NAPABUGA ako ng hangin ng marahas. Naiinip na ko. Gusto ko ng yakapin at makipaglampungan sa big bird ko! I've had enough of this drama. Ang babagal puro satsat! Dinaig pa yung Ang Probinsyano sa tagal matapos! Char! Mabilis akong kumilos, hinawakan ko ang braso ng tauhan ni Theo na nasa leeg ko, nang lumuwag ang pagkakahawak nito ay mabilis akong pumihit at inikot ang braso nito papunta sa likuran na ikinasigaw nito ng malakas. Dagling napalingon sa gawi namin ang lahat at nag-umpisa ng magkapalitan ng putok. Nilingon ko si Winter na napaawang ang labi sa padalos-dalos kong pagkilos at nakita si Theo na kinuha ang pagkakataon para puntiryahin ito. Agad kong sinipa ang kamay ni Theo na may hawak ng baril at inaasinta si Winter habang tangan ko sa kamay ko ang kamay ng tauhan nito na hi

