Chapter 54 Asikasong-asikaso ng binatang si Cameron ang dalagang si Luna. Hindi siya magkandaugaga sa ginagawa. Habang ang paningin naman ni Emily ay nasa kanilang dalawa. Natatawa ang dalaga sa reaksyon ng mga ito. Si Luna naman ay napapasapo sa sariling noo. Naalibadbaran siya sa pagparoon at parito ng binata. “Cameron,” malumanay na tawag niya sa pangalan nito. Kaagad itong lumingon sa kanya. “Yes?” “Please sit down,” utos ni Luna. “Nahihilo ako dahil sa ginagawa mo,” reklamo niya. “Why?” inosenteng tanong sa kanya ng binata. Nagtataka pa ito sa kanyang reaskyon. “Kasasabi ko lang na nahihilo ako dahil sa ’yo. Ang likot mo, eh,” nakangiwing komento ni Luna. Aligaga namang sumunod sa kanya ang binata. “Okay,” usal nito. Ang just like that, they finished their breakfast. IT'S BE

