Chapter 14 Halos magsuntukan ang mga paruparu sa tiyan ng dalagang si Luna nang higitin siya ng binata kanina. Hindi siya makahinga sa ginawa nito at para bang naging pipi siya dahil hindi siya makapagsalita bagkus ay nanginginig ang kanyang mga kalamnan. Nasa ilalim sila ng punong mangga sa likod ng kolehiyong kanilang pinapasukan. Hindi na sila nag-abala pang pumasok lalo na at namumula ang kanyang buong mukha. “Are you okay?” nag-aalalang tanong sa kanya ng binata dahil kanina pa siya hindi umiimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Maayos naman siya sadyang nakakagulat lang talaga ng mga pinaggagawa nito sa kanya ngayong araw. “Ayos lang ako,” tipid niyang sagot. “Bakit kayo nag-uusap ni Amy?” Gustong-gusto na niyang itanong iyon sa binata at ngayong nagawa na niya ay para siy

