CHAPTER 17

972 Words
Nang nakarating sila sa mansion ay agad umibis si Winter at lumigid papunta sa passenger's seat at pinagbukas ito ng pinto. Nahihilo na ang pakiramdam ni Harlene marahil dala ng pagdurugo ng tama ng baril sa braso nya. Nagulat sya ng bumukas ang pinto ng passenger's seat at bigla syang umangat sa ere. Mabilis syang pinangko ni Winter at yumakap sya sa batok nito.. Nanunuot sa ilong ko ang mabining amoy ng pabango nito na lalong nagpaduyan sa pakiramdam ko. May tama na ng bala landi is life pa din? Haha! Marahan sya nitong nilapag sa couch "don't move, Mi Lady" wika nito sa kanya at hinubad ang coat at hinagis sa katabing sofa Nakita nyang tinanggal din nito ang ilang butones sa long sleeves nito at humantad ng bahagya ang mamasel na dibdib nito tsaka tinupi nito ang manggas hanggang siko bago naglakad papunta sa kung saan Shit! Mapang-akit din toh eh no? Hubarin na kaya nya lahat baka matanggal pa ang hilo ko.. Haha! Sumandig nalang sya sa couch at pumikit para pawiin ang panghihina nya Maya maya at bumalik ito na may dalang medicine kit. Nakapikit pa din sya at nakasandal sa couch habang nililinis ni Winter ang sugat nya. Nang may maramdamang kakaiba. Nagmulat sya at nakita si Winter na nakatitig sa mukha nya habang dinadampian ng bulak ang sugat nito. Nagtama ang paningin nila. Pilit kong binabasa ang iniisip nya. Kaya lang potah.. sumasabay tong malandi kong puso na walang tigil sa pagkabog.. Di tuloy ako makafocus.. Narinig ko ang buntong-hininga nito at ang malakas na paglunok.. "Your Majesty, okay ka lang?" tanong ko "No" mabilis na sagot nito Tinitigan ko ito habang nakakunot-noo "bakit?" "I feel different when you're near me, Mi Lady." halos pabulong nitong sagot nakataas kilay nya habang nakasandal pa din sa couch. Hindi nya alam kung dala ba ng hilo nya o sadyang mahina lang ang pagkakasabi nito kaya hindi nya masyado narinig ang tinuran nito "sir pakilakas po hindi ko marinig. Secret ba yang sinasabi mo at kailangan pabulong?" "Damn!" mahinang mura nito "minumura mo ko, your Majesty?" naiinis nyang sagot "ihahatid na kita sa kwarto mo. You need to rest, Mi Lady" hindi na nito pinansin ang tanong at pagmamaktol nya at parang wala lang na binuhat sya nito at dinala sa kwarto Parang abnormal… Nahawa na yata to sakin.. Haha! MABILIS na lumipas ang isang linggo matapos ang insidente sa hotel. Busy ang lahat para sa company outing ng mga empleyado ng El Grejo Empire. Kasama din sa outing ang buong pamilya ng El Grejo. Ayaw sana nyang sumama para makapagplano at makakilos laban sa Blue Shadow Gang ngunit hindi pumayag si Winter gayundin ang Mommy nito dahil walang magbabantay sa kaligtasan ng anak lalo na nung nabalitaan nito ang nangyari sa hotel nung nakaraan. Nakasakay na ang lahat ng empleyado sa coaster bus at sila ay gumagayak na din na sumakay sa van. Ang Mommy at Daddy ni Winter ay nasa hiwalay na kotse habang sya, si Winter at mga kapatid nito ang magkakasama sa van. Palitan sila ni Winter sa pagdadrive papuntang Zambales. Pasakay na sya sa van dahil si Winter muna ang magdadrive ng makita nyang sabay sabay na sumimangot ang magkakapatid gayundin ang magasawang El Grejo ng may dumating.. Si Jenny.. Ang girlfriend ni Winter "Hay nakoo, bakit ba kasi kasama pa yan eh hindi naman sya empleyado" Narinig kong naiinis na bulong ni Spring kay Autumn "kaya nga. Eepal lang yan eh" sagot ni Autumn Wala na silang nagawa at isa-isang nagsisakayan na sa sasakyan. Si Winter ang nasa driver's seat habang katabi nito si Jenny sa passenger's seat. Sya naman ay napapagitnaan nila Spring at Summer habang sila Autumn at Monsoon ay nasa likod nila. "Kuya, why is she here?" matabil na tanong ni Summer habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay masama ang tingin kay Jenny "Baby, don't be like that" sermon ni Winter sa kapatid "Palibhasa kasi kung ano ano tinuturo ng assistant mo dyan sa mga kapatid mo eh kaya ganyan ang ugali" maangas na sabat ni Jenny sabay tingin sa rear view mirror sa kanya Luh? Ako talaga?? Haha.. Gagu toh ah! Nilabanan nya din ng tingin ito at ngumisi "Trip mo ko eh no? Bat Di mo nadin ibintang sakin pati pagpatay kay Rizal para masaya?" sagot nya sa nangaasar na tono Narinig nya ang hagikgik ng mga katabi nya habang umuusok ang ilong ng bruhang Jenny. Inirapan sya nito at humalukipkip at tumingin sa labas. Tahimik ang naging byahe nila. Nakahiga sa hita nya si Summer habang nakasandal sa balikat nya si Spring.. Kutson ang peg ko sa dalawang bagets na toh eh.. Mga parang tuko na nakakapit.. Ramdam ko din ang paminsan na pagtingin ni Winter sa kanya sa rear view mirror.. Di ko malaman kung tinatawanan ba ako nito o ano.. Pero kinikilig ako.. Pakshet! Nakita ko na panaka naka din na tumitingin ng masama si Jenny sa gawi ko kaya nginisihan ko sya at kinindatan.. Haha! Bahala kang mapikon dyan.. Nagstop over kami para makaihi at makapagpalit sa pagdrive. Nagulat ako ng paglabas ko ng CR ay nandun sa sink ang bruha..este..si Jenny. Mukhang hinihintay talaga sya.. Hanap away teh? "Ano bang pinakain mo sa mga El Grejo at napakaamo sayo? Samantalang ako ni ayaw nila dikitan" maktol nito na ang himig ay naiinggit habang nakasandal sa sink at nakapameywang "Gusto mo bang malaman ang sikreto?" ngisi ko dito at nilagay ko sa bulsa ang magkabilang kamay ko Hindi ito sumagot at nanatiling nakapameywang at nakataas ang kilay "Bili ka ng kagandahang asal.. Mga sampu baka sakaling hindi tumalab eh para may extra ka" nginitian nya ito ng mapangasar at tinapik sa braso na winaksi naman nito Tumatawa syang lumabas ng CR habang iniwan si Jenny na nagaalburoto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD