Chapter 57 Hindi pa man nakakalayo si Cameron mula sa bahay ng dalaga ay narinig na niya ang malakas nitong sigaw. Biglang umihip ang malakas na hangin. Kaagad siyang tumakbo pabalik sa dalaga. Ilang segundo lang at narating niya kaagad ang tirahan nito. Pahampas niyang biyang binuksan ang nakasaradong pinto. Tumambad sa kanya ang dalaga. Nakaupo ito sa sahig habang nakatakip ang dalawa nitong kamay sa tainga habang nakapikit. Randam niya ang takot nito. Kaagad niya itong nilapitan. “Luna!” Napamulat ito nang marinig ng dalaga ang kanyang boses. “It's me!” Bigla itong umiyak. “Si Emily! Hindi ko siya makita! Hindi ko alam kung nasaan siya!” anunsyo nito dahilan upang igala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. He can sense something different. Danger. Tinulungan niyang

