Chapter 47 Isang malakas na kalabog ang bumulabog sa tinitirhang bahay nina Luna at ng pamilya niya. Himbing silang lahat sa pagkakatulog at hindi mawari ng dalaga kung ano ang nangyayari. Ngarag siyang bumangon mula sa pagkakahulog niya sa sahig. Tumama ang kanyang ulo sa maliit na mesa kaya naman hilong-hilo siyang tumayo. Sapo niya ang kanyang noo habang pinipilit na inaayos ang kanyang paningin. Pipikit-pikit siyang nagdilat ng kanyang mga mata. Hindi pa tuluyang pumapasok sa kanyang isipan ang nangyari. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kanyang kuwarto at halos manlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Sira ang bahay nila. Bumagsak ang bubong sa kuwarto ng kanilang ina samantalang ang kuwarto ng kanyang kapatid at sira na rin. Biglang gumapang ang kaba sa kanyang dibdib dahil ma

