"Long time no see. Sabi nila dito ka na nga daw nadestino sa Manila. Dito ka ba ngayon nagtatrabaho sa hospital na to?" tanong nito sa kanya at tumabi sa kanya sa upuan.
"Naku Doc hindi po. Sinamahan ko lang po ang patient ko sa follow-up checkup nya. Personal nurse and therapist po ako ngayon." nakangiti nyang sagot dito. Si Doc Gab ang crush ng halos lahat ng babae sa hospital nila sa probinsya dahil bukod sa napakagwapo at napakagaling na doktor nito ay napakabait pa at magiliw sa mga staff at mga pasyente.
"Oh I see. Any plans on working as a nurse or therapist again in the hospital? Sayang naman ang galing mo. To be honest, nalungkot ako nung nalaman ko na nagresigned ka na dun sa hospital sa province after I came back from the one-month medical mission sa bundok." nakatingin ito ng diretso sakin.
My gulay! Wag ganyan Doc! Parang may nag-habulan na daga sa loob ng tyan nya. Napalunok sya at kiming ngumiti. "Uhm.. Meron naman po Doc. Babalik po ako pag gumaling na yung patient ko." hindi na nya pinansin ang huling sinabi nito. Baka naman kasi nag-assume lang ako.
Ngumiti ito na abot hanggang mata. s**t! Napakagwapo nito sa clean cut na gupit na binagayan ng makinis at mamula-mula nitong kutis. May matangos na ilong na bumagay sa manipis at pinkish nitong labi at kulay brown na mata. Ang mga mata nito ay tila nakakahipnotismo at nakakatunaw pag tumitig.
"Wag mo na ko tawaging Doc. Call me Gab, Sun." hindi napapagkit ang tingin nito sakin. Nakaka-concious na.
"Okay, Gab" at nginitian nya ito.
Dinukot nito sa bulsa ang cellphone nito at inabot sa kanya "Can I have your number, Sun? Maybe I can invite you for a coffee minsan if you're not busy"
"Naku Doc -- este Gab. Baka nga ho ako pa ang makaistorbo sa inyo. I know you're a very busy man" isang ngiti ang binigay nya dito bago nahihiyang inabot ang cellphone nito at tinype ang numero nya.
"I will never be busy pagdating sayo, Sun." diretsang sagot nito. Pakiramdam nya nag-iinit ang pisngi nya.
Oh my gulay! Nagpapahaging ba ito? Mag-aassume na ba ko??? Sabagay, mukha naman wala ako pag-asa sa hinayupak na Shrek na yun. Samantalang etong si Doc Gab, gwapo na sweet pa!
"Naku sorry, Sun. Masyado ka yatang nabigla sa pinagsasabi ko. Pasensya ka na. Hindi ko na napigil ang sarili ko. Ayoko na din kasing palagpasin ang pagkakataon. Hindi mo alam gano ako kasaya na makita kita ulit" wika nito habang kumakamot sa ulo. Parang itong teenager na nagtatapat sa crush nya. Ang cute!
"So pano, Sun? Let's have coffee ha! Set natin na parehas free ang sched natin" wika nito matapos kong hindi makasagot dito. Shookt kasi ako Ghorl!
Ngumiti ako "Okay, Gab. Sure ---" hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil may nagsalita sa likuran nya
"Walang magco-coffee! Nakaka-palpitate yun" malakas na wika nito na kinalingon namin at ng ibang tao dun sa area.
Napapikit ako ng mariin para pawiin ang hiya na nararamdaman ko dahil sa pagiging eskandaloso ng impaktong Light at binigyan ko ito ng nakamamatay na tingin "Hinaan mo nga yang boses mo, Light! Nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga tao" saway ko dito
Madilim ang mukha nito at nagtatangis ang bagang "Bakit? Ano bang ginawa ko?" wika nito sabay halukipkip.
Bumuntong-hininga muna ako at tumayo na. Kahit hindi ko naiintindihan ang kinikilos nito ni Light. Hinarap ko si Doc Gab "Pasensya ka na, Gab. Mukhang naturukan ng maraming anesthesia ang alaga ko kaya nag-aamok nanaman." hinging paumanhin nya dito at binigyan ng alanganing ngiti.
Tumayo na din si Gab at ngumiti sa kanya "It's okay, Sun. Just let me know pag sinaktan ka nyang alaga mo. Ako mismo magtuturok ng anesthesia dyan. Take care and keep in touch. I'll go ahead, may schedule pa ko ng operation" ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay tinapunan ng masamang tingin si Light.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Tila nagsasalpukan ang mga matatalim na titig nila.
"Meron naman palang operasyon tatambay-tambay pa dito oras ng trabaho" pahabol na bulong nito sa Doctor na paalis. Pinipigilan naman ito ni Jon.
"Ano ba problema mo? Nakakahiya dun sa tao, para kang bata!" sermon nya dito ng makalayo na si Doc Gab.
Napakurap ako ng pumiksi ito sa pagkakahawak ni Jon at walang sabi-sabing naglakad palabas ng ospital. Nagkatinginan nalang kami ni Jon at nakita ko na iiling-iling lang ang kaibigan nito.
Nanggigigil ako! Sarap sakalin at isabit sa kisame! Kala mo tatay ko na nahuli akong nakikipagdate sa labas ng bahay kung maghuramentado!
Nakangiti naman itong nagsalita "Hayaan mo na muna sya huminga dun sa parking lot at singhutin lahat ng usok ng tambutso para mahimasmasan" biro pa nito at sabay sila nagtawanan.
"Nanliligaw ba sayo si Doc Gab?" nagulat sya sa biglaang tanong nito.
"Hindi naman." pa-deny effect nya pa kahit na malinaw naman ang pagpapahaging nito sa kanya kanina.
"Sabagay sa ganda mo naman kasing yan, walang hindi magkakagusto sayo, Angel. Kaya pag yang si Light ay hindi umayos at hindi ka inalagaan, ako unang bubugbog dyan." wika nito habang nakatingin sa mukha nya. Seryoso ang dating ng sinasabi nito pero nakangiti naman sya.
"Sira!" natatawang sagot nya dito.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Jon. "Hello" sagot nito sa kabilang linya.
"Eh bakit kasi may pa-walk out ka pang nalalaman?"
"Oo na. Maghintay ka" inis na wika nito bago pinatay ang tawag.
"Let's go, Angel" aya nito sa kanya at tumayo na.
"Naku huwag mo na ko ihatid, Jon. Magta-taxi na lang ako" wika nya. Nakakahiya naman kasi at abala pa dito ang paghatid sa kanya. Ang impaktong yun mukhang iniwan nalang ako basta dito. Napakawalanghiya! Nagngingitngit na wika ng isip nya.
"No, Angel. Nasa kotse si Light sa parking lot pinapahatid ka nya. Takot lang nun na iwan ka dito mag-isa" wika nito sabay ngiti at nilahad ang kamay para alalayan sya. Inabot nya ang kamay nito at hinawakan sya sa siko. Pinakiramdaman nya ang sarili nya. Walang kuryente o anumang nakakakilig na sensasyon syang naramdaman sa hawak at pagdaop ng palad nito. Samantalang kay Light titig palang nito parang gusto na nyang matunaw dahil nakakapanlambot ng tuhod kahit ang presensya palang nito.
Nakarating kami sa parking na hindi binibitawan ni Jon ang siko at kamay ko. Para kong isang kristal na hindi pwedeng matisod o madapa dahil mababasag.
Nakita ko si Light na nasa loob ng kotse at halos magpalitan na ng pwesto ang kilay nito sa sobrang pagsasalubong. Tila lalo nagdilim ang awra ng mukha nito ng makita kami ni Jon.
Bat ba tila G na G ito sakin? Wala naman akong ginagawa sa kanya! Parang timang!
Agad itong umibis ng kotse ng papalapit na kami. Kita ko ang pagtiim-bagang nito habang nakatingin samin ni Jon at nagsasalit ang tingin sa mukha ko, sa mukha ni Jon at sa kamay nitong nakaalalay sakin.
Walang sabi-sabing inagaw nito ang braso ko sa pagkakahawak ni Jon. "Easy, Man! Kaibigan mo ko oh" tudyo nito sa kaibigan habang nakataas ang mga kamay. Hindi pa din maipinta ang mukha ni Light.
Hinila sya nito paikot sa passenger's seat at marahas na sinara ang pinto matapos nya makapasok. May sinabi pa ito kay Jon na kinangisi at kina-iling ng kaibigan habang seryoso pa din ang mukha ni Light na umibis sa kotse.
Wala kaming imikan habang nasa byahe at puro buntong-hininga lang ng impaktong to ang naririnig ko. Tinuon ko lang ang tingin ko sa labas ng bintana at panaka-naka ay napapalingon ako dito dahil sa mahinang pagmumura nito. Hinayaan na lang nya ito dahil baka nga may pinagdadaanan ito.