Chapter 16 Simula nang magbanta ang dalagang si Amy kay Luna ay hindi na siya mapakali kaiisip sa kung ano ang kahihinatnan niya. Maayos pa rin naman sila ng binata at kahit hindi pa niya ito sinasagot ay ramdam naman niya sa kanyang puso na mahal siya ng binata. May hindi siya maipaliwanag tungkol dito. She feels connected to him and she does not know why. Nararamdaman niya kapag may panganib sa paligid at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang malakas na kutob niyang iyon. Hindi man niya sinasabi sa binata ngunit mukhang alam rin nito kung ano ang kanyang nararamdaman. “Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigang si Solene nang mapansin nitong mukhang wala siya sa hulog. Tumango siya. “Marami lang akong iniisip ngayon,” she answered, half-heartedly. Totoo namang maram

