bc

Bride Series: #3 GANGSTER BRIDE (On-going)

book_age18+
3.1K
FOLLOW
30.3K
READ
adventure
gangster
comedy
sweet
humorous
bold
brilliant
witty
expert
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Lindt Del Fuego, bunsong anak ng isa sa pinakakilalang negosyante sa bansa. Naging mailap sa mga babae mula ng mabigo sa unang pagibig na naging dahilan para mabuo ang bulong-bulongan na siya ay may pusong babae.

Si Kithione Katara "Kitkat" Ferriols, lumaki sa pamilya ng mga gangster at siyang susunod na tagapagmana ng posisyon sa nalalapit na pagreretiro ng ama. Ngunit may isang kondisyon na kailangan niyang isakatuparan para tuluyang maipasa sa kanya ang posisyon. Isang bagay na hindi niya alam kung handa na ba siya.

Ano kaya ang mangyayari kapag nag-krus ang landas ng dalawang magkasalungat? Sapat kaya ang tibay ng palaso ng kanilang mga kupido para makatagos sa dalawang puso na pinatigas ng sakit ng nakaraan?

Tunghayan kung alin ang titigas o lalambot sa kanila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Tradisyon
Hinihilot ni Kitkat ang sintido niya habang nakikinig sa sermon ng kanyang ama. Kasalukuyan silang nasa study room nito kasama ang kanyang lola na nakaupo sa may sofa habang walang pagod na kinukuskos ang kanyang 357 Revolver. "Are you listening, Katara?" halos dumagundong ang boses ng kanyang ama sa buong silid. Napahampas pa ito sa lamesa habang bakas ang inis at galit sa mukha nito. Alam niya na galit na ang ama kapag Katara na ang tawag sa kanya. Pabagsak na sinandal niya ang likod sa upuan na nasa harap ng kanyang ama bago saglit na mariin na pumikit at bumaling na rito pagkatapos. "Pops, hindi naman kasi gano'n kadali 'yon! Ano gusto niyo manghatak na lang ako ng kahit sino diyan para pakasalan dahil lang kailangan ko mag-asawa para maipasa niyo na sa akin ang posisyon niyo? Seryoso?" Pumapadyak pa ang mga paa niya sa inis. Ang lola naman niya ay tahimik lang na nakikinig. "Lola! Tulungan mo naman ako i-explain kay Pops yung point ko! Linis ka ng linis ng baril mo riyan baka mamuti na 'yan!" Nasanay kasi siya na laging kinakampihan ng kanyang lola pero ngayon ay nakapagtataka na hindi ito umiimik at patuloy lang sa paghagod ng baril. "May punto ang ama mo, apo. Tradisyon ng grupo natin na dapat ay mag-asawa muna ang susunod na tagapagmana bago maipasa rito ang posisyon. At alam mo na bukod sa iyo ay wala ng ibang magmamana dahil nag-iisa ka lang na anak ng ama mo," ngumiti pa ito at kumindat. "Lola!" umangil pa siya sa hangin para ilabas ang frustration. Mukhang wala na nga siyang magagawa. Kailangan niya mag-asawa sa lalong madaling panahon. P*tangina! Hindi naman 'yon gano'n kadali! "Isang linggo ang palugit mo, Katara. Kapag wala kang naiharap sa akin ay ako ang maghahanap ng pakakasalan mo." May pinalidad sa tono ng ama na kinakilabot niya. May pakiramdam kasi siya kung sino ang napipisil nito na ipakasal sa kanya at hindi siya papayag na mangyari iyon! Napakapangit ng taste ng ama niya! "Alam ko kung sino iyon, apo. Gusto mo ibulong ko sa 'yo?" nang-aasar na sambit ng lola niya. Lumabi siya at sinamaan ng tingin ang lola niya. "Sige Lola manggatong ka pa!" "Si Bogart," humahagikgik na turan ng matanda. "What the f*ck!" hindi niya napigil ang pagmumura dahil isinatinig ng lola niya ang ayaw niya marinig. Lalong nalukot ang mukha niya. Si Bogart ay matagal ng tauhan ng kanyang ama at tunay na mapagkakatiwalaan ng grupo. Ngunit sagad hanggang kabilang universe ang bilib sa sarili. Kung umasta ay akala mo siya ang pinakaguwapo na pinanganak sa buong universe. Sakto na bumukas ang pinto at niluwa ang tao na hindi niya gugustuhin na makita ngayon. "Magandang araw sa inyo Boss, Dona Ofelia at sa pinakamagandang babae na nalapatan ng aking mga mata," ngumiti ito sabay dila sa labi na lalong kinabwisit niya. Mukhang palaka na nanghuhuli ng gamo-gamo! Umikot ang mga mata niya at bumuntonghininga para pawiin ang inis na bumabangon sa loob niya. Kinikilabutan ang pakiramdam niya sa hagod ng tingin nito. Hindi niya ma-imagine ang sarili na maging asawa nito. Over my beautiful curvacious voluptuous body! Humakbang siya palapit dito habang nakahalukipkip. "Alam mo, pakiramdam ko gas stove ako kapag katabi kita," mahinahon na turan niya rito habang diretsang nakatitig sa mukha nito. Ngumisi ito at muling dumila sa labi. Tumaas ang mukha nito para salubungin ang tingin niya habang naghuhumiyaw ang kayabangan sa mga mata nito. "Bakit nag-iinit ka ba, baby girl?" mahinang bulong nito. Alam kasi nito na nakamasid ang ama at lola niya. "Hindi. Mukha ka kasing gasul na nakasuot ng ripped jeans!" ingos niya na turan dito. Lukot ang mukha na pinasadahan niya ng tingin ito. Nakasuot ito ng polo shirt na blue na tinernuhan ng maong pants na may butas sa may tuhod at bilugan ang katawan nito. Hindi rin ito katangkaran dahil nasa 5 flat lang ito at mas matangkad pa siya sa taas na 5'4". Hindi naman sa pinipintasan niya ito pero parang gano'n na nga! Ngumisi ito at kita niya ang paghagod ng tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Lumunok pa ito bago dumako ang mga mata sa dibdib niya. Humigpit ang hawak niya sa beywang kung nasan nakasukbit ang baril niya. Kanina pa niya gustong ubusin ang bala niya sa mukha nito. "Bogart, kamusta ang transaksiyon niyo sa mga Pelaez?" untag ng ama niya rito kaya nawala ang atensiyon sa kanya ng impakto. Nagligpit ng mga dokumento sa lamesa ang kanyang ama at inabot kay Bogart bago lumapit sa amin at kapwa kami hinalikan sa noo bago tuluyang lumabas ng study room. Umupo siya sa tabi ng lola niya at dinukwang ang coffee table para uminom ng tubig. "Kit, sumama ka sa 'kin bukas sa mansiyon ng mga Del Fuego. Matagal ko ng hindi nadadalaw sila Mila at Edel." Inubos niya muna ang laman ng baso bago pinunasan ang bibig gamit ang braso. May kislap ng kung ano sa mata ng lola niya. Marahil ay namiss talaga nito ang dalawang kaibigan. Leader ng sorority sa eskwelahan ang kaniyang lola dati at sila Lola Mila at Lola Edel ang mga officers nito. Silang tatlo ay naging matalik na magkakaibigan at lagi rin sila na dumadalaw sa mansiyon ng mga Del Fuego at Montejo noong bata pa siya. Natigil lang ang pagkikita ng mga ito ng lumipat sila ng mansiyon matapos ang isang trahedya sa pamilya nila. May lungkot na dumaan sa puso niya matapos maalala iyon ngunit agad niya rin iwinaksi ng makita na mataman na nakatingin sa kanya ang kanyang lola. "Wala naman po akong lakad Lola. Sige sasamahan kita." Ngumiti siya rito dahil alam niyang inaanalisa nito ang itsura niya. "Natatandaan mo pa ba noong dumadalaw tayo doon sa mansiyon nila?" tanong nito sa kanya. Tumango siya at ngumiti. "Opo Lola, napakabait ng dalawang matanda na iyon. Buti nalang hindi gumaya sa 'yo!" pabirong turan niya rito. Gaganti siya sa pang-aasar nito sa kanya kanina. "Aba't ang batang are! Baka hindi mo nalalaman na ako ang pinakamabait sa aming tatlo. At ako rin ang pinakamaganda!" taas noo pa nitong sambit. "Luh? Walang nagtatanong Lola," pairap niyang sagot dito. Mabilis na umigkas ang kamay ng matanda at kinurot siya sa singit ng walang pasabi. "Arayyy! Joke lang naman po! Oo na po, ikaw na ang pinakamaganda! Ouch! Lola!" hindi magkandatuto niyang sigaw. Sobrang sakit talaga mangurot nito daig pa ang alimango! Bumitaw ito ng kurot at inayos ang shawl na nawala sa pagkakasampay sa balikat nito. "Tanda mo pa rin ba ang mga apo nila na nakalaro mo noon?" Pagpapatuloy nito na tila walang nangyari. Napasingkit ang mata niya habang may binabalikan sa alaala. "Opo. Mababait din naman sila pwera lang doon sa isang apo ni Dona Mila na mukhang bakla na ayaw akong kalaro dahil mukha daw akong lalaki at hindi raw maganda!" pagak siyang napatawa ng maalala ang batang 'yon. Ang lakas ng loob sabihan akong mukhang lalaki eh siya nga iyong parang bakla na napakaiyakin! Pero totoo naman na parang lalaki ang kilos at pananamit niya noon. Actually, hanggang ngayon. Pinalaki kasi siya na brusko at kilos lalaki. Bata pa lang siya imbes na manika at laruan ang hawak niya ay mga baril at gamit sa pakikipaglaban ang nakamulatan niya. Sinanay siya na patigasin ang puso at hindi dapat maawa sa kahit na sino. Imbes na kolorete at pabango ang ilagay at iwisik sa katawan ay alikabok at dugo ang naiiwan na mantsa sa katawan niya matapos ang pakikipaglaban. Tumango-tango ang lola niya sabay ngiti na kinataas ng kilay niya. "Sinabihan na ang apo mo ng mukhang lalaki at hindi maganda ngingiti-ngiti ka pa? Proud yarn?" Tumawa ng malakas ang matanda bago nagsalita. "Eh kung hindi naman totoo bakit ka magiging apektado, apo? Pwede mo naman patunayan na babae ka at ipakita na kahit hindi ka mag-ayos ay maganda ka," mahabang eksplanasyon nito habang hindi nawawala ang ngiti na umaabot hanggang mata. "Ayy, yan ang gusto ko sa 'yo Lola eh. Confidence level 9999. Pak na pak!" sabay silang napatawa. Inabot siya nito at niyakap sabay halik sa pisngi niya. Pero ang halik nito ay pahigop at sumisinghot kaya inilayo niya ang mukha niya rito. "Lola, hindi ba pwedeng humalik lang? Yung sa 'yo kasi pahigop na may pasinghot! Baka masinghot mo na buong pisngi ko!" Reklamo niya. Isang malakas na tawa ang sinagot sa kaniya nito at pitik sa noo. Sapo ang noo na pinitik nito ay tinitigan niya ang mukha ng kanyang lola at may nababanaag siyang kung ano na hindi niya mawari. Kung hindi siya nagkakamali ay excitement at kasiyahan ang nakikita niya. Hindi niya lang alam kung bakit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook