Chapter 34 “Aargh!” Malakas na sigaw ni Jacob habang nililinis ang kanyang mga natamong mga sugat mula sa mga nakasalubong niyang pack. Nasa itaas siya ng isang puno upang magpahinga. Malaki iyon at nakatago siya sa makapal nitong mga sanga at dahon. Makakapagpahinga rin siya nang maayos nang walang pangamba sa mga tumutugis sa kanya. Hindi niya inaasahang magiging palpak ang kanyang plano. Pinagsisihan niya ang ginawa ngunit hindi na niya maibabalik pa ang kahapong nawala. “D*mn it!” singhal niya sa sarili ngunit impit ding napaiyak dahil sa sakit ng nararamdaman. Malungkot niyang inalala ang mga nangyari sa kanila ng nobyang si Solene. Gusto niya itong tanungin kung bakit ito ang naroon sa kubo imbis na ang dalagang si Luna ang dapat na naroon. Gusto niya itong pagalitan ngunit huli

