Chapter 15 Luna was having a hard time sleeping. Nang makauwi sila ay panay ang pagtatanong sa kanya ng ina kung kamusta na sila ng binata. Hindi naman niya masabi-sabi rito ang totoo dahil nauunahan siya nang hiya sa katawan. Panay ay pag-ikot-ikot niya sa kanyang higaan. Maghahating-gabi na at hindi pa rin siya makatulog kaiisip sa binata. Nag-iinit pa rin ang kanyang mukha habang inaalala ang halik nito sa kanya. It was a sweet moment for her. It was like her soul was held captive by the sweetness of his tongue. It was a trembling moment for her. Kinagat niya ang kanyang unan habang impit na nagtitili upang mailabas ang kilig na pilit niyang pinipigilan. Naisipan niyang lumabas dahil sa sobrang init nang kanyang pakiramdam. Binuksan niya ang bintana at pinagmasdan ang madilim na pali

