CHAPTER 19

1251 Words
NANG matapos ang team building activities ng mga empleyado ay nagsipasukan na din ang mga ito sa kani-kanilang silid dahil maaga pa sila bukas para sa Island hopping. Hindi pa sya inaantok kaya nagpasya syang maglakad lakad muna sa may dalampasigan. Paglabas nya ng resort ay nakita nya si Jenny na naglalakad-takbo patungo sa madilim na parte ng dalampasigan. Kunot noo nya itong sinundan at binuksan ang bodycam nya. Kung sakali man na hindi nya maaninag ang ginagawa nito ay mas klaro nya itong makikita sa kuha ng camera dahil sa night vision. Tumigil ito sa madilim na parte ng resort na may bench at natatakpan ng puno ng may sumulpot na isang lalaki.. Napaawang ang labi nya ng biglang sinunggaban ni Jenny ang lalaki at marubdob na hinalikan. Ang wild ni Ate Girl! Haha! Nakakapit ang mga binti nito sa beywang ng lalaki.. Sigurado syang hindi ito si Winter. Pakshet! Makating caterpillar na toh! Nakita nyang umupo ang lalaki sa bench habang nakakandong na ngayon ang bruha sa lalaki at naglalaplapan galore pa din na kala mo wala ng bukas.. Mga tangna juice toh ah.. Akmang lalapit sya para asarin sana ito ng magvibrate ang cellphone nya. Tumatawag si Winter. Dagli syang lumayo sa mga makakating caterpillar at sinagot ang telepono "Your Majesty" "Where the hell are you, Mi Lady? Almost midnight na delikado na sa labas. Sabi nila Spring hindi nila alam san ka nagpunta" sermon nito sa kabilang linya.. Makagalit naman toh kala mo jowa na hindi nakapagpaalam... Enebe! "Naglakad lang po ako sa dalampasigan. Pabalik na din po ako." kunwari mahinahon nyang sagot pero ang kilig nya pang-grandfinals.. Haha! "San ka banda? Pupuntahan na kita" wika nito "wag na, Your Majesty. Pabalik na po ako" nak ng putspa! Huy! Wag ganyern... Nagmadali syang maglakad para makabalik agad.. Pagdating nya sa resort andun sa labas si Winter at lakad ng lakad na kala mo pusang Di mapaanak.. Pagkakita nito sa kanya ay agad itong nagmamadaling sumalubong sa kanya. Makasalubong parang galing abroad lang? Haha "Mi Lady, pinag-alala mo ko!" wika nito ng makalapit sa kanya Nag-alala sakin pero yung jowa nya na kumakalantari ng iba hindi nito hinahanap? Vahket??? Hindi ko maitodo ang kilig ko dahil ang isang parte ng isip ko ay nalulungkot sa ginagawa ni Jenny sa kanya. Hays! "Si Ms. Jenny po ba ay nasa kwarto na nya, Your Majesty?" Gusto nyang batukan ang sarili sa tanong nya pero hindi na nya mababawi dahil naitanong na nya "I don't know" malamig nitong sagot. Hinila na sya nito paakyat sa kwarto nila ni Spring. Pagtapat sa pintuan ay hinarap sya nito "Mi Lady, wag kang aalis o lalabas na hindi nagsasabi sakin. Do you understand?" wika nito habang nakapameywang at mataman na nakatitig sa kanya Nalilito ako sa kinikilos nito.. Pinagti-tripan ba ko netoh? "Yes, Your Majesty. Papasok na po ako" tumalikod na ko pero nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay nito sa pulsuhan ko. Dagli akong napalingon dito. Nakababa lang ang tingin nito at narinig nya ang marahas na pagbuntong-hininga nito. Dahan dahan din sya nitong binitawan "Good night, Mi Lady" wika nito at dali daling tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto nito. Ano yern??? Wag mong guluhin ng ganito ang puso ko, Your Majesty! Marupok ako! KINABUKASAN maaga ako nagising. Gusto kong mapanuod ang sunrise.. Inalis ko ang kamay ng dalawang bagets na nakayapos sakin sa magkabilaan.. Para kong si Buddha na maraming inakay sa itsura ko.. Dahan dahan akong bumangon at naghilamos at toothbrush.. Pag tapos ay lumabas na ng kwarto. Sinilip nya ang oras quarter to six in the morning.. Sarap ng simoy ng umaga! Binuka nya ang kamay at nag-inat sa harap ng dalampasigan.. Nagbuga sya ng hangin na malakas habang nakapikit at dinadama ang masarap na simoy ng hangin. Pagmulat nya ay luminga sya sa buong paligid. Nag-aagaw palang ang dilim at liwanag. Nahagip ng mata nya ang isang pigura na nakaupo sa buhanginan habang matamang nakatitig sa kawalan nakaharap sa dalampasigan.. Si Autumn.. Naglakad sya papalapit dito. Tila hindi sya napansin nito.. "Layo na yata ng narating mo ah.. Lumagpas ka na yata ng Mars?" untag nya dito sa pagmumuni muni Nilingon sya nito at Ngunit "Ate Harl talaga oh" sagot nito sabay irap "Bat ba ganyan kalalim iniisip mo ke aga-aga" Umupo na din sya sa tabi nito at niyakap ang tuhod nya. Malamig kasi ang hampas ng hangin Bumuntong hininga ito at bumakas ang lungkot sa mata "Problemang pagibig lang, Ate" sagot nito na tumitig sa dalampasigan "Pagibig? Isang Autumn El Grejo may problema sa pagibig?" tudyo ko dito "Grabe sya oh. Naloko pa nga, Ate. Hindi lang isang beses kundi tatlong beses" mapait ito ngumiti at nilingon sya "Juice colored tatlong beses pero tinatanggap mo pa din? Hmm.. Kung ang tagalog ng LEARNED ay NATUTO... bakit ikaw hindi pa?" litanya nya "Ate Harl naman eh.. Actually, bumabalik sya ulit ngayon. Mahal ko sya Ate pero paulit ulit lang din ang panloloko nya. Kaya napapaisip ako kung papapasukin ko ba sya ulit" "Autumn, hindi lahat ng bumabalik ay tinatanggap ulit. Hindi lahat ng kumakatok ay pinagbubuksan..pwera nalang kung Lazada yan o Shopee delivery" haha! Tumawa ng malakas si Autumn "Puro ka talaga kalokohan Ate Harl. Pero may point ka" ngumiti na ito na umabot sa mata nya. "Ano ba kasi nangyari? Bakit lagi syang umaalis?" tanong nya "Ang dami nyang demands. Ginawa ko naman lahat Ate pero it's still not enough for her." ramdam ko ang sakit sa pagbitaw nito ng salita Tinapik ko ito sa balikat "Alam mo, you will never be enough to the wrong person. And you will never find the right person kung patuloy ka pa din kakapit sa maling tao na walang ibang nakikita kundi ang pagkukulang mo at hindi ang kung anong meron ka at kaya mong ibigay" pagpapayo nya dito.. Konti nalang mag-aapply na kong DJ or Love Guru.. Haha! "DJ Chacha ikaw ba yan?" tudyo ni Autumn "DJ MuChaCha" ganting biro nya at sabay sila nagkatawanan. Humilig si Autumn sa balikat nya. "Ang sarap pala ng may Ate no Ate Harl? Sana maging Ate kita" wika nito "Ate lang? Ayaw mo ng jowa?" pangiinis nya dito Umangat ang ulo nito "Yuck Ate!" atungal nito. Tawa sya ng tawa "maka-yuck ka naman kala mo ka-jowa jowa ka! Hindi ako napatol sa tanga sa pagibig.." tudyo nya pa dito. At nagtawanan nalang sila. Humilig ito muli sa balikat nya na wari ay nakahanap ng kapayapaan ng kalooban sa mga bagay na nagpapagulo sa isip nya Sabay silang napalingon ng may tumikhim sa likod nila... Nakita nila si Winter na madilim ang mukha sa pagkakatitig sa kanila.. Aga-aga naman ng topak nito.. Wika nya sa isip "Your Majesty, magandang umaga" bati nya dito pero ni hindi ito ngumiti "Kuya Wint, bat nakasimangot ka?" untag ni Autumn sa kapatid. Tinapunan ito ng kapatid ng masamang tingin "Magprepare na kayo. Maaga tayong aalis para sa Island hopping" malamig nitong turan. hindi na nito hinintay na makasagot sila at tumalikod na ito naglakad pabalik ng resort Nagkatinginan sila ni Autumn at nagkibit balikat. Tumayo na ito at inalalayan sya makatayo. Paglingon nya sa resort ay tila nakatingin pa din si Winter sa kanila dahil ramdam nya ang tusok ng tingin nito kahit nasa malayo. "Lagot ka kay Kuya" bulong ni Autumn sa kanya. Siniko nya ito ng mahina sa tyan at tumawa "Abnormal.. Magkapatid nga kayo.." irap nya dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD