Chapter 76 Hindi matigil ang ngiti sa labi ni Cameron. Tapos na siyang mag-ayos ng kanyang gamit at handa na rin siyang umalis. Kanina pa nakataas ang sulok ng kanyang labi. Hindi na siya makapaghintay na makita at makausap ang dalaga. Kaagad niyang binitbit ang kanyang backpack at humarap sa pinto. “I hope she’s well,” bungad sa kanya ng Don. Nagulat siya sa presensya nito. Tumango si Cameron saka ngumiti. “I hope, too,” sagot niya. “Send my regards to her,” utos nito. Tumango-tango si Cameron. “I will,” nakangiti niyang saad. Kaagad siyang lumabas ng mansyon at tinungo ang kanyang motor na nakaparada sa garahe. Pinaandar niya ito at saglit na pinainit. Naroon ang excitement sa kanyang puso ngunit hindi naman mawala ang kaba sa kanyang isipan. Natatakot siya. Bumuntonghininga

