Chapter 1: Misyon
"Sino ang pwedeng mag-undercover para maging nanay at magmanman?" tanong ng Commander ng unit nila. Kasalukuyan silang nasa conference para sa deployment ng mga agents sa misyon nila.
"Si Viel, Commander." Turo ng isa pang agent sa kanya.
"Kapag nanay ako talaga agad, Reyes?" angil na turan niya sa kasamahan at mahinang binatukan. Libangan talaga nito ang asarin siya pero pagdating sa misyon ay talagang maaasahan niya ito.
Tumawa ito ngunit sabay din silang napabaling sa commander nila ng magsalita ito.
"Agent Viel, ikaw ang mag-undercover as baby sitter sa pamangkin ni Montecillo." Tumango siya at lihim na napangiti. Matalik na kaibigan ng kapatid niya ang Commander nila kung kaya't alam nito kung ano ang pakay niya bilang agent.
"Commander, hindi ba masyadong delikado para kay agent Viel ang misyon na iyon?" singit na turan ni agent Leon Reyes.
"Wala ka yatang tiwala sa beauty ko, Reyes?" pabirong sambit niya rito.
"Sa beauty mo meron, sa bilbil mo wala!" ganting biro nito. Leon has been very protective of her eversince she started working as an agent. Lagi nitong sinasabi na ginagawa nito iyon para sa kuya niyang namayapa. Mapang-asar lang ito but she can feel he really do care for her like a brother.
"At ano naman ang kinalaman ng bilbil ko sa kaso, aber?" Nameywang pa siya at nakataas ang noo.
"Mahihirapan ka lang kapag nagtakbuhan na sila. Panigurado hihingalin ka lang!" Pagpapatuloy nito sa pang-aasar sa kanya. Dinampot niya ang stapler sa harapan at binato rito na mabilis naman nitong nasalo habang tumatawa.
"Kapal mo, Reyes! Para sabihin ko sa 'yo marathoner 'to no!" sambit niya habang tinuturo ang sarili at nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong.
"Marathoner saan?" Tumaas-taas pa ang kilay nito.
"Papunta sa kusina! Happy???" gigil na sambit niya habang nagmumwestra pa ng pag-thumbs up. Sabay din nagtawanan ang iba pa nilang kasamahan. Sanay na rin ang mga ito sa kanilang dalawa ni Reyes. Hindi buo ang araw nila na walang bwisitan at asaran.
"Viel, follow me in my office. I have something to discuss to you about the Montecillo's case," wika ng commander nila na pumukaw sa atensyon nila. Tumango siya at sumunod na rito. Nilingon saglit si Leon at nginisihan.
"Viel, this case is high profile. Masyado ring delikado. Are you really sure about this?" wika ni Commander Jonas Riego.
"Yes Commander. Thank you for the opportunity," sambit niya habang nakangiti.
"We will be monitoring you 24/7. Any development with the case should be reported directly to me. And may I remind you, Viel. TRUST NO ONE." Mahigpit na bilin nito.
"Affirmative, Commander!" tugon niya kasabay ng pagsaludo.
"Umupo ka muna, Viel. Bibigyan kita ng background ng mga Montecillo." Itinuro nito ang upuan sa harap ng lamesa nito at agad naman siyang tumalima.
"Ford Montecillo's brother died on a planecrash kasama ng asawa nito. Naiwan sa kanya ang pangangalaga sa dalawang pamangkin na isang six years old at ang bunso ay 7 months old," panimula nito.
Bigla ang paglukob ng awa sa kalooban niya. Alam niya ang pakiramdam na maagang mawalan ng magulang. Kaya ang kuya niya ang mag-isang nagtaguyod sa kanya. Ito ang tumayong nanay at tatay niya kahit na alam niya na maging ang kuya niya na sa murang edad ay nangangailangan din ng pag-aaruga ng magulang.
Silang dalawa ang naging magkakampi at magkasangga. Kaya ang maaga nitong pagkawala ay sobrang naging mahirap para sa kanya idagdag pa na sa masakit na paraan pa ito namatay.
"Now, Ford and the kid's lives are also in danger. Someone wants them dead. The whole Montecillo clan. Wala pang lead sa kaso that's why magiging double ang purpose ng pag-undercover mo."
Pakiramdam niya habang tumatagal ang discussion nila sa kaso ay mas lalo itong nagiging kumplikado.
"Got more questions, agent?" Nakita kasi nito ang panandalian niyang pagkatulala habang pinoproseso ang sinasabi nito.
"Uhm, pwede mag-backout? Joke!" Sabay nag-peace sign at ngumisi.
"Hay naku, Viel! Seryosohin mo ang misyon mo. Buhay mo ang nakataya rito. I know Vlad will hate me kapag may nangyari sa 'yo!" Sermon nito sa kanya.
Lumabi siya sabay ngiti rito ngunit hindi umabot sa mga mata niya. "I know kuya is really very happy that you are helping me give justice on his death, Commander. And I really am very grateful sa lahat ng ginagawa mo para sa kaso."
Bumuntong-hininga ito at tumayo mula sa swivel chair at naupo sa katapat na silya sa harap niya. "Tinutupad ko lang ang ipinangako ko sa puntod ng kapatid mo, Viel. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. He saved my life many times, kaya masakit sa akin na hindi ko ito nagawa sa kanya ng siya ang nasa bingit ng kamatayan," gumaralgal ang boses na turan nito at kumuyom ang kamao.
Umiling siya." What you're doing right now is more than enough, Commander." Tinapik niya ang braso nito.
Umahon ito mula sa pagkakaupo at may kinuhang folder sa lamesa nito.
"Here is the profile of Ford Damien Montecillo and other information about the case." Inabot nito ang isang folder sa kanya. "At ito naman ang information about sa magiging identity mo bilang undercover babysitter sa mga Montecillo." Sabay abot ng isa pang folder.
Unan niyang binuklat ang folder na may lamang ng information ng mga Montecillo. Bumulaga sa kanya ang isang litrato ng lalaki na tila nakakahipnotismo ang awra lalo na ang mga mata nito.
"Ford Damien Montecillo," mahinang sambit niya sa pangalan nito. May tila kakaiba siyang nararamdaman sa pagkakabanggit ng pangalan nito.
Sunod na inilipat niya ang pahina at nakita ang litrato ng dalawang cute na mga bata. Ito marahil ang mga magiging alaga niya. Ang batang lalaki na anim na taon ay mukhang pilyo nga talaga base sa itsura nito na may kakaibang ngiti. Tila nakita na niya sa kung saan ang mga ngiti na iyon. Ang bunso naman na babae ay nakangiti sa litrato. Muli siyang naawa sa mga bata dahil sa maagang pagkaulila.
"Viel, isa pa pala. Kindly be prepared," wika ni Commander Riego na nagpakunot sa noo niya.
"Prepared saan?"
"Ford is a heartless man. Huwag mo lang sukuan agad ang misyon."
Ngumiti siya. "Sanay ako makasalamuha ng mga walang puso at kaluluwa, Commander. Huwag ka mag-alala. Kilala mo 'ko. Wala akong inumpisahan na hindi ko tinatapos," puno ng kumpiyansa na turan niya.
"And please don't fall in love with that man," sambit nito nagpaawang sa mga labi niya.