CHAPTER 5

1001 Words
ISANG Linggo ang matulin na lumipas at ngayon ay maghahanda kami sa follow up check-up nya sa doktor. Maaari na kasi alisin ang benda ng kamay nya. Gusto ko din malaman kung nagimprove na din ang erectile dysfunction nya. Umakyat ako sa kwarto para gisingin na ito at makapag-almusal bago umalis. Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Kaya dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto nito. Nang mabuksan ko ay wala ito sa kwarto. Kunot noo akong pumasok at tinawag sya. "Light? Asan ka? Kumain ka muna ng breakfast". Sigaw ko dito. Mukhang nasa banyo ito dahil may naririnig syang kaluskos sa loob. Akmang paikot na ko palabas ng kwarto nito ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ito ng nakatapis lang ng tuwalya at may hawak na isa pang tuwalya sa kaliwang kamay hawak tumutulo pa sa katawan ang tubig. Naiwan sa ere ang kamay nito na may tuwalya at napatitig sa kanya. Napalunok ako at napaawang ang labi sa nakitang masarap na tanawin. s**t! Kitang-kita ang well-toned muscles nito hanggang dibdib at ang prominenteng abs nito. Bumaba pa ang tingin nya sa nababalutan ng tuwalya. Ang bumbilya! "Hoy, Unano!" sigaw nito sa kanya kaya't nagulat sya "Ayy bumbilya mo malaki!" napabulalas nyang wika. "Ano ba?! Bat ka ba sumisigaw?" angil nya dito Pumalatak ito. "Pinagnanasaan mo nanaman ako, Unano. At nakatingin ka pa sa bumbilya ko. Gusto mo ba pailawin?" nanunudyo ang mukha nito habang pinupunasan ng kaliwang kamay ang buhok nito ng tuwalya. Binigyan nya ito ng matalim na irap "Yabang yabang mo eh pundido naman yang bumbilya mo! Tsaka base sa view dito parang kasinlaki lang yan ng christmas lights. Hindi masaya!" ganti nyang pang-aasar dito. Nakita ko na nagdilim ang mukha nito at naglapat ang labi. Gusto man nya bawiin pero nasabi na nya. Nakita nya na papalapit ito sa gawi nya kaya kinabahan sya. Hindi sya nilulubayan ng tingin nito. Unti-unti naman syang umaatras. "Joke lang! Toh naman oh!" alanganin ang ngiti nya sabay peace sign. Pero tila napikon talaga ito at patuloy padin sa paglapit. Seryoso ang mukha nito. Nang makakita ng pagkakataon ay mabilis syang tumakbo palabas ng kwarto nito at dumiretso na sa kusina. Pagdating ng kusina ay habol nya ang hininga habang hawak ang dibdib nya. Napalunok sya at kinabog nanaman muli ang dibdib nya ng makita ito na pababa na ng hagdanan. Nakabihis na ito pero seryoso pa din ang mukha. Mukhang tinopak na ang impakto. Hinainan nya na lamang ito habang wala pa din imik pero mataman ang titig nito sa kanya. Ramdam nya ang nanunusok na titig nito. Pakiramdan nya kung nakakamatay ang titig kanina pa sya bumulagta. Nilagyan nya ng plato ito sa harap at sinandukan ng sinangag at itlog na maalat na may kamatis at bacon. "O kumain ka na" sabay tulak ng plato sa harap nito. Umupo ako sa harap nito at naglagay ng sarili kong plato. Nang akma na akong magsasandok ay napatingin ako kay Light dahil hindi pa din ito nag-uumpisa kumain. "Come here" maikling wika nito sa kanya. Nagtataka man ay binaba nya ang sandok at lumapit dito. "bakit ba? Ano pa inaantay mo pasko? Lalamig na yang pagkain mo" sermon ko dito at tumayo sa tabi nito. Seryoso pa din ang mukha nito. "Sit here" itinuro ang katabi nyang upuan. Kumunot ang noo ko "Bakit?" Inilapit nito ang plato sa kanya "Let's share" wika nito. Napaawang ang labi ko. Ano daw? "Ano nanaman ba yang trip mo, Shrek?" Mukhang bilog nanaman ang buwan. Umaatake nanaman ang kabaliwan nito. "Let's share in one plate, Unano. Huwag ka na maarte. Nagtitipid ako" sagot nito at nag-umpisa nang sumubo. San ba sya nagtitipid? Siraulo talaga. "parang sinasabi mo naman na dagdag gastos ako sayo. Sabihin mo nalang ng diretso para alam ko" may himig tampo sa boses nya. Ang sakit kaya nun! Harap-harapan pinapamukha sayo na liability ka at hindi asset! Tumingin ito sa kanya at ngumisi ng mapang-asar. "Ganun na nga" habang bumalik sa pagsubo ng pagkain. Maaninag ang lihim na ngisi nito. "Edi aalis na ko dito. Baka nakakahiya naman na sayo ano po?" maktol nya dito habang nagdadabog na dinagdagan ang laman ng plato nito. Nanggigigil talaga sya, gustong-gusto na nyang sungalngalin ang nguso nito. Mukhang kinakarir nito ang pambubwisit sa kanya dahil pati baso nya na may kape ay ininuman din nito kahit may sarili naman itong baso ng kape. "May sarili kang kape, Shrek. Bakit ba dito ka umiinom sa baso ko? Nang-iinis ka ba talaga?". "Eh gusto ko eh. This is my house so I can do what I want" sabay kindat sa kanya at ngisi. "Eh kung bangasan ko kaya yang mukha mo? Pag ako nabwisit sayo layasan talaga kita!" gigil nyang wika dito "Lagot ka naman kay Lola Mila" sabay labas ng dila para asarin sya lalo. Binigyan nya ito ng nakakamatay na irap pero tila balewala lang ito dito. Muntik pa syang mapatili ng hinatak nito ang upuan nya palapit "Hindi ka ba talaga titigil?" malapit na talaga magdilim ang paningin nya dito. Nakangisi nanaman ito ng nakakaloko "Ang layo mo kasi, mahirap kumain pag ganyan kalayo." "Dalian mo na dyan kumain. Malapit na ko mahighblood!" irap nya nalang dito para matapos na. Nginisihan lang sya nito ng mapang-asar. Nang makarating kami sa ospital ay sya nalang daw ang kakausap sa doktor kasama ang kaibigan na doktor na si Jon. Parang tanga lang, pano pa ko naging nurse at therapist nya kung ayaw ipaalam ang kondisyon nya sakin? Nakakabwisit talaga! Nakasimangot na umupo nalang sya sa waiting area habang hinihintay ito matapos makipagusap sa doktor. Nakahalukipkip nalang sya na kinalikot ang cellphone para libangin ang sarili. "Sun?" mula sa kung saan ay may tumawag sa pangalan nya. Agad naman sya nag-angat ng tingin mula sa pagkalikot sa cellphone. Nanlaki ang mata nya "Doc Gab?" wika nya na nakaturo pa ang daliri dito habang kinukumpirma kung sya ba talaga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD