Chapter 3: Klein

1539 Words
Hiyaw ng bata ang nagpatigil sa kanya sa pag-aayos ng mga gamit niya. Matapos ang engkwentro niya kay Ford ay nakumbinse naman na ito sa tulong na rin nila Nana Aida at Tetay. Lumabas siya at narinig ang mga lagabog sa loob ng silid sa itaas habang nakatayo sa pinto si Nana Aida at Tetay. "Ano ho ang nangyari, Nana Aida?" tanong niya ng makaakyat. "Naghahagis nanaman ng gamit si Klein. Ang batang iyan kapag tinotopak talaga ay nagwawala." Tila problemado na ang matanda. "Asan ho si Sir?" tanong niyang muli. Kung may tao man na dapat dumisiplina sa bata ay ang tiyuhin nito. "Umalis at may client meeting daw. Noong hinanap ni Klein at sinabing umalis lang saglit ay ayan at nagwala na. Nangako raw kasi si Ford na maglalaro sila kapag gising niya," may bahid ng lungkot sa tono ng matanda. "Naku, Viel. Ihanda mo na ang sarili mo at mapapasabak ka talaga sa batang iyan," wika naman ni Tetay na kumukumpas-kumpas pa ang kamay. Napaatras si Tetay ng hampasin ni Nana Aida sa braso. "May susi ho ba kayo ng kwarto?" tanong niya. Kailangan na niya makapasok sa loob dahil naririnig na rin niya ang munting iyak ng bunso. "Bakit nasa loob ng kwarto ni Klein si baby Ri?" "Nilapag ko roon saglit ng kinuha ko ang mga maruming damit," sagot ni Nana Aida. "Ito ang susi." Inabot ni Tetay sa kanya ang isang bungkos ng mga susi na may mga label kung para saan na kwarto. Mukhang magagamit niya ang mga susi na ito sa pagiimbestiga sa mansiyon. "Sige ho Nana Aida, Tetay ako na ang bahala sa mga bata," wika niya sa dalawa. Tila napalis naman ang pag-aalala ng matanda. Pinihit niya ang seradura at dahan-dahan na pumasok. Tumambad sa kanya ang nagkalat na gamit sa sahig. Ang mga libro, laruan, maging ang lampshade at study table and chair nito ay pawang mga nakatumba. Nakita niya si Klein na nasa ibabaw ng kama at tinatapik ang bunsong kapatid. May tila kung anong humaplos sa puso niya sa nakita. Ngunit ang maamong mukha ni Klein ay muling nagbago ng makita siya. "Who are you?" "I'm Viel. I will be in-charge on taking care of you and baby Ri," mahinahon niyang turan. Hinuhuli pa niya ang ugali ng batang kaharap. Pumalatak ito. "Another walang kwentang babysitter," mahinang turan nito na patuloy pa rin sa pagtapik sa kapatid na nagsisimula ng bumalik sa pagtulog. Bumuntong-hininga siya bago maingat na isinara ang pinto. "Bakit naman naging walang kwenta? Si Nana Aida at Tetay ba ay wala ring kwenta para sa 'yo?" "Am not going to talk to strangers like you, okay?" "If you think that those people who loves you are walang kwenta, then you do not deserve to be loved as well, I guess," sambit niya habang nagsisimulang pulutin ang mga gamit sa sahig. Sinusukat hanggang saan ang kaya ng bata na makipagtagisan sa kanya. Alam niya na may pinanggagalingan ang inaasal nito at kailangan niya iyon malaman para maintindihan ito. Tila tinablan ang bata at yumuko ito. Binitiwan niya ang mga gamit na pinulot at inilagay sa may gilid ng kama. Lumapit siya rito at umupo sa katapat nito para makita niya ang mukha nito. "I guess you are right. I don't deserve to be loved because I'm bad. So you better leave us now," masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya pero iba ang ipinahihiwatig ng mga mata nito. Banaag sa maamong mukha nito ang lungkot at sakit na pilit itinatago sa likod ng pilyo at pasaway na pag-uugali. Naikwento kasi ni Nana Aida na walang tumagal na tagapagalaga rito dahil sa mga kalokohan na pinaggagawa sa mga ito. Naroon na hinahagisan ng palaka habang natutulog ang yaya nito, pero ang madalas daw ay nilo-lock nito sa closet ng maghapon ang tagapag-alaga. Sumasakit na rin ang ulo ni Ford sa pamangkin pero hindi raw nito mapagalitan ng todo dahil nga nagrerecover pa ito sa nangyari sa mga magulang nito. Marahil ito ang dahilan ng pagiging pilyo nito. Pero kailangan pa rin maituwid ang maling gawain dahil maari nitong madala iyon hanggang paglaki. "Well, I believe that in every bad person, there's still goodness inside of them. At kaya nila magbago kung gugustuhin nila. Maybe, they just needed someone to understand them," nakatitig siya sa mga mata nito at pilit kumokonekta. Kita niya ang pagkurap nito at pagtiim ng mga labi. Sa edad nito, hindi niya pwedeng sabihin na hindi nito naiintindihan ang sinasabi niya. Dahil sigurado siya na naiintindihan nito base sa ekspresyon at reaksyon nito. Matalino itong bata. Naputol ang pag-uusap nila ng umiyak si baby Ri. Binuhat niya ito at ihinele bago muling hinarap si Klein. "Leave my room now. I want to be alone," mahina nitong wika. Marahil ay iniiwasan din nito na magising ang kapatid kung sisigaw siya. Isa iyon sa napansin niya sa bata, protective ito sa bunsong kapatid. Muli ay hindi niya maiwasan na maalala ang kuya niya. Napakunot ang noo niya ng tumayo ito at tahimik na nag-umpisang pulutin ang mga nakakalat na gamit sa sahig. Ilang sandali pa ay isang katok sa pinto ang kapwa pumukaw ng atensyon nila at niluwa noon si Ford. Naka-office suit pa ito pero nakahubad na ang blazer at longsleeves na lang ang naiwan na may tatlong butones na nakabukas. Ang hot! Iyon ang unang naisigaw ng malanding isip niya. Sumisilip kasi rito ang ilang mga balahibo mula sa dibdib nito. Umangat ang tingin niya sa mukha nito. Totoong napakaguwapo nito pero bakas ang pagod sa mga mata. Ngunit agad ding itinatak sa isip ang misyon at ang posibilidad na may kinalaman ito sa pagpatay sa kapatid niya. Kailangan na n'yang kumilos at umpisahan ang misyon. Mas maaga niyang malaman ang katotohanan ay mas mabuti para maparusahan ang kailangan parusahan at maprotektahan ang kailangan protektahan. Alam din kasi niya na may banta rin sa buhay ng mga ito. "Bud, what happened?" Napakurap siya ng marinig ang malalim ngunit malambing na boses ng lalaki. Idagdag pa na may kalakip iyon ng pag-aalala ng makita ang kalat sa kwarto. Bakit parang nakakakilig? "Pa, I want to be alone," walang ganang sagot nito kay Ford. Tila bagay rito ang tawaging 'Papa'. Hays! "I thought maglalaro tayo? Look, I'm sorry if I left earlier without telling you. Kasi natutulog ka pa. But you see, I tried my best na makabalik agad to fulfill my promise, Klein." Hindi niya malaman kung mage-exit na ba siya oh ano. Pero hindi naman siya makalabas dahil nakaharang si Ford sa pinto. Plus ayaw niya rin ma-interupt ang moment ng magtiyuhin. "I'm sorry, Pa. I'm not in the mood. Maybe next time. Plus I know that you are tired, might as well go and take a rest." Nagpatuloy sa pagpulot ng mga gamit ito at walang imik na inilagay sa lalagyan ang mga libro. Bumuntong-hininga ang lalaki at inilagay sa beywang ang isang kamay habang ang isang kamay ay kumakamot sa baba. Tumingin ito sa kanya at nagtagpo ang mga mata nila. Tumango siya rito at tumingin sa pinto para iparating dito na hayaan na muna ang bata. "Okay, Bud. Tomorrow let's go out, okay? Pupunta tayo sa arcade." Lumapit ito kay Klein at hinalikan sa ulo. "I hope walang emergency meeting na dumating, Pa. But for now, I won't expect. Kindly turn off the light as you leave," may himig tampo ang boses na sambit nito. Humiga na ito sa kama at nagtalukbong ng comforter, indikasyon na ayaw na nito makipag-usap. Tinapik niya ang braso ni Ford habang nakahiga sa balikat niya si Ri. Nang lumingon ito ay sumenyas na siya na lumabas sila. Nang makalabas ng kwarto ni Klein ay binalingan niya ito. "Mr. Montecillo, alam ko na mahirap ang biglaan mong pagkakaroon ng reaponsibilidad sa dalawang bata. Pero sa tingin ko ay kailangan mo sila pag-ukulan ng pansin lalo na si Klein," mahinang wika niya dahil baka magising ang bata sa balikat niya kapag nilakasan niya ang boses. Naglakad na siya papunta sa nursery room na kwarto ng bata at tahimik na nakasunod si Ford sa kanya habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Nang mailapag niya si baby Ri sa crib ay binalingan niya ito na kasalukuyang nakasandal sa hamba ng pinto. "Mr. Montecillo, naririnig mo ba 'ko?" tanong niya ng walang makuhang tugon mula rito. Umangat ang tingin nito sa mukha niya sabay halukipkip habang siya naman ay nakapameywang. "And who are you to dictate what I need to do?" Napaatras siya sa hagod ng salita nito. Bumangon ang inis sa dibdib niya. "Dictate agad? Hindi ba pwedeng suggestion lang ng isang concerned citizen? Kung ayaw mo makinig ng suhestiyon ng iba, bakit kaya hindi na lang ikaw ang mag-alaga sa kanila? Para ikaw ang makakita kung ano ang totoong pangangailangan ng mga bata?" naggagalaiti niyang wika sa mahinang tono. Ramdam niya ang paglabas ng mga litid sa leeg niya sa inis. Sa pagtataka niya ay bigla itong ngumisi at tumuwid ng tayo habang naka-cross arms. "Sumama ka sa sa amin bukas sa arcade," wika nito bago walang babala na lumabas na ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD