“Sa tingin mo ay makakalayo ka na pipilay-pilay? Ni hindi ka nga makalakad ng maayos” wika nito sa kanya ng nakangisi
“Wag mo ko maliitin. Kaya ko kayang gumapang!” ayaw nya magpatalo. Kahit Di nya alam kung ano na pinagsasabi nya. Haha!
Tumawa si Winter at nagsalita “Pano yung gapang?” nang-aasar ito.
Sinamaan nya ito ng tingin. “Gusto mo ikaw pagapangin ko dyan?” pagtataray nya
“Exciting kaya yung gapangan, Mi Lady” pinasingkit pa nito ang mata na tila nangaakit
Pish tea! Mas malala na yata ang kahalayan nito kesa sa kanya.. Tindi ng pagkakahawa ah?! .. Haha!
“Umupo ka, Mi Lady. Tsaka ka na magwalk out pag magaling na paa mo” wika nito na nanunudyo
Napilitan syang umupo ulit. Kumikirot na din kasi yung paa nya dahil napwersa sa pagtayo at pagpilit nya humakbang.
“Your parents died on a car accident five years ago. Tama ba?” pagseseryoso nito
Nilingon nya ito. Ano to? Reminiscing the past??? Hindi sya sumagot. Eto kasi ang mga bagay na pilit nyang kinakalimutan.
“pero hindi sila sa aksidente namatay” nakatingin ito sa tanawin sa baba ng veranda
“Anong ibig mo sabihin?”nilingon nya ito at kunot noong nagtanong. naguumpisa na syang hindi maging kumportable sa mga sinasabe nito.
“Pinlano ang pagpatay sa kanila, Mi Lady.” tila saulo na nito ang bawat detalye ng sinasabi
“Pano mo nasabe?” May naalala ako sa linya na to. Haha!
“Ang matalik na kaibigan ng Daddy mo ang nagtraydor sa magulang mo. Sya ang dahilan ng pagkalugi ng negosyo nyo dahil ninakawan nya ito at gusto nito na mapasakamay nya ang kumpanya. Sya din ang nagtulak sa ama mo na lumapit sa isang loan shark na naging sanhi para ipatumba sya.”
Napaawang ang labi nya. Matapos kasi mamatay ang magulang nya ay pinilit nyang binaon ang mga pangyayari sa limot at nagfocus sa kapatid nya. Na nawala din naman makalipas lang ang ilang taon. s**t!
“Meron pa, Mi Lady. Pinaghahanap ka ng grupong ito.”. Diretsang wika nito na nakatingin sa mata nya.
“Ako? Bakit?” takang tanong nya
“Bago mamatay ang Daddy mo ay may pinirmahan itong kasunduan na ipapakasal ka dun sa anak ng matalik nitong kaibigan. Kailangan nila ito para mapasakamay na nila ang kumpanya biglang parte ng conjugal property.”
“Pano mo nalaman lahat ng ito, Your Majesty?” nahihiwagaan sya sa mga impormasyon na binibigay nito. Sa lalim ng mga impormasyon nito ay hindi basta basta imbestiga lang ang ginawa dito
“Pinaimbestigahan ko ang Blue Shadow Gang. Aksidente lang na nahalungkat ng imbestigador ko ang tungkol sa magulang mo. Then nakita ko ang picture mo kaya mas pinalalim ko ang imbestigasyon at eto ang mga natuklasan namin. Ang anak ng matalik na kaibigan ng Daddy mo ang bagong pinuno ng Blue Shadow Gang. Pinanghahanap ka nila para mailipat Na sa pangalan nila ang kumpanya na limang taon na din nilang pinatatakbo.”
Punyeta! Ang Tito Carlos nya na akala nya ay pangalawang ama nya... Sya ang traydor?! F*cking s**t! At anong kasal? Si Theo ba ang sinasabi nitong pinagkasundo sa kanya? Ang hayop na manyak na yun?!
“Si Carlos Del Carmen ba ang tinutukoy dito? At si Theo Del Carmen ang leader ng Blue Shadow?” gusto nyang makasigurado. Dahil K*ngina! Ako mismo ang tatapos sa kanila mga hayop sila!
“Yes, Mi Lady” awtomatikong kumawala ang mga luha sa mata nya. Mas dumoble ang sakit sa mga narinig nya. Parang sasabog ang dibdib nya
“Hinahanap ako ng grupo ni Theo para magpakasal sa kanya?” tanginang hayop na yun. Muntikan na syang gahasain nun nung bata pa sya. Ngayon subukan nya lang gigilitan ko sya ng leeg!
Hindi na nya napigilan ang paghikbi nya. Ang hirap takbuhan ng masakit na nakaraan. Umaagos ng masagana ang luha nya. Matagal tagal na din nyang tinago ang parteng ito ng buhay nya dahil para sa kanya ay kahinaan ito.
Marahan syang kinabig ni Winter palapit dito at niyakap. Masuyo nitong hinahaplos ang likod nya.
At sa unang pagkakataon ay nakaramdam sya ng kapayapaan. Kapayapaan sa yakap at bisig nito.
“Let me help you, Mi lady” wika nito habang hinahagod ang likod nya. Kumalas sya sa pagkakayakap dito at tinignan ang mukha nito.
“Pano?” tanong nya. Inabot nito ang pisngi nya at masuyong pinunasan ang luha nya
“Marry me, Mi Lady” wika nito na diretsong nakatingin sa kanya habang sya ay napaawang ang labi..