, he's a lawyer" turo naman nito sa lalaking perfect ang jawline na naka-suit.
"I'm no longer a lawyer, Dude. Judge na ko ngayon" pagmamayabang nito.
"wow! Ambata mo para maging judge wag mo nga kami i-talkshit!" sinuntok pa sa braso ni Light si Dreb.
"G*go! Sadya lang talagang magaling at genius ako!" ganti naman nito.
Nag-inuman sila Light pagkatapos maghapunan at kasalukuyan na nasa sala. Nagpaalam ako na aakyat na, ang awkward naman kasi kung makikijoin ako sa kanila eh puro sila lalaki.
Pero mukhang napaglalaruan sya dahil ayaw sya dalawin ng antok at nagpabiling-biling lang sa higaan. Hanggang sa nakaramdam sya ng uhaw kaya nagpasya syang bumaba para kumuha ng tubig.
Tumingin sya sa orasan, pasado alas onse na ng gabi. Tila tahimik na sa baba baka nakauwi na ang bisita nito. Titignan na din nya baka may kailangan ligpitin sa baba.
Itinaas nya ang buhok pa-messy bun habang nakasuot ng maluwag na tshirt at nakapajama. Hindi na sya nag-abala pa na mag-ayos baka nga nakaplakda na ang mga ito sa kalasingan kung sakali man na andyan pa sila.
Pagbaba nya ay nagulat sya dahil andun pa nga ang mga ito pero tila seryoso na ang pinag-uusapan. Napatingin sakin si Levy at nagsabay-sabay ng tumingin sakin ang iba pa. Napadako ang mata ko kay Light na matiim ang titig sakin.
Anong problema nito? Bat ganyan ang tingin sakin?
"Angel, can you help us out here?" untag ni Dreb sa kanya ng lumabas sya mula sa kusina habang hawak ang baso ng tubig.
Maka-angel naman toh..sana binuo nalang nya na Angel Locsin baka natuwa pa ko. Char!
Lumapit sya sa mga ito at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi ni Light habang nakaharap samin ang tatlo. Nasa gitna si Dreb habang nasa magkabilang gilid nito sila Levy at Jon. "Anong meron?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
Nilingon ko si Light at umiling lang ito na nakataas ang labi. Wari bang sinasabi na pagbigyan nalang ang kabaliwan ng kaibigan nito.
"Dahil bagong Judge ako, kailangan ko mag-practice kung pano magkasal. Kasi may ikakasal ako bukas yung mga magpapa-civil wedding. Kaya kayo ang magpapanggap na bride and groom at ako ang magkakasal sa inyo kunwari." nagsalubong ang kilay ko matapos ang tinuran nito.
Grabe! Kakaiba din talaga ang trip ng mga toh.. Bagay nga silang magkakaibigan.. Mga malalakas ang sapak sa ulo.
"Tama na, Dude. Kaya mo na yan kahit walang practice. Paakyatin na natin si Sunny para makapagpahinga" napalingon ako kay Light. Sya ba talaga yun? Sinisigurado ko lang kung sya ba talaga yun. Baka nasapian. Juice colored! Sana huwag ng umalis ang nakasapi dito. Ambait bait eh!
"Kung ayaw mo Dude na magpanggap na groom ako nalang." prisinta ni Jon " Tapos talon ka na agad sa kiss the bride Dreb para hindi masyado nakakainip" ngumisi pa ito sa kanya at kumindat.
Binato naman agad ni Light ng karton ng pizza sa mukha ito at muntik na ito mahulog sa upuan. "Grabe! Ansakit naman nun Dude!" sigaw nito kay Light habang ang kumag naman ay halos hindi maipinta ang mukha at nakakuyom pa ang kamao. Nakangisi naman ang dalawa pa nitong kaibigan.
"Tama na yan. Mag-umpisa na tayo" wika ni Dreb.
At binigkas nga nito ang seremonya ng kasal pero gusto ko na matawa dahil tila lasing na nga ito. Parang may braces sya kung bumigkas ng salita tanda na may tama na talaga ito ng alak. Ang dalawa din ay mapupungay na ang mata at namumula. Nilingon ko si Light namumula na din ito habang nakasandal sa couch at nakapatong sa armrest ang kamay na may benda at hawak sa kabila ang bote ng beer na iniinom niya. Hindi sya tinitignan nito at straight lang na nakatingin kay Dreb at nakasalubong ang kilay
Napalingon ako pabalik kay Dreb sa sinabi nito "You may now kiss the bride"
"O Light, kiss the bride daw. Pag ayaw mo ako nalang, sabihin mo lang" si Jon pa din pero naka-alerto na sa gagawin ni Light.
Nilingon ko nanaman si Light. Kita ko ang pagtaas baba ng adam's apple nito. Ano? Kailangan pa pilitin? Kakainis kala mo naman lugi pa sya.
Tumikhim ako. Kailangan ko isalba ang sarili ko. Baka isipin nito gusto ko magpa halik. Kapal nito! Ang choosy! Galaiti ng isip nya.
"Ahmm kunwa-kunwarian lang naman diba? Baka pwede na---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil kumilos si Light at binitiwan ang bote ng beer sa table at mabilis syang hinapit ng walang benda nitong kamay palapit at inilapat ang labi sa noo nya. Oo sa noo. Uulitin ko pa ba? Char!
Nahawakan ko ang dibdib ko. Halos lumabas na kasi ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Pakiramdam ko ay aatakihin na ko sa puso. May hatid na kakaibang kuryente ang labi nito sa noo ko. Hays. Noo pa lang yan ang sarap na! Pano pa kaya pag sa lips na o sa ari-arian ko na?! s**t!