Chapter 2: Habulan

1206 Words
Kasalukuyan siyang nasa harapan na ng mansiyon ng mga Montecillo. Bitbit ang isang travelling bag at isang backpack. Nakatunghay siya sa napakarangyang mansiyon. Nakasuot siya ng faded skinny jeans, sneakers at t-shirt na puti. Kita ang kurba ng kanyang katawan. Nabiyayaan siya ng malaking balakang, mala-nicki minaj na pwet at malusog na future. "May hinahanap ka ba, Hija?" Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya ang isang may edad na babae na sa tantiya niya ay nasa singkwenta na ang edad. Tila galing ito sa palengke dahil may bitbit itong bayong na puno ng pinamili. "Magandang araw ho. Ito na po ba ang mansiyon ng mga Montecillo? Ako ho ang pinadala ng agency para maging babysitter," magalang niyang wika. "Aruyy, ikaw bang bata ka ay hindi marunong bumasa?" Sumingkit pa ang mga mata nito at ibinaba sa ilong ang suot na salamin at tinignan siya. Itinuro nito ang arko na may nakalagay na Montecillo. Napakurap siya. Hindi niya inasahan ang pambabasag nito sa kanya. Pwede naman sabihin kung oo o hindi lang kaya bumangon ang inis niya. "Okay lang kayang pumatol sa matanda today?" mahinang bulong niya. "Ano kamo, Hija?" Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Pilit siyang ngumiti rito at umiling. "Ay wala ho. Ang sabi ko po ay pasensiya na hindi ko ho nakita ang arko," sagot niya sabay paskil ng matamis na ngiti. "Ang sabi mo ay ikaw ang bagong babysitter hane?" muling tanong nito. Tignan mo 'to, lakas ng loob mambasag eh siya rin naman ay bingi. Paulit-ulit? "Oho," maiksing tugon niya. "O siya, tayo ay pumasok na." Pag-aya nito sa kanya. "Tulungan ko na po kayo." "Ay mabuti naman at naisipan mo iyan. Heto ikaw na ang magbitbit at ako ay nangangalay na talaga, buti ikaw bukod sa bata pa ay malusog ang iyong katawan," pambabasag pa muli nito sa kanya habang pinipisil ang braso. "Lord! Wala pa 'kong kalahating oras pero parang gusto ko na umatras. Nagdidilim ang paningin ko!" Ngitngit ng loob niya. "Tara na ho. Hanggat nakakakilala pa ho ako," Naniningkit na ang mga mata niya at pinipigil ang ngitngit ng mga ngipin. "Ikaw ba ay malinis ang record, Hija? Nakuu, mahirap na makapagpapasok ng masamang loob dito sa mansiyon," wika nito habang naglalakad sila papasok. Gustong-gusto niyang tapunan ng masamang tingin ito pero pilit pa rin pinapakalma ang sarili. "Opo malinis po ang record ko. Pero ngayon hindi po ako sure kung kaya ko pa i-maintain." "Nana Aida!" Kapwa sila napalingon sa humahangos na babae na palapit sa kanila. "Ano at humahangos ka, Tetay? Bakit?" usisa nito. "Nana, hindi na kinakaya ng powers ko ang kakulitan ni Klein! Maaga puputi lahat ng buhok ko! Nakakabawas ng ganda!" gigil na gigil na sambit nito. "Bakit nga? Sandali ko lang pinabantayan sa iyo ang mga bata para ka ng tinakasan ng bait diyan," sermon nito sa babaeng tinawag na Tetay. Sa palagay niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila. Mukhang kikay ito at plakado ang mga kilay. Kumikintab din ang nguso nito sa lipgloss at baka mahiya pati ang clown sa blush on nito. "Naku Nana, ang pangit ka-bonding ng batang iyon! Napaka-salbahe!" "Hoy, ang bunganga mo, Tetay! Marinig ka ni Ford malalagot tayo pareho." Lumabi ito at inikot-ikot ang buhok at wala sa loob na napabaling sa kanya. "Sino po siya, Nana?" tanong nito. "Ay oo nga pala. Dahil sa kakangawa mo riyan nakalimutan ko na itong si--- ano nga ang pangalan mo?" tanong nito sa kanya. "Viel po. Viel Del Mundo." "Wow! Ang ganda ng pangalan! Tunog mayaman!" wika ni Tetay na may pagpalakpak pa ng mga kamay. Napatawa naman siya ng mahina. Mukhang makakasundo niya ang babaeng bakla na ito. "Siya ang magiging babysitter ng dalawang bata," turan ng matanda. "Ay! Isang malaking goodluck sa iyo, Girl!--- Aray naman, Nana!" Kinurot kasi ito ni Nana Aida sa tagiliran. "Kapag nawalan ng tagapag-alaga ang mga bata sinasabi ko sa iyo, Tetay. Ikaw talaga ang magbabantay!" Banta ng matanda. Mukhang magiging challenging din ang mga magiging alaga niya ah. Base sa kwento ni Tetay. Hmm . . . Tignan nga natin kung sino ang unang lalambot ang ulo. Napahimas pa siya sa baba niya. Napatingin si Nana Aida sa may labas at bumaling kay Tetay. "Aruu! Mukhang uulan pa hane? Tetay, tulungan mo ako ipasok ang mga sinampay. Viel, diyan ka muna ha. Mamaya ay tatawagin ko si Ford para makausap ka." Tumango lang siya at naupo sa silya sa may dirty kitchen. "Who are you?" Muntik na siya mapatalon ng may magsalita sa likod niya. "Ay anak ng tikbalang!" sigaw niya sa gulat. Baritono ang boses nito, malalim. Parang bagong hukay, gano'n. "What? I'm asking who are you? Bingi ka ba?" Hindi kasi siya tuminag sa kinauupuan at nanatiling nakatalikod habang hawak ang dibdib. Pumikit siya ng mariin bago muling iminulat ang mga mata. Bakit ba mapaghanap ng kapansanan ang mga tao rito? Kanina ay hindi raw siya marunong bumasa, ngayon naman bingi? Ano kaya ang next? Tumayo siya at umikot para harapin ito. Ngunit tila gusto niya magsisi. Dahil halos matulala siya sa angkin nitong karisma. Sh*t! Mas guwapo pa pala talaga ito sa personal! Tila nililok ng pinakamagaling na iskultor ang mukha nito. Perpekto ang hugis ng panga na binagayan ng kulay abong pares ng mga mata na may malalantik na mga pilikmata. "Perfect," wala sa loob na usal niya habang nalulunod sa pagtunghay sa mukha nito. Kumunot ang noo ng lalaki. "What?" "Basa na ang perfect ko . . . este, perfect po ang dating n'yo. I-I'm Viel Del Mundo, ang bagong babysitter na pinadala ng agency," halos mabuhol ang dila niya sa pagsagot. Humalukipkip ito at sumandal sa may ref. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa kung kaya't hindi niya mapigilan ang ma-concious. "Mabilis ka ba tumakbo?" tanong nito. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. Ang weird talaga ng mga taong 'to! Bulong niya sa sarili. "Mr. Montecillo, sa pagkakatanda ko po ay babysitter ang in-applyan ko rito at hindi trainer ng track and field. Bakit may takbuhan sa usapan?" Hindi na niya napigilan ang ilabas ang pagkaimbyerna sa tono. Ngumisi ito pero agad ding binawi at nagseryoso. "My nephew is pretty much hyperactive. That's why I am making sure if his new babysitter can keep up on his energy." Tila gustong lumipad ng mga kilay niya at itusok sa mga mata nito. Minamaliit yata siya ng hudyo na ito dahil lang malaking bulas siya. Humalukipkip din siya at humakbang palapit dito. Ang tangkad pala ng hayup dahil sa tangkad niya na 5'5" ay nakatingala pa rin siya rito. Palagay niya ay six-footer ito. Tila nagulat pa ito ng bigla siyang ngumisi. "Maling tao nga hindi ako napagod habulin, iyang pamangkin mo pa kaya? Huwag ka mag-alala Sir, kahit saan pa siya tumakbo hahabulin at hahabulin ko siya. Not unless na siya na mismo ang magsabi na tumigil na 'ko," turan niya. Pinipigil ang matawa sa reaksyon nito. Kita niya ang paglunok nito dahil sa paggalaw ng adam's apple kasabay ng pagbasa ng dila nito sa labi. Napakurap din ang mga mata. "So, may doubts pa po ba kayo, Mr. Montecillo? Gusto n'yo rin ho ba magpahabol sa 'kin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD