CHAPTER 4

1108 Words
MADAMI pang seremonyas ang ginawa namin. May pagpirma pa ng mga papel at nag-witness ang dalawang mokong na si Levy at at Jon. Pasado alas dos na ng magpaalam ang mga ito. Nag-alala pa nga ako at ayoko sana paalisin dahil mga lasing na ito pero sinundo naman sila ng driver ni Dreb at ihahatid sa mga bahay nila ang dalawa pa. Si Light naman ay bagsak na nakasandal sa couch. Niligpit ko muna ang kalat bago ko sya nilapitan para gisingin at makaakyat na sa kwarto nito. Tinapik ko ng marahan ang pisngi nito habang nakatunghay sa tila maamong tupa nitong mukha "Light, gising. Akyat na tayo sa kwarto para makahiga ka na ng ayos" "Uhhmmmm" ungol nito. Gumalaw lang ng konti pero nakapikit pa din. "Hoy, Shrek. Gising na muna" medyo nilakasan ko na ang tapik. "Uhhhhhhhhhhhmmmmmm" mahaba nitong ungol na may pagliyad pa. Isang malakas na tapik sa noo ang binigay ko dito "Makaungol ka dyan! Ginigising ka lang pero ungol mo para kang parating na sa rurok, pakshet ka!" inis nyang turan dito. Nakita ko ang maliit na ngisi na sumilay sa labi nito. "Mahalay ka talaga, Unano." paos na sagot nito at halatang lasing ang boses. Pumalatak lang sya at hinatak na ito patayo. Inilagay nya ang kaliwang kamay nito sa balikat nya at inalalayan paakyat ng kwarto. "Lintek ka. Napakabigat mo!" reklamo nya. Halos lumawit ang dila nya sa bigat nito akayin at nagpasuray-suray sila paakyat. Nang makapasok ng kwarto ay itinulak nya ito para mapahiga na sa kama. Ngunit nagulat sya ng pumulupot ang braso nito sa beywang nya kung kayat sabay silang bumagsak sa kama. Nasa ibabaw sya at nasa ilalim nya si Light "Tragis ka talaga, Shrek! Bitiwan mo nga ko!" gustong pamulahan ng mukha nya dahil ramdam nya ang bumbilya nitong pumipintig sa may puson nya. Ngumisi ito at hinigpitan pa ang hawak sa beywang nya habang nakapikit. Napatda sya ng bigla itong kumanta "Hanggang kailan, ako maghihitay na para bang wala ng papalit sayo! Nasan ka man, sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo, woh!" malakas na kanta nito habang nakapikit ang mga mata. Abnormal talaga. Itinukod ko ang kamay ko sa magkabilang gilid nito at pagdaka ay pinitik ang ilong nito. "Ouch!" pag-igik nito at agad napadilat pero mapungay ang mata "Songerist ka? Baliw ka talagang Ogre ka lalo na pag lasing!" sermon nya dito habang nakangiti. Nakakuha sya ng pagkakataon kaya dagli syang umalis sa pagkakadagan dito. Lumakad sya papunta sa closet para kumuha ng bimpo at mabilis na bumaba sa kusina para kumuha ng tubig sa planggana. Sinimulan nyang punasan ang mukha nito para mabawasan ang kalasingan. Habang pinupunasan nya ito ay hindi nya mapigil ang sarili na pagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Gusto nyang samantalahin ang pagkakataon na ganito sya kalapit sa binata at malayang matitigan ang gwapo nitong mukha. "Alam ko naman na malabo pa sa plastic labo na magustuhan mo ko" mahinang usal nya na sinabayang ng buntong hininga at mapait na ngiti. Tumayo na sya para hubarin ang tshirt nito. Pupunasan nya din ang katawan nito at amoy alak na din kasi ang damit nito. Halos pagpawisan sya ng tumambad sa paningin nya ang mamasel na dibdib nito at namumutok na abs. s**t! Pengeng kanin! Tila nanginginig ang kamay ko na nagumpisang dumampi sa katawan nya. Tinignan ko ang mukha ni Light at mukha naman na payapa itong natutulog. Dahil nakakahiya pag nakita nito na pinagnanasaan at pinagsasamantalahan ng mga mata ko ang katawan nya. Ilang ulit pa syang lumunok habang dinadampian ng bimpo ang katawan nito. Ano kayang pakiramdam na araw-araw nakakulong sa bisig nito? Hays, ano bang iniisip ko?! Nang matapos nyang damitan si Light ay tinitigan nya muli ang mukha nito habang nakaupo sya sa gilid ng kama nito. Hindi nya napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi nito. Napasinghap sya ng biglang tumaas ang kamay ni Light at hinawakan ang kamay nya na nasa pisngi nito. s**t! Nakakahiya! Pakiramdam nya ay nag-iinit ang pisngi nya sa hiya. Hahablutin na sana nya ang kamay nya ng nilagay nito pailalim sa pisngi ang kamay nya dahil nakatagilid ito paharap sakin. Naipit ang kamay ko sa pagitan ng pisngi nito at ng unan. Napapitlag ako ng magsalita ito "Ang init ng palad mo. Fertile ka ba?" wika nito habang nakapikit pa din ang mata pero bahagyang nakangiti. Marahas kong hinablot ang kamay ko at akmang tatayo ngunit mabilis ang kaliwang braso nito at nahuli ang beywang nya. Hinapit sya nito at napahiga sa tabi nito. Iniiwas nya din ang katawan nya dahil baka madaganan nya ang kamay nito na may pilay. "Ano ba Light! Bitawan mo nga ako! Yung pilay mo baka madaganan ko!" piksi nya dito. Nag-uumpisa na din magwala ang puso nya. "Please stay, Muffin. Let me cuddle you" mahina at paos ang boses na pagsusumamo nito. Inangat nya ang mukha para tignan to ngunit nakapikit lamang ang mga mata nito. Muffin? Sino yun? Kelan pa ko nagmukhang tinapay? Hindi nya magawang matuwa ng lubos dahil alam nya na hindi naman sya ang iniisip nito. Dala lang ng alak kaya baka iba ang nakikita nito. Napapitlag sya ng maramdaman ang masuyo nitong paghalik sa buhok nya. Halos nakaunan na kasi sya sa dibdib nito dahil iniiwasan nya na madaganan ang braso nito. "Cuddle with me, Muffin" halos paanas na wika nito. Naramdaman nya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Maya maya ay lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya sanhi para tingalain nya ito at tignan dahil baka nakatulog na ito. Pero nanlaki ang mata nya ng sumalubong ang labi nito at dumampi sa labi nya. Hindi sya nakakilos at napakurap kurap pa ang kanyang mata. Baka nananaginip lang sya! Pero hindi, totoo nga! Naramdaman nya na unti-unting gumalaw ang labi nito at salitang sinasakop ang baba at taas nyang labi. "Uhmmm" dinig nyang ungol ni Light. Namigat na din ang talukap ng mata nya at napapikit habang ninanamnam ang sarap ng halik nito at kakaibang kiliti sa kaibuturan nya na hindi nya mapangalanan. Maya-maya ay kusa din itong bumitaw sa halik. Tila ako biglang natauhan. s**t! Ang rupok mo ghorl! Lasing yan, baka nga hindi naman ikaw ang nasa isip nya habang hinahalikan ka. Sermon ng isip nya. Naramdaman muli nya ang higpit ng yakap nito at ang masuyong paghalik sa buhok nya. "Goodnight, Muffin". Hanggang naramdaman nya na lumalim na ang hinga nito tanda na tulog na ito. Namigat na din ang talukap ng mata nya dahil alas tres pasado na ng madaling at hindi namalayan na nakatulog na sya sa bisig ni Light.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD