Nang makarating ng parking ng penthouse ay mabilis itong lumabas ng kotse at walang lingon-likod na naglakad na papasok ng building. Hindi man lang sya ipinagbukas o hinintay man lang. Grrrr!
Maghapon nagmukmok sa kwarto si Shrek. Aminin man nya o hindi ay nag-aalala sya dito ngunit ayaw naman nyang katukin ito sa kwarto baka mas lalo lang magalit. Hindi ito nagtanghalian at hindi nya alam kung kakain ba ito ng hapunan. Hunger strike ang peg?
Kinahapunan ay napagpasyahan nyang maligo muna pagkatapos ay magluluto ng hapunan nila. Atleast kung magutom man ito ay may makakain sya.
Kasalukuyan akong nagsasalansan ng mga rekado ng lulutuin ng mapapitlag ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ni Shrek. s**t! Ilang oras ko lang hindi nakita pero grabe pagkasabik ko na makita ulit ang nakakabwisit nitong mukha. Adik lang diba?
Nagpanggap sya na hindi ito napansin at nagpatuloy sa ginagawa. Inayos nya ang mga lulutuin sa lababo at nagpasya ng magumpisa. Akmang pipihit na sya paharap sa lamesa para kunin ang pansahog ngunit di nya inaasahan na nasa likod na pala nya si Light at mataman na nakatunghay sa kanya.
Sobrang lapit nito at amoy na amoy nya ang sabon na gamit nito dahil tila bagong paligo din ito. Nakasuot ito ng puting tshirt at board shorts. Napalunok ako sa kakaibang pakiramdam na lumulukob sakin sa pagkakalapit ng katawan nito sakin. "Anong ginagawa mo dito, Shrek? Umalis ka muna magluluto ako" kunwari ay pagtataray ko para pagtakpan ang panginginig ng tuhod ko dahil sa presensya nito. Ramdam ko din ang init na nagmumula sa katawan nito.
"Nagugutom ako, Unano" mahinang sambit nito habang nakatitig sa mukha nya. Wala na syang maatrasan dahil lababo na ang nasa likod nya habang ang katawan naman nito na gahibla nalang ang layo sa kanya ang nasa harapan nya.
"U-umupo ka na sa lamesa, hahainan kita" halos mautal sya sa sobrang rigodon ng dibdib nya. Ramdam nya na pumapaypay na din kasi ang hininga nito sa mukha nya sa sobrang lapit nito.
"No. I'll get it myself" halos paanas na sambit nito. At nanlaki ang mata nya ng hapitin sya nito sa beywang at walang babalang inangkin ang mga labi nya. Sa una ay dampi lang ang halik nito ngunit ng lumaon ay unti-unti na itong lumalim at naging mapusok. Hindi nya namalayan na naikawit na nya ang kanyang mga braso sa leeg nito at tinutugon ang halik nito.
Naghiwalay ang mga labi nila na kapwa habol ang hininga. "Your lips are the sweetest, Unano. Nakakabusog" bulong nito. "Pero sa susunod na galitin mo ko pasensyahan tayo dahil mamamaga ang mga labi mo sakin. Paparusahan kita" hindi nya malaman ang mararamdaman kung kikiligin ba o kikilabutan lalo pa ng dumampi ang labi nito sa tenga nya ng bumulong ito. Pwede bang both na lang? Sabay na kilabot at kilig?
Pashnea! Pag ganito lahat ng parusa parang gusto ko nalang araw-araw magkasala! Char! Ang landi ko sa part na yon.
Akma syang muling hahalikan nito ng sabay sila mapatigil sa nag-doorbell. "Shrek, may tao sa labas" untag ko dito dahil hindi pa din kasi ito kumikilos at mahigpit pa din ang pagkakahapit sa kanya.
"Baka nagkamali lang yung nag-doorbell" sagot nito habang walang pagkit pa rin ang pagtitig nito sa mukha ko. Muli ako nitong hinapit at mabilis na sinakop ang mga labi ko pero muli kaming natigilan sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Tila ba naiinip na kung sino man ang nasa labas.
Tinulak ko ito ng marahan para magkaron kami ng pagitan. Dinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nito na tila ba naiinis sa kung sino man ang nagdo-doorbell na iyon.
Mabilis akong naglakad papunta sa pintuan pero pakiramdam ko ulap ang nilalakaran ko. Tila hindi sumasayad ang mga paa ko sa sahig. Multo lang? s**t! Ang first kiss ko! Ayy hindi pala dahil nag-kiss na din kami nung nalasing ito. Pero iba ngayon dahil hindi sya lasing.
Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko at namamanhid ang mga labi ko. Ang sarap at ang lambot ng labi ng Shrek na yun. Nakakainis!
"Ako na magbubukas, Unano" nagulat sya dahil nauna na maglakad papunta sa pintuan si Light. Shocks! Ang bagal ko ba maglakad masyado? Kakahiya! Baka isipin nito masyado akong apektado sa halik nya! Bakit? Hindi nga ba?? Pang-uusig ng isip nya.
Tila ako baliw na nag-aaway ang isipan. Konti nalang baka sa mental na ang bagsak ko nito. Naiiling nalang sya.
Nang buksan ni Light ang pinto ay bumungad samin ang Lola ni Light na si Dona Mila at Lola ni Jent na si Lola Edel. Ang alam ko ay super best of friends ang dalawang matandang ito. Nakakainggit ang closeness at friendship nila na naalagaan talaga nila ng matagal na panahon.
"Apo! Kamusta kayo dito ni Sunny?" nakangiting mukha ni Dona Mila ang bumungad samin.
Nagmano ito sa dalawang matanda gayundin ako. Ngunit kita ko ang paglamukot ng mukha ni Light sa Lola nito. "Bakit ho andito kayo, Lola? Nakakaistorbo ho kayo sa pagpapahinga namin"
Parang gusto kong sipain sa bumbilya nito si Light sa lumalabas sa bibig nito. Walang pakundangan! Pero napawi din ang inis ko ng makita kong binatukan nito si Light dahil sa sinabi nito.
"Wag mo ko sasagut-sagutin ng ganyan na bata ka. Lola mo ko! Ano? Hindi mo ba kami papapasukin? O ikaw ang papalayasin ko dito sa penthouse?" pagbabanta nito sa apo.
Gusto kong matawa sa mga ito. Oh loko! Tiklop ka naman pala kay Dona Mila. Pagbubunyi ng isip nya.
"Sunny, iha kamusta ka dito? Hindi ka naman ba pinapahirapan nitong apo ko? Napagaling mo na ba ang sakit ng imbalido na yan?" nagulat sya sa huling tinuran ng matanda. Pero nakangiti naman ito sa kanya. Hindi nya alam kung ano ba ang tamang isagot dito.
"Okay naman po ako dito, Dona Mila. Maayos naman na po ang kamay nya ngayon at wala na pong benda tinanggal na po kanina"
"Naku, iha Lola Mila nalang itawag mo sakin gayundin dito kay Edel ay tawagin mo din na Lola. Nakakabata para sa amin ang tawagin na Lola. Hindi ba Edel?" baling nito sa kaibigan.
"Oo nga naman Iha. Tawagin mo akong Lola Edel. Pakiramdam ko nga ay bumata ako ng sampung taon lalo ngayong lalabas na ang triplets na Del Fuego, Mila" wika nito na nagniningning ang mga mata. Nilingon ko si Light para tignan ang reaksyon nito ng mabanggit si Jent na buntis sa triplets nila ng Kuya Lithe nito.
Kita ko ang paglapat ng labi nito. Hindi ko mabasa ang emosyon nito pero alam ko na nasasaktan ito. Pero bakit ganun? Nasasaktan din ako sa isipin na mahal pa din nito si Jent kahit wala na itong pagasa na magkatuluyan sila. Pakiramdam nya ay nag-iinit ang mata nya kaya mabilis nyang pinalis ang isipin na iyon. Nakakahiya naman kila Lola.
"So Apo, mabibigyan mo naman din ako ng dagdag na apo hindi ba?" diretsang wika ni Lola Mila kay Light. Tila ito nasamid sa sinabi ng abuela
"Ano ba yang tanong mo na yan, Lola!" angil nito sa Lola nya na kinatawa naman ng dalawang matanda.
"Ikaw kasi hindi ka nag-iingat! Hindi pwedeng wala kang maiambag na anak sa angkan natin. Tapatan mo ang triplets ng kuya mo, huwag ka papatalo. Tandaan mo isa kang Del Fuego!" wika nito habang sumusuntok suntok sa hangin at chini-cheer ang apo.
Naiiling nalang si Light sa katabilan ng Lola nito. Kita ko ang pamumula ng tenga nito tanda na nagpipigil ito ng inis o pagkapahiya. Tumayo na ko at magalang na nagsalita "Lola, excuse lang po at ipagpatuloy ko lang po ang pagluluto para makakain na po tayo ng hapunan" paalam ko sa mga ito.
"Naku, sige lang iha. Tapos mamaya ay magkwentuhan tayo habang umiinom ng masarap na tsaa" wika nito na tumingin pa sa katabing matanda at nagngitian. Tila nag-uusap ang mga mata nila.