CHAPTER 15

1399 Words
A/N: WARNING! CONTAINS CUSS WORDS. Read at your own risk ??? pasensya na sabog na brain cells ko mga Mi Labs! Comment nalang kayo for more chikas ?? ????????????? HUMINTO kami sa Isang five star hotel at halatang nasa alta sosyedad ang mga panauhin dito. Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay nito sa siko ko at inalalayan maglakad. Yung parang nag-alalay ng lolang senior citizen ganern.. Haha! Wooh.. Heart…behave! Pagpasok namin ay agad sinalubong si Winter ng mga kababaihan.. At kita nya ang lihim na pag-ismid ng mga ito sa kanya "Wint!" maarteng tawag ng isang babae dito at agad pinulupot ang kamay sa braso nito.. Mga ahas talaga hindi nalang sa gubat matatagpuan… meron din sa hotel at naka-gown pa.. partida naka-makeup pa! "who is she?" nakataas kilay nito na tanong kay Winter matapos sya tignan mula ulo hanggang paa Bumaling si Winter sa kanya "Mi lady, this is Devin. Devin, this is Harlene" pakilala nito Bagay ang pangalan nito sa kanya… ayoko nalang magsalita.. Haha! "new girlfriend?" nanghahaba nguso nito "pwede ding boyfriend kung gusto mo" papilosopo kong sagot Napanganga ito at nilagay sa dibdib nitong flat ang kamay habang nginisihan nya naman to Bago pa man ito muli makapagsalita ay may kumaway kay Winter na business partner at agad syang hinila papunta dito matapos magpaalam sa mga hitad. Naging busy si Winter sa pakikipagusap nito sa mga business partners kaya inabala nalang nya ang sarili sa paglilibot ng paningin sa buong ballroom ng hotel. Puro mga malalaking businessman ang nandito. Merong may-ari ng airline, meron ding furnitures, nasa fashion industry at marami pa. Napukaw ang paglilibot ng mata nya sa pagtikhim sa harap nya ng Isang lalaki. "Hi. Sorry to disturb. Just can't help myself staring at you. And if not that too much, I also would like to ask for your name" at ngumiti ito sa kanya. Lumabas ang dimples nito. "By the way, I'm Gabriel Montilla" at nilahad nito ang kamay sa kanya Yummy ah.. Infairness! Inabot naman nya ang kamay nito at nakipagkamay at tipid na ngumiti. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil nito sa kamay ko. Di naman sya na-offend, ang guwapo naman din kasi.. Pero pag chaka toh kanina ko pa binalibag at nginudngod sa sahig. .. haha! Discrimination?! "Harlene" tipid na sagot ko "beautiful name" wika nito na binalik sa bulsa ng pantalon ang kamay matapos nya bawiin ang pagkakadaop ng palad nila habang mataman pa din nakatitig sakin Habang nakikipagusap sya dito ay may nahagip ang mata nya na tila kahina-hinalang mga kilos. Mga nakauniform ng pang-waiter at nagtatanguan sila… kakaiba pakiramdam nya sa mga ito.. "Harlene?" untag ng lalaki sa kanya "Uhmm.. Sorry Mr. Montilla, but I need to go to the bathroom" wika nya dito. "Oh sure. See you around" wika nito na may himig lungkot sa tono Naglakad na sya patungo sa direksyon ng mga waiters pero nilingon nya muna kung nasan ang lokasyon ni Winter at nasa kabilang pasilyo ito pero.. wait… Nakatingin ba to sakin?? Bat parang galit??? Iwinaksi nya ang paningin dito.. Baka guni guni nya lang at binalik ang paningin sa mga kahina-hinalang waiters. Nakita nyang may inabot na bag ang isang waiter sa isa pa at dumiretso ng akyat sa hagdan pataas. Dali dali syang naglakad takbo para abutan ang may dala ng bag.. Sinundan nya ito at nakitang pumasok sa electrical room. Lumakad sya papunta sa electrical room at ng malapit na sya ay biglang bukas ng pinto nito at lumabas ang lalaki. May balbas ito sa ilalim ng baba na halos kasing haba lang ng hinliliit habang ngumunguya ng bubble gum. Halatang nagulat din ito ng makita sya. "Anong ginagawa mo dito?" matapang na tanong nito "Uhmm. I think I'm lost. I'm actually looking for the comfort room" maarte kong sagot. Yes! English spokening haha! "Walang CR dito generator at electrical room lang meron dito" sagot nito habang malakas na nginunguya ang bubble gum sa bibig "uhmmm.. Can you do me a favor?" tanong ko habang nag be-beautiful eyes at humawak sa braso nito "ano yun?" nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kinilig yata sa paghawak.. Haha "sabihin mo nga " MEEEEEHHHHH" " wika ko " MEEEEEEEHHHHH?"Gaya nito sa kanya "ayyyy confirmed! Kambing ka nga!" wika ko dito bago walang sabi sabing sinuntok ko ito sa mukha sanhi para mapaatras ito habang sapo ang mukha nito. Akmang susugod ito kaya umikot sya at sinipa ito sa mukha na tumama sa panga nito. Bumagsak ito ng walang malay. Hinila nya ito papasok sa electrical room. Agad nyang nakita ang bag na bitbit nito kanina at hinalukay ito. Meron mga lubid at duct tape. Sakto ah.. Pangtali sa Kambing na to! Tinalian nya ang kamay nito at nilagyan ng duct tape ang bibig, sinunod naman nya ang paa nitong talian. Sinabit nya ang lubid sa bakal na kisame at binitin patiwarik ang walang malay na lalaki.. Nilibot nya ang mata nya sa electrical room at nanlaki ang mata nya sa nakita sabay mura "Pakshet! Bomba!" base dito ay trenta minutos nalang bago sumabog!" Tinignan nya ito. Marunong sya magdetonate ng bomba pero hindi lahat ng klase. Binuksan nya ang takip nito ng dahan dahan para silipin ang wire. Napabulalas nalang sya sa nakita.. "T*ngina! Ano toh?!" hindi sya makapaniwala sa itsura ng wirings nito… Nampucha! Ang colorful! Dinaig pa ang rainbow lintek! Ang normal na bomba ay blue, yellow at red lang pero etoh sampung magkakaibang kulay ang wire! Agad nyang pinindot ang relo para kontakin ang grupo nya… si Amaryllis ang bomb expert at kailangan nya ito ngayon "Amaryllis, asan ka?" tanong ko. "Wolfsbane, nagmamanman kami ngayon sa safe house ng blue shadow. Bakit?" tanong nito "nasa hotel ako. May bomba dito at sasabog ito sa loob ng 25 minutes." Binuksan ko ang body cam para nakita nito ang bomba "ibang klase ang wirings nito. Sampung kulay." "malayo tong safe house dyan sa hotel, Wolfsbane baka hindi kami umabot sa 25 minutes kahit paliparin pa namin ang sasakyan. Babyahe na kami papunta dyan pero iguide kita para ma-detonate ang bomba habang nasa daan." "okay sige."at tinutok sa bomba ang camera Kinuha ko ang purse ko at nilabas ang swiss knife "tignan mo kung saan nakakonekta ang bawat wire" inumpisahan nyang i-trace ito. May dalawampung minuto nalang ang natitira "teka, balikan mo yung kulay turquoise" wika nito Napakunot ang noo ko "T*ngina ano yung turquoise?!" Ang hirap na nga idetonate ng bomba pati kulay duduguin ka pa?! Pashnea ng 100x! Rinig nya ang pagtawa ng mga ito sa kabilang linya "mga Pakshet kayo tigilan nyo ko.. Kundi kayo pasasabugin ko!" gigil kong turan "ayan yung hawak mo putulin mo ng dahan dahan" wika ni Amaryllis sa garalgal na tono dahil sa pagtawa Dadan dahan nya itong pinutol.. Tagaktak na ang pawis nya.. Pinagsamang tensyon dagdag pa na sadyang mainit sa electrical room. Pumikit sya ng naputol ito at nakiramdam sandali. Nang maramdaman na hindi naman sumabog ay dumilat sya.. s**t na malagkit! Umaandar pa din ang oras! Kinse minutos nalang.. Nagtrace ako muli ng wire at nagsalita si Amarylis. "Wolfsbane, yung kulay magenta isunod mo hindi sya nakakonekta sa timer. Yun ang putulin mo" "kingina! Una turquoise sunod magenta naman! Pag natapos talaga tong bwisit na to itutumba ko sino nakaimbento ng p*nyetang kulay na yan bukod sa Rainbow!!" galaiti nito "ayan yung magenta sa kanan mo" wika nito na pinipigilan ang tawa Agad nyang pinutol ito. Ngunit hindi pa din tumigil ang timer nito Lintek! Nauubos na pasensya ko! Limang minuto nalang! Mas lalo syang nagfocus.. Isa Isang inaanalisa ang bawat wire nito. Nang may nakita syang nagiisang wire na nakakonekta sa katawan ng bomba. "Amaryllis, anong kulay tong p*nyeta na to?" bwisit nyang wika habang hawak ang Isang wire. Isang minuto nalang ang natitira "Fuchsia" sagot nito. "Pashnea talaga nakaimbento ng mga yan! Ililibing ko talaga ng nakatiwarik yan" maktol nya habang dahan dahan na pinutol ito. Tinignan nya ang bomba… Bumilis ang timer nito…..! Kinabahan sya.. My gulay! Katapusan ko na ba? Wag muna..! Pumikit sya at pinakiramdaman ang bawat tik tak ng bomba.. Nang biglang tumigil ito.. Dahan dahan sya nagmulat at tinignan ito.. Tumigil na! Whew! Salamat naman! Pero Pakshet pa din yung nakaimbento ng hinayupak na kakaibang kulay na yan at ng bomba na colorful ang wiring..! Haha! Di makamove on?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD