Chapter 53 Kinabukasan ay nagising si Luna sa mabangong halimuyak nang hindi niya matukoy na bagay. Pabalikwas siyang bumangon dahil para siyang nahipnotismo nito. Dinala siya ng kanyang mga paa sa kusina. Nagugulat niyang tinapunan ng tingin ang binatang si Cameron. Nakasuot ito ng apron na kulay pink at guwapong-guwapo itong tingnan sa kulay puti nitong t-shirt at itim na shorts. Abalang-abala ito sa ginagawa at hindi siya nito napansin. Seryosong-seryoso ito sa ginagawa na para bang may sarili itong mundo. “What are you doing?” usyuso niyang tanong dito Kaagad itong napabaling sa kanya nang marinig nito ang kanyang boses. She is still groggy. Wala man lang hilamos ang kanyang mukha at hindi pa siya nagsusuklay. Wala siyang kaidi-ideya sa kung ano ang kanyang hitsura. “Good mornin

