Chapter 45 Halos mapasigaw sa gulat si Nanay Esme nang makita ang katawan ng dalagang si Luna na nakahandusay sa harap ng pinto nila sa likod ng kanilang bahay. Walang malay ang dalaga at madungis ang katawan nito. May mga galos ito sa balat at mga mangilan-ngilang sugat. Halos madapa naman sa katatakbo ang dalagang si Emily nang marinig ang sigaw ng ina-inahan. Nag-aalala niya itong dinaluhan ngunit pati ito ay napasigaw rin sa gulat dahil sa nadatnan. “Luna!” sabay na sigaw ng dalawa. Lumuhod ang dalaga upang daluhan ang kapatid. Niyugyog nito ang balikat nang walang malay na kapatid uoang gisingin ito ngunit bigo sila. “Luna!” “Dalhin natin siya sa loob! Tulungan mo ako!” anang ina nila. Nagtulungan silang buhatin ang dalaga at matagumpay naman nila itong nabitbit. “Ano ang nangy

