Chapter 74 “You two-faced b*tch!” malakas na singhal ni Emily. Nakangisi lang ang binata sa kanya. “Tsk! Paulit-ulit ka na lang,” usal nito. “Emily!” Umalingawngaw ang malakas na sigaw na iyon ng dalagang si Luna. Nanumbalik ang lakas sa katawan ni Emily nang marinig ang boses ng kanyang kapatid. Binalingan niya ang pinanggalingan ng boses nito. Nakatayo sa kaliwang bahagi ng pasilyo si Luna. Magulo ang buhok nito at gusot ang suot na damit. May mga butas din iyon. Biglang nanubig ang mga mata ni Emily. “L-Luna . . . ” bulong niya. “ . . . You're here,” usal ni Emily. Tumakbo si Luna upang salubungin ang kapatid ngunit hindi pa man siya nakakalapit at bumagsak na ang kanyang kapatid. Umalingawngaw sa buong pasilyo ang kanyang malakas na sigaw. “Emily! No!” sigaw ni Luna. Hindi na g

