CHAPTER 8

1486 Words
NANG matapos ang masaya at masarap na hapunan na kasama ang dalawang matanda ay nag-stay pa ang mga ito para daw makakwentuhan kami ni Light. Bago yun ay nagpaalam ang dalawa na iikot lang saglit sa mga kwarto para tignan kung may kailangan ipa-renovate. Isa-isa nilang pinasok ang master's bedroom na kasalukuyang kwarto ni Light, sunod ay ang guest room na kwarto ko at ang huli ay ang study room. Nang matapos sa pag-iikot ang dalawang matanda ay naupo sila sa sala at nanuod ng paborito nilang Kdrama. Naiiling nalang kami ni Light sa napaka-cute na mga kilos ng mga ito. Tila mga teenager ang mga ito na kinikilig sa bidang lalaki. May mga korean words pa na alam ang mga ito at sabay silang magtatawanan pagkatapos. Sana pag tumanda ako ay ganun din ako kasaya kagaya ng mga ito. Tahimik na usal ko habang nakangiting nakatunghay sa mga ito. Sumapit na ang alas nueve at kasalukuyan na nasa kusina ang dalawang matanda. Nagprisinta kasi ang mga ito na sila na ang magtitimpla ng tsaa para sa amin bago man lang sila umuwi. Si Light ay nakaupo sa sofa habang nakasubsob sa laptop at nakasalubong ang kilay. Napabuntong-hininga na lang ako "Ang lalim naman ng buntong-hininga mo, Unano. Kulang nalang mahigop mo ko hanggang dito" Napatingin ako dito. Nagsalita ito ng hindi man lang sya nililingon pero may nakapaskil na mapang-asar na ngiti. "huwag mo ko umpisahan, baka gusto mong mabalik ang benda ng kamay mo" banta ko dito. At sya namang labas ng dalawang matanda bitbit ang apat na tasa ng tsaa "O mga apo, halika at tikman ninyo itong tsaa na ito. Organic daw ito at maganda sa katawan. Pampalakas ng tuhod" mahiwagang sambit ni Lola Mila habang nakapaskil sa mga labi ang ngiti. Inilapag ni Lola ang apat na tasa sa glass table sa sala. Akma ko silang tutulungan na i-serve ang tsaa ng pinigilan ako ni Lola Edel. "Kami na ang mag-aabot, Apo. Maupo ka na sa sofa." nakangiting wika nito. "Lola, gumagabi na hindi pa ba kayo uuwi?" iritadong tanong ni Light. Sinara na nito ang laptop at hinarap ang mga lola nito. Tinapunan sya mg masamang tingin ni Lola Mila "Bakit mo ba kami tinataboy? Mamaya makakapagsolo na kayo pero huwag mo kami mamadaliin. Isa pang pagtataboy mo mababatukan nanaman kita" angil nito sa apo. Iniabot ni Lola Edel sakin ang baso ng umuusok na tsaa at si Lola Mila naman ay inabot kay Light ang baso ng tsaa. Inamoy ko ito at may kakaiba akong naamoy pero mabango naman ito. Mukhang organic nga at pure ang tsaa. Dahan-dahan akong sumimsim at naramdaman ang pagguhit nito sa aking lalamunan. "Masarap po ang tsaa na ito Lola. Saan nyo po ito nabili?" wika ko. Medyo matapang ang lasa nito kesa sa karaniwang tsaa pero masarap naman. "In-order namin yan online. Medyo na-delay pa nga ang pagdeliver kahit naka-rush delivery. Buti nalang gwapo ang rider kaya hindi na ko nagreklamo at 5 star pa din ang rating ko sa shop nila" napangiti ako. Ito ang isa pa sa gusto ko sa mga ito. Tila ito mga kaedad lamang namin kung kumilos at magsalita. Nang nakalagpas kalahati na ko ng nainom na tsaa ay tila parang biglang uminit ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang dalawang lola at kaswal naman na nagkukwentuhan ang mga ito. Hindi pa naman summer pero parang biglang parang pakiramdam ko ay nakabilad ako sa araw. Nilagok ko ang natitirang tsaa, nagsimula na din kasi akong parang mauhaw. Naisip ko baka uminit pakiramdam ko dahil sa mainit na tsaa na hinigop ko. Napadako ang tingin ko kay Light, kumunot ang noo ko dahil nakita ko na tila numumuo na din ang pawis nito sa noo. Napaisip ako na baka ganun ang epekto ng tsaa na ininom namin. Pero sa itsura naman ng dalawang matanda ay normal naman at tila hindi naiinitan. Nang maubos ang tsaa ay dali-dali na nagpaalam na ang mga ito na uuwi na. "Uuwi na kami, bigla akong inantok na. Ikaw ba Edel?" wika ni Lola Mila na sinabayan pa ng paghikab. "Oo nga. Umuwi na tayo, Mila" yaya naman nito. Agad akong tumayo para ihatid ang mga ito pero tila ako nakaramdam ng kakaiba. Parang pakiramdam ko ay nakatapat ako sa kalan sa init. Tumayo na din si Light pero mas butil-butil ang pawis nito. Itsura nito ay parang nag-LBM at malapit na ma-dehydrate! Nang makarating sa pinto ay nagmano kami sa dalawa. Ihahatid sana namin hanggang sa parking pero tumanggi na ang mga ito. Naging kakaiba ang kilos nila at kita ko ang ngiti sa kanilang labi na hindi ko maexplain kung para saan. "Light, galingan mo ah?" wika pa ni Lola Mila sa apo na kinakunot ng noo nito. "Ano nanamang kalokohan yan, Lola?" angil nito pero tinawanan lang sya nito at tinapik ang balikat ni Light sabay baling sa kanya. "Sunny Iha, aalis na kami. Masaya ako na may mapupunlaan nanaman ang angkan namin" pahabol na sambit nito na hindi nya maunawan ang ibig sabihin. Ngumiti nalang sya at sinalubong ang yakap nito. Nang maipinid namin ang pinto ay may "click" na tunog kaming narinig mula sa labas. Pero hindi na namin pinansin at tuluyang pumasok sa sala. Kita ko si Light na bigla nalang hinubad ang tshirt nito kung kaya't napaiwas ako ng tingin. "Unano, anong nararamdaman mo? Ako kasi pakiramdam ko sinisilaban ako sa init matapos kong inumin yung tsaa!" tila naiirita nitong wika at pinapaypay ang tshirt sa mukha nito. Kita ko din na namumula ang leeg nito pati ang tenga. "Ganun din, pakiramdam ko nakabilad ako sa araw" mataman itong nakatingin sakin. Tila may kung ano na pinipigilan. Agad akong tumalikod at tinungo ang kusina para ikuha ito ng malamig na tubig. Nang makabalik ako ay hindi na maipinta ang mukha nito. Biglang nag-ring ang cellphone nito at dagli din na sinagot. Nagulat ako ng biglang marahas na tumayo si Light at malakas na sumigaw habang nakadikit pa din sa tenga ang cellphone nito. "Ano??? Lola anong kalokohan to???" sigaw muli nito. Kita ko ang butil butil na pawis na naglalandas sa nakahubad na katawan nito gayundin ang panaka-nakang paggalaw ng muscles ng dibdib nito habang nakalagay sa beywang nito ang isang kamay. Takang-taka sya sa mga sinasabi ni Light dahil hindi naman nya naririnig ang sinasabi ni Lola Mila sa kabilang linya. Nang maibaba nito ang telepono ay para na itong sasabog na bumbilya! "Bakit, Light?" untag ko dito. Kita ko ang pagtaas baba ng adam's apple nito. "They gave us Aphrodisiac and they locked the door from outside" wika nito sabay pikit ng mariin. Naglakad ito paakyat sa kwarto nito na tila aburido habang naiwan syang nakamaang. Ano daw? Bakit? Anong trip ng dalawang matanda na yun? Gulong-gulo sya. Napalingon ako ng marinig kong nagmura si Light "F*ck!" Agad kong dinaluhan ito at tumungo sa kwarto nito habang iniikot-ikot ang doorknob "Bakit?" kita ko ang magkahalong inis at dismaya sa mukha nito. "All our knob locks were broken, too." wika nito habang mabilis din nitong tinungo ang kwarto ko at ang library pero lahat ay sira ang lock. Pati lock ng cr ay hindi ng mga ito pinalagpas. Nakakunot ang noo ko. Hindi makapaniwala na ang dalawang matanda ang may gawa "Pano nila nagawa yun? Mga akyat bahay ba sila dati?" mahinang pagkausap ko sa sarili ko. Sa edad kasi nila tila mahirap paniwalaan ang mga kalokohang pinaggagagawa nila. Naiiling nalang ako. Una, pinainom kami ng tsaa na pampataas ng s*x drive, ngayon sinira naman nila ang locks sa loob ng penthouse pwera sa main door na naka-lock naman sa labas. Hindi ko alam kung matatawa ba ko, maiinis, maiiyak o mae-excite. Teka? Bakit may excite na part? s**t ka! Wag mo muna pairalin ang kahalayan mo! Suweto ng isip nya. Tinignan ko si Light "I think you better go take a shower para kumalma ka." mahinahon kong wika dito. Kita ko ang pagkabanas sa mukha nito. Nilingon ako ni Shrek at napalunok nanaman ako, hindi ko na mawari kung epekto lang ba ng tsaa ito o sadyang mahalay lang ako dahil napadako ang mata ko sa labi nito at mula sa labi ay bumaba ang tingin ko sa dibdib nito na nangingintab sa pawis. Hanggang sa hindi pa nagpaawat ang makasalanan kong mata at bumaba pa sa bumbilya nito na nakaumbok. Napalunok ako sa tanawin na iyon pero agad ding ipinilig ang aking ulo para ipunin ang tino na meron ako. Nag-uumpisa nanaman kasi mag-init ng sobra ang katawan ko. Mabilis akong tumalikod at naglakad na din papunta sa silid ko at planong ibabad ang sarili ko sa pinakamalamig na tubig. Tapos kakanta ako ng "Let it go! Let it go! The cold never bothered me anyway." Char!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD