Chapter 56 “FRESIA.” Lumingon ang dalaga nang marinig nito ang boses ng binatang si Jacob. Kagagaling lang ng huli sa labas. Pawis na pawis ito at kasalukuyang nagpupunas ng katawan. “What?” maarteng tanong ng dalaga sa kanya. Kasalukuyang nagme-makeup ang dalaga at panay punas ito sa labi dahil hindi nito nagugustuhan ang lipstick na inilalagay nito sa sariling bibig. “Ah . . . Kailan natin isasagawa ang plano?” tanong niya. Nagkibit-balikat ito. Sumeryoso bigla ang dalaga. “Next month. Prepare yourself,” utos nito sa kanya. “Okay.” Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palabas ng kuwarto ng dalaga. Nasa tagong mansyon sila ngayon dahil kailangan nilang mawala sa paningin ng mga tao upang maisagawa nila ang plano nang walang sagabal. Humarap sa binata si Fresia. “Wait!” pi

