Mabilis nyang sinukat ang loader at ang kinalalagyan ng V Queens, bahala na! Ang importante ay makawala sila sa pagkakalambitin. Nakipag-usap sya sa mga ito gamit ang mata at kita ko ang marahang pagtango ng mga ito. Kinabit ko ang silencer ng baril ko. Alam kong makakaagaw pa din ng pansin ang gagawin ko pero atleast ay hindi ganun ka-eskandaloso. Agad kong pinuntirya ang mga tali nila para pabagsakin sa loader. Hindi naman sila ganong masasaktan siguro. Besides, sanay naman din silang masaktan. Ano daw? Isa-isa silang bumagsak sa loader at kita ko ang pag-igik nila dahil buong bigat nila ang bumagsak at una pa ang mukha nila. Nagkibit-balikat nalang ako. Mahalaga makawala sila. Maingat akong lumapit sa kanila at nilabas ang kutsilyo para kalagin ang mga tali nila. Tinignan ko sila

