Chapter 75 Lumipas ang ilang buwan, naparusahan ng kamatayan ang binatang si Jacob dahil sa dami ng kanyang kasalanan. Ang dalagang si Fresia naman ay pinaalis sa grupo at naging rogue ito. Nagtatabo ito sa ngayon. indi na nagparamdam si Cameron kay Luna. Wala na rin siyang balita sa dalaga. Malungkot man ang kanyang buhay ay hindi na siya nag-abala pang lapitan ulit ang dalaga. Tama na ang ilang buwang pangungulit niya rito. Mukhang hindi na siya nito mapapatawad pa. “Hindi ka na ba babalik?” tanong sa kanya ng binata niyang pinsan. Nilingon niya ito ngunit kaagad ding ibinalik ang paningin sa malawak na dagat. Tahimik na naghahampasan ang mga alon. Malakas at mainit ang hangin na dumadampi sa kanyang balat. Bumuntonghininga si Cameron. “I don't know,” aniya. “Hmm.” “Why?” “Yo

