Chapter 55 Ilang linggo ang nakalipas at hinahayaan na ni Luna na kulitin siya ng binatang si Cameron. Nasanay na siya sa kalokohan nito. Hinahanap-hanap na rin niya ang presensya ng binata at pati ang mga luto nito ay siyang hanap ng kanyang panlasa. “Saan mo na naman ako dadalhin?” tanong ni Luna. Pinilit siya nitong isinama sa lakad na wala siyang kaalam-alam kung saan tutungo. “Just wait and see,” sagot ng binata. Nakangiti ito nang malapad sa kanya. “Hmp! Baka mas lalo lang akong mainis sa ’yo,” nakasimangot na wika ni Luna. Umiling lang ang binata. “Don’t worry. I know you will like the place,” anunsyo ng binata. Hindi na umimik ang dalaga. Hinayaan niya na hilahin siya ng binata. Hindi naman siya nakaramdam ng panganib kaya ayos lang na paminsan-minsan ay pagbigyan niya a

